Star Dancer
By...emzalbino
..rated spg..Agad na dumeritso si Aleah sa bahay ni mommy Dess para kunin ang perang bayad sa kanya at pagbaba niya ng taxi ay sakto namang pagbaba ni mommy Dess sa service van na ginagamit nilang pagsundo at hatid sa mga babaeng nagsasayaw sa club.
Ni hindi makatingin si Aleah ng deritso kay mommy Dess dahil sa pakiwari niya ay nahihiya siya na nanliliit siya sa kanyang sarili.
"Mo-mommy Dess nagawa ko na po" halos pamulahan ng pisngi si Aleah ng sabihin niya ito kay Mommy Dess.
"Okay" ani Mommy Dess..."Tara sa loob at doon tayo mag usap" muling wika ni mommy Dess saka nauna na itong pumasok sa may gate at nakasunod naman si Aleah.
Nang makapasok na ang dalawa ay hinila ni mommy Dess sa kanyang kwarto si Aleah at saka ikinandado nito ang pinto.
"Aleah heto ang pera" ani mommy Dess kay Aleah sabay lahad nito ng tseke sa palad ni Aleah.
"Sa-salamat mommy Dess" muling saad ni Aleah na nangingilid ang luha.
"Nagsisisi kaba sa iyong ginawa?" Tanong ni mommy Dess.
"Hi-hindi Po mommy Dess"sagot ni Aleah sabay iling ng ulo nito at noon din ay muling pumasok sa kanyang diwa ang gwapong mukha ng lalaking nakaniig niya na hindi man lang niya nalaman ang pangalan.
"Pero sa totoo lang Aleah, natatakot ako na baka magbunga ang nangyaring ito sa inyo ng lalaking iyon! Papaano kana kung sakaling magkatotoo ang aking pinangangambahan?" may pag aalala sa boses ni mommy Dess.
"Hindi naman siguro mommy Dess" pagpapakalma ni Aleah kay mommy Dess.
"Posibleng mangyari iyon dahil may nangyari sa inyo at alam kong hindi lang minsan dahil buong gabi kayong magkasama" muling turan ni Mommy Dess.
Napayuko ng ulo si Aleah sa sinabing iyon ni mommy Dess dahil totoong hindi lang minsan ang kanilang pagtatalik kundi kung ilang ulit nilang narating ang kaganapan.
"Hindi po ako nagsisisi mommy Dess at kung sakaling mabuntis ako ay paninindigan ko ito at hinding hindi ko ito ikakahiya sa mga tao dahil ito'y isang napaka espesyal na biyaya mula sa MAYKAPAL" mahinahong saad ni Aleah saka huminga ng malalim.
"Aleah kahit na ano pa man ang nagawa mo sa buhay mo ay taas noo parin ang pagtingin ko saiyo, at sa totoo lang ay very proud ako saiyo dahil napaka responsable mong kapatid. Kaya mong isakripisyo ang iyong sarili para sa kapakanan ng iyong mga kapatid kaya hindi ka dapat na ikahiya dahil sa ginagawa mo ay pinapakita mo lang na kahit na wala kang sapat na pinag aralan at kahit na ganitong uri ang iyong trabaho ay nagagawa mo paring itaguyod ang iyong mga kapatid at napakatatag mo dahil kaya mong gampanan ang ganitong kabigat na obligasyon kahit wala kang pinanghuhugutan ng lakas" ani mommy Dess kay Aleah.
"Salamat mommy Dess, wala po akong magagawa kundi akuin ang lahat ng ito at gagawin ko lahat para sa mga kapatid ko dahil mahal ko sila" pilit ang ngiting wika ni Aleah ngunit sa loob loob niya ay hinding hindi siya susuko sa laban.
Matapos makuha ni Aleah ang kabayaran ng kanyang dangal ay nagpaalam narin siya kay mommy Dess at tinawagan nalang niya si Michelle upang ipagbigay alam na siya ay babalik na sa Isabela.
Nang saktong makarating siya sa terminal ng bus papunta sa kanilang probinsiya ay nagsisimula ng lumitaw ang haring araw at ng tingnan ni Aleah ang oras ay alas sais y media na.
"Gising na kaya siya?" naitanong niya sa sarili na ang tinutukoy niya ay ang lalaking nakasama niya sa magdamag.
Naiinip na sa paghihintay ng bus na darating si Aleah dahil kaytagal iyong dumating, nang tanungin niya ang ilang driver sa may terminal ay sabi nilang mga higit kalahating oras pa ang kanyang ipaghihintay sa pagdating nito kaya walang nagawa si Aleah kundi hintayin ito.
BINABASA MO ANG
Star Dancer (rated spg)......by..emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay kailangan ng patnubay ng magulang...not suitable for young audiences and be open minded... Thanks and enjoy reading......