---18
Demonise
Naiinis akong lumabas ng Vignette's. Hanggang kailan ko ba sisisihin ang sarili ko sa lahat ng ito? Pagod na akong tanggapin lahat ng pagkakamali ko. Pinagsisihan ko na lahat ng mga ginawa ko pero alam kong hanggat hindi pa tapos ang lahat, hindi ako titigilan ng konsensya ko.
"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Cloud. Bakit ang sakit isiping ang tanga-tanga ko? Bakit hindi ko matanggap na naging pabaya ako sa mga actions ko nitong mga nagdaang araw at linggo? Bakit pinabayaan kong lumagpas lang ang lahat sa mga kamay ko? Bakit hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala ang sagot?
Nakaka-disappoint. After kong malaman na Emman Diaz ang binigay na clue ni Yuri, nanginig ang buo kong kalamanan sa galit . Kahit alam kong si Emman talaga ang nagplano ng lahat, hindi ko maiwasang magali at mabigla sa lahat.
Hindi ko na kayang i-absorb lahat.
"Pero totoong Diaz ang middle name ni Emman?" Paninigurado ni Cloud kaya dahan-dahan akong tumango.
"Huwag mo muna akong sundan." Saad ko tsaka naglakad palayo. Bakit ganito lahat? Akala ko ba, matalino ako? Bakit nagpakatanga ako?
January, noong pauwi ako, nakita ko si Emman na abala sa kaniyang cellphone at may kinakausap. Ngumingisi pa ito kaya lumapit ako sa kaniya. I even asked him kung girlfriend niya ang kausap niya ngunit nginisihan lang niya ako! Noong mga panahong iyon, kauuwi lang niya galing sa Pilipinas. The day after, may nag-text sa kaniyang isang doctor. I want to ask him pero naisip kong baka nagpacheck-up lang siya na karaniwan niyang ginagawa.
Parang nag-echo lahat sa akin ang mga narinig, nakita at nalaman ko. Ang doctor pala na iyon ang nagpagamot kay Yuri at nagpapalit ng kaniyang mukha. Bwisit, bakit hindi ko pinansin at hinayaan lahat na lumagpas na lamang? Bakit hindi ako madaling magtaka sa paligid ko?
Buhay si Reign.
Kung buhay si Enzo, buhay din si Reign! Alam kong buhay ang kapatid ko!
"Listen, this isn't Hyzel. Please, listen. I don't know if tama ba ako ng tinawagang tao pero nagmamakaawa ako... sagipin mo ako. I-I just don't know who are you.. Nakuha ko lang ito sa mga dumakip sa akin and I saw your number sa call logs. A-all I can see is a white house. W-wait, trees and... and.. wait, I saw a man... and he's about to pull the trigger in my h-head... No! No! No, please! Don't pull the trigger! No! Help! Help!"
Tila ba tinusok ako ng paulit-ulit. Si Reign ang tumawag sa akin ngunit pinabayaan ko lang siya. Maliligtas ko na sana ang kapatid ko sa kamay ni Emman ngunit pinabayaan ko lang iyon. Tumawag na siya sa akin ngunit pinabayaan ko siya--abot kamay ko na sana.
Pinagwalang-bahala ko ang boses niya. Hindi ko napansin. Ganoon ba talaga akong kapatid sa kaniya? Hindi manlang bumilis ang tibok ng puso ko noong marinig ko ang boses niya. Noong makita ko ang ginamit niyang numero, kay Emman na numero ang naka-save doon!
Again, pinabayaan ko.
Napasuntok ako sa aking ulo dahil sa labis na inis. Nasa harap ko na ang lahat ng sagot pero wala akong ginawa. Ni-hindi manlang ako nag-imbestiga noong makita ko ang pangalan ni Emman.
Ibig-sabihin, umuwi na siya ng Pilipinas noong tumawag ang babae at nakidnap si Hyzel. Tama, siya nga rin ang may pakana noon. Nasagot iyon nang makita ko si Grace na siyang kausap ni Mikeila. Tauhan din pala siya ni Emman and I don't know kung tama bang huwag ko na muna itong sabihin kay Kenchi.
Napatakip ako sa aking mukha nang makarinig ako ng mga boses. Putcha, tama na!
"Ang tanga-tanga mo."
BINABASA MO ANG
HAS 2: Spilling The Beans
Misterio / Suspenso"Oras na pag-ibig ang manguna.. matakot ka na." PS: I changed the title of the sory pero ito parin ang book 2 ng HAS. thanks Sept 2014 (released) March 2016 (revised)
