Chapter 18

11.6K 304 6
                                    

Star Dancer
By...emzalbino
Rated Spg

Masamang masama ang loob ni Erica ng lumabas ng opisina ni Miguel.Hindi niya matanggap na may iba nang kinahuhumalingan ang lalaking nakatakdang pakasal sa kanya.

"No! Hindi ako papayag Miguel na basta mo nalang akong ibabasura! Aalamin ko kung sino ang babaeng iyon at magbabayad siya sa mga kamay ko,dahil wala pang sinuman ang nakakatalo kay Erica Del Prado,nobody else!" halos mangiyak ngiyak sa galit na turan ni Erica sa sarili saka nagmamadaling sumakay ng kanyang kotse pauwi.


Ilang sandali rin niyang binaybay ang kalsada bago niya narating ang kanilang mansiyon, ang bahay kung saan nakatira ang kanyang mga magulang at nadatnan niya sa may balkonahe ang kanyang mommy at daddy na masayang nag uusap ngunit natigagal ang mag asawa ng pagbungad palang ng kanilang unica hija ay bigla na itong humagulgol.


"Erica Anak, what happen to you!" gulat na sabi ni Donya Dalia.


"Anak bakit ka umiiyak? Anong nangyari saiyo?" alalang tanong naman ni don Rogelio.


"Mommy, daddy si Miguel! He wants to cancel now our wedding!" humahagulgol na wika nito sa kanyang mga magulang na ikinaalarma naman ng mag asawa.


"What! Are you kidding anak?" hindi makapaniwalang bulalas ni don Rogelio.


"No, im not daddy" iiling iling na sagot ni Erica....."Actually, i just went to his office just now to ask for our wedding when i was shocked when i heard that they are arguing with his mama. The i am hurt si bad ng sabihin at aminin niya sa mama niya na ang dahilan ng pagkawala niya for how many days ay dahil sa ibang babae and the woman is pregnant already and he says that he will marry that woman kaya gusto niyang ipakansela na ang kasal namin para mapakasalan niya ito" sumbong ni Erica sa mga magulang nito na siyang ikinagulat nila.


"After we pronounced all over the world that you're getting married soon ay ito ang gagawin ng lalaking iyon! Bibigyan niya ako ng napakalaking kahihiyan at ilalagay niya ako sa hindi kanais nais na sitwasyon! No, hindi ako papayag na isang katulad ni Miguel ang sisira sa reputasyon ko  publiko! Walang pwedeng magpabagsak sa akin o ng aking pangalan dahil hindi pa niya kilala si Don Rogelio Del Prado, matutuloy ang kasal niyo sa ayaw at gusto niya dahil kung hindi ay pupulutin sila sa kangkungan at pag nagmatigas ang lalaking iyon ay may kalalagyan siya!" nagbabantang turan ni don Rogelio na halos dumagundong sa buong mansiyon ang boses nito sa sobrang galit niya. 


"Daddy,mommy nakakahiya sa mga kaibigan ko at mga nakakakilala sa akin if they will know that I won't get married anymore hu hu hu!" naghihistirikal sa iyak na turan ni Erica.


"Don't worry anak dahil bahala na ang daddy mong solusyunan ang problemang ito and we make sure na matutuloy parin ang kasal niyo ni Miguel at hinding hindi ka o tayo malalagay sa nakakahiyang sitwasyon dahil your daddy knows what he will do" pagpapakalma ni donya Dalia sa kanyang unica hija ngunit kahit man siya ay nakaramdam ng galit kay Miguel sa nalamang iyon.

.......

Samantala ay hindi na mapalagay si Miguel sa kanyang opisina matapos niyang makipagtalo kay Erica at sa kanyang mama na si donya Benita. Sobrang narindi siya sa kangangawa ng kanyang ina kaya napilitan na siyang sabihin ang totong dahilan ng bigla niyang pagkawala ngunit hindi niya pinagsisisihan na naisiwalat niya ang totoo dahil pasasaan at aaminin din niya sa kanila ang katotohanan kung bakit bigla siyang nagpasyang ikansela ang nalalapit nilang kasal ni Erica.


"Hinding hindi niyo ako madadala sa mga pagbabanta ninyo ngunit hindi rin ako papayag na masaktan niyo si Aleah at ang magiging anak namin dahil kahit na itakwil mo pa ako mama ay mararapatin ko pa kesa ang malayo sa piling ng aking mag ina" buntong hiningang turan ni Miguel sa sarili saka nagmamadali nitong niligpit ang mga papeles sa kanyang harapan dahil bigla siyang nakaramdam ng pag aalinlangan para sa kanyang mag ina......"I'll make sure that they are safe!" muling sabi ni Miguel sa sarili saka nilagay ang mga gamit sa kanyang bag at lumabas ng kanyang opisina at sakto namang nakasalubong niya si Leanne.


Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon