Hello! Kung umabot ka sa parteng ito, maraming salamat sa iyong suporta at pagbabasa nito! Tatanawin ko talaga ito hanggang sa paglipas ng panahon. Isang malaking pasasalamat sa iyo dahil sa pagbasa nito hanggang sa dulo at hindi bumitaw kahit noong 2014 ko pa yata ito nilabas at tatlong beses na inulit dahil sa pagiging IA ko ng paulit-ulit hanggang sa mawala na ako sa pinakang plot ng story.
I revised this story, three times! Yes, three times. Nakakahiya para sa ilang unang nakabasa noon. Naisip ko tuloy kung oras na bumalik sila, magtaka sila dahil iba na naman ang nasa first part. Opo, two times ko lang kasing ni-revise ang prologue. Nag-stick ako doon noong inulit ko ito sa ikatlong pagkakataon.
Ang daming pinagdaanan ng Book 1 at 2. May 2014 ko inumpisahan ang book 1 at itong book 2 ay inatapos ko ngayong 2016 lamang. Ang Book 1 (Hide And Seek) ang nag-push sa akin upang sumulat pa ng ibang story na ang genre ay mystery. As time passes by nga, natuto na rin akong magpalipat-lipat ng genre at hindi puro mystery lang na binura ko na dahil sa pagiging IA ko nga noon. Sa dami ng pinagdaaanan ko sa dalawang libro na ito, masasabi kong worth it siya noong makarating ako sa epilogue. Nae-excite ako habang pinipisa ko ang bawat letra sa keyboard. Nakakatuwang nakatapos na naman ako ng isang storyang ganito kahaba.
Alam mo iyong pakiramdam na naiiyak ka dahil naging maayos ang pagsusulat mo at hindi mo na ito inulit sa ika-apat na pagkakataon? Sobrang nakakaganda ng araw ang ganitong pangyayari sa buhay ko. Hindi ko inaasahang darating na naman ako sa puntong magsasara at mamamaalam na naman sa isang libro.
Ang dami naming pinagdaanan ng magkasama nitong dalawang libro, kasama ka bilang mambabasa. Malaking-malaking pasasalamat sa iyo, kaibigan!
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ng maayos ang lahat ng gusto kong sabihin dala ng labis na saya. Basta ang alam ko lang, minahal ko ang nagbasa, ang buong libro, at ang mga character na bumuo sa storya na ito. Ang hirap man mag-let go at isara ito, gagawin ko na at kailangan ko nang mamaalam. Tumatak sa akin ang ugali ni Emman. Si Emman na baliw at tanga sa pag-ibig. Darating at darating talaga ang ilan sa ganitong punto.
Sana, kahit hindi ko man masyadong napalitaw ang aral ng akdang ito, umaasa akong naunawaan mo ang pinararating ko. Hindi laging puso, gumamit ka ng utak sa pagmamahal dahil hindi mo alam ang kahihinatnan nito. At para kay Demonise, hindi magandang nagbibitaw ng salita na hindi kayang gampanan at iwasang mainggit sa kapatid. Iba ang nagagawa kapag nilamon ka ng pag-ibig at pagka-inggit. Gagalaw ang nakakatakot na parte ng iyong kamay na kung saan ay makakapatay ka na ng tao.
SEEKERS, thank you so much for reading book 1 and book 2. I never expected for all of you to notice my story pero sobrang natutuwa na naiiyak ako sa ginawa niyong pagbabasa. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ako makakatanggap ng thousands na reads. Nakakaiyak talaga kayo kahit ang hirap makakuha ng komento sa inyo. Nararamdaman ko namang nababasa niyo dahil sa pagdagdag ng reads.
SALAMAT SA PAGIGING MATIYAGA SA PAGHIHINTAY NG UPDATE. MAHAL NA MAHAL KO TALAGA KAYO, SOBRA.
Promise, kung magkaka-time na ako, tatanggalin ko na ang mga typo errors. Sa ngayon kasi, June pa lamang at kasagsagan pa ng maraming gawain. Kailangan ko po kasing makakuha ng mataas na marka para may maipagmalaki dahil grade 10 na po ako. :>
PAALAM AT MARAMING SALAMAT, SEEKERS! SALAMAT SA PAGIGING BAHAGI NG AKDANG ITO!
Nagmamahal,
bigas
BINABASA MO ANG
HAS 2: Spilling The Beans
Misterio / Suspenso"Oras na pag-ibig ang manguna.. matakot ka na." PS: I changed the title of the sory pero ito parin ang book 2 ng HAS. thanks Sept 2014 (released) March 2016 (revised)
