Chapter 1

27.5K 447 4
                                    

Star Dancer
By...emzalbino
(rated spg)

Linggo ng ipinasya ng tatlong magkakapatid na sina Aleah, Memi at Gina na magsimba at dalawin ang puntod ng kanilang mga magulang pagkatapos nilang magsimba. Pagkatapos nga nilang magsimba ay bumili sila ng sampagita para sa yumao nilang mga magulang saka nagtungo ng sementeryo.

Taimtim na nagdarasal si Aleah sa harap ng puntod ng kanilang mga magulang at gayundin ang dalawa nitong mga kapatid na nasa kinse at trese anyos na gulang. Ilang sandali pang nagdarasal si Aleah ng hindi nito namamalayan ang mga luha nitong bumuhos, pilit man niyang itinatago sa kanyang mga kapatid ang kanyang pagluha ngunit ng nasa harap na siya ng puntod ng kanilang ama't ina ay hindi na niya nalabanan pa ang kanyang emosyon.

"Ate papaano na tayo? Saan na patungo ang buhay natin?ani Memi ang sumunod kay Aleah.

"Wag na wag kayong mag alala dahil hindi ko kayo pababayaan. Itataguyod ko kayo at pag aaralin ko kayo ni Gina" luhaang sabi ni Aleah saka nito niyakap ang dalawang kapatid na kapwa niya namamalisbis ang luha habang nakaharap sa puntod ng kanilang mga magulang.

"Inay,itay! Sana po ay gabayan ninyo kami ng aking mga kapatid dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula para iahon ko o itaguyod ko ang aking mga kapatid dahil wala naman akong sapat na pinag aralan para makapasok ng matinong trabaho" sa isip isip ni Aleah.

Matapos ang madamdaming eksena sa puntod ng mga magulang nila Aleah ay nagpasya ng umuwi ang magkakapatid ngunit bago iyon ay dumaan muna sila sa isang talipapa na malapit sa kanilang lugar at bumili ng dalawang kilong bigas at mga gulay na kayang kaya lang ng kanilang budget at isang kilong galunggong para kahit papaano ay makatikim naman ng may malasang ulam na hindi nalang itlog at tuyo ang laging ipinapaulam niya sa kanyang mga kapatid.

...

Lumipas pa ang dalawang linggo ay paubos na ang perang naitatabi ni Aleah at hindi niya alam kung saan na siya kukuha ng pambili ng mga kakailanganin nila sa araw araw.

Nagtungo siya ng bayan upang mag aplay ng kahit na sakes lady man lang ngunit hindi siya matanggap tanggap dahil kung hindi nila sasabihing hindi daw qualified ang kanyang education background ay sinasabi namang menir de edad palang siya dahil nga dese sais palang naman siya.

Nang walang makitang trabaho si Aleah ay nagpresinta nalang siya bilang labandera sa mga bahay bahay ng mga maykayang pamilya. Kahit nahihirapan siya sa paghahanap buhay ay hindi niya kayang magreklamo dahil siya Lang ang pwedeng asahan ng kanyang mga kapatid.

Hanggang isang araw ay pinakiusapan siya ng isa sa mga pinaglalabahan niyang pamilya na maglinis ng kanilang bahay dahil darating daw ang kanilang anak na galing sa America at pumayag naman si Akeah dahil dagdag pa ito sa kanilang gastusin.

Dahil sa malaking bahay iyon at mag isa lang si Aleah kaya halos maghapon na niya itong nililinisan ngunit hindi parin siya matapos tapos.

"Aleah, aalis muna kami ng anak ko at may bibilhin lang kami sa bayan. At kung sakaling dumating ang aking asawa at hanapin kami ay pakisabi nalang na nagpunta kami ng bayan para bumili ng handa bukas at mga iba pa naming kakailanganin" bilin ni Mrs. Hilda kay Aleah.

"Opo Mrs. Hilda" sang ayon na sagot ni Aleah saka nito kinuha ang mga maruruming mga kurtina at isinalang sa washing machine at nagtungo sa mga kwarto ng bahay at ikinabit ang mga bagong kurtina.

Nang nasa may master bed room na siya ay nakahinga na ng maluwag si Aleah dahil iyin nalang ang huling kwartong kakabitan niya ng kurtina at pagkatapos nun ay tapos na siya sa mga gawain.

Habang ikinakabit niya ang kurtina ay nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto ng master bed room.

"Ikaw pala ang nasa loob akala ko ay ang asawa ko" ani Mr. Raul Muñoz ang asawa ni Mrs. Hilda Muñoz...."Umalis ba ang asawa ko? maya maya ay tanong nito kay Aleah ngunit ang mga mata nito ay pataas pababa ang tingin nito kay Aleah.

Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon