16: E

354 11 0
                                    


----16

Hyzel

"Kert, natatakot ako!" Pasigaw ngunit pabulong na saad ko tsaka niyugyog siya. Nakaupo kami sa hintayan ng bus. Hindi namin alam ang oras kaya alas dos pa lamang ng umaga, pumunta na kami. Actually, we asked for someone's help, SPO4 Damon.

"Hyzel, kalma ka lang. Tutulungan tayo ng pulis!" Aniya tsaka muling ibinalik ang tingin sa mga bus upang magmasid kung may kakaiba ba. Napabuntong-hininga na lang ako tsaka umayos ng upo at hindi ipinahalatang may mangyayari ngayong kababalaghan.

Syempre, SPO4 Damon asked the authorities first about this. syempre, hindi ka pwedeng sumugod ng walang pasabi and take note, naka-sibilyan pa. Meaning, hindi siya pwedeng manghuli at magpaputok ng baril kung hindi naman dapat at dahil nga nagsabi siya tungkol sa problemang ito, pinayagan siya sa ganitong ayos.

"Tignan mo." Bulong ni SPO4 Damon kay Kert habang palihim na itinuturo ang lalaking itim na itim na kauupo lamang sa harapan.

"Shit, siya iyan." Bulong din ni Kert at biglang ibinaling sa akin ang direksiyon nang tumingin siya sa pwesto namin. 

"So, tama tayo ng pinuntahang sakayan ng bus?" Tanong ko na may halong pagkamangha. Si SPO4 Damon ang nagsabi sa amin na dito na lang dumiretso dahil ito ang pinakamalapit sa tirahan ni Emman.

"Yes, maghanda na kayo." Paalala sa amin ni SPO4 tsaka marahang inilabas ang baril niya upang hindi makita ng mga tao sa paligid namin.

Pinagmasdan ko lang ang lalaking nakaitim. Halatang may hinihintay nga siya. Lalo akong kinabahan nang may humintong bus  sa tapat lang. Pagkaraa'y bumaba ang isang babae na puro bag ang dalaga at mahahalata mong bigat na bigat siya. Ang plano namin, kung babae, tutulungan ko at lilibangin habang nakasunod naman sina Kert at SPO4 sa lalaki oras na ito ay tumayo.

Lalo akong kinabahan nang magsimula na akong tumayo. Sa huling pagkakataon, ngumiti ako kay Kert upang mapagkuhanan ng lakas. 

Nang mapansin kong nakita na ng lalaking nakaitim ang babae, nagmadali ako lalong maglakad upang makarating sa kaniya at tulungan siya. "Hi, tulungan na kita." Ngumiti ako upang mas convincing. Sa tingin ko, katulong ito. At dahil sa bigat nga ng mga dala niya, inabutan niya ako ng isang malaking bag.

"Paninda ba ito, ate?" Tanong ko pa at palihim na tumingin sa direksiyon ng lalaking nakaitim. Shit, mas malapit na siya.

Paano kung matunugan niyang kasabwat ako nina Kert? Kinakabahan ako, isang putukan lang niya sa akin ng baril.

Saktong paglapit sa akin ng lalaki ay ang patakbong si SPO4 Damon at si Kert sa direksiyon namin. He was about to shout his line na, 'Itaas mo ang kamay mo blahblah' ngunit naunahan na iyon ng isang nakakabinging putok ng baril.

Kinakabahan kong idinilat ang mga mata ko. Buong akala ko, iyong lalaki ang nagpaputok ng baril ngunit hindi. Agad akong tumingin kay Damon to ask him kung siya ang nagpaputok ngunit agad siyang umiling.

Napakagat ako ng labi nang mapasadahan kong muli ng tingin ang lalaking naka-itim.

Nangingisay na siya dahil sa dami ng tama ng baril.

HAS 2: Spilling The BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon