Star Dancer
By...emzalbino
Rated Spg
Chapter 19..."Anong ibig mong sabihin kuya?" nagtatakang tanong ni Don Lorenzo.
"Nasabi na sa akin ni Miguel ang balak niyang pagkansela sa kasal nila ni Erica ng dalhin niya rito ang babaeng si Aleah dahil bigla itong nawalan ng malay tao at iyon pala'y nagdadalangtao ito. Sinabi niya sa akin na aayusin niya ang lahat ng anumang gulo para mapakasalan niya ang babaeng kanyang minamahal. Lorenzo, sana naman lang ay maging matagumpay si Miguel sa kanyang mga plano sa buhay at hangad ko ang tagumpay para sa kanyang kaligayahan sa piling ni Aleah na kanyang mahal" makahulugang saad ni don Lauro sa kapatid nito.
"Naiintindihan kita kuya at ako man ay tutol sa kagustuhan ni Benita. Hindi ko rin matanggap na maging malungkot si Miguel dahil lang sa isang pagpapasyang magpapabago ng kanyang buhay na magdadala sa kanya sa kalungkutan" sagot ni don Lorenzo.
"We need to cooperate how to stop Benita, kailangang kausapin mo ng masinsinan ang asawa mo Lorenzo para kay Miguel dahil kung hindi siya titigil ay ako ang kikilos at kahit na ano pa ang kahihinatnan ng lahat!" pormal na saad ni Don Lauro.
"Don't worry kuya at kakausapin ko siya ng personal para sa ikatatahimik ng lahat" sang ayon na sagot ni Don Lorenzo kay Don Lauro.
"Salamat at para sabihin ko saiyo na nasa aking pangangalaga ang mag ina ni Miguel, I'll do my best to protect them dahil alam kong hindi matatangggap ng kampo ng mga Del Prado ang ginawang pag urong ni Miguel sa kasal ng anak nila kaya I would expect that they will make a revenge to pay him back for what he caused to them or they will take him back to marry their daughter" pahayag ni Don Lauro.
"I think so kuya" sagot ni Don Lorenzo.
"Don't tell to anyone lalo na kay Benita na nasa akin ang mag ina ni Miguel dahil tiyak na gagawa ng paraan ang asawa mo upang matuloy niya ang kanyang mga plano" nakikiusap na turan ni Don Lauro sa kanyang kapatid.
"Promise kuya, I won't do that at gagawin ko ang lahat para kay Miguel dahil simula ng maging isa siyang Miguel ay minahal ko na siya at ipinangako ko sa aking sarili na magiging isang ulirang ama ako sa kanya at pakamamahalin ko hanggang sa huling hininga ko" madamdaming saad ni Don Lorenzo ngunit ang sagot naman ni Don Lauro ay isang napakalalim na buntong hininga saka nagpaalam na ito at pinatay na ang kanyang cellphone.
"Salamat sa lahat kuya, napakabuti mo. Isa kang huwarang kapatid na kayang magsakpripisyo para sa iyong mga mahal sa buhay" bulong ni Don Lorenzo sa kawalan na hindi nito napigilan ang mapaluha ng muli niyang maalala ang nakaraan.
......
Samantala....
Dahil nababagot si Aleah sa loob ng bahay ay minabuti niyang maglakad lakad sa paligid ng bakuran para naman makapag ehersisyo siya. Naupo siya sa may bench sa harap mismo ng swimming pool habang pinagmamasdan niya ang nakakaigayang linaw ng tubig ng bigla nalang bumukas ang gate at maya maya pa ay papasok na sa garahe ang kotse ni Miguel.
Agad na napatayo si Aleah na nagtataka dahil kay aga palang ay umuwi na ito at ng tingnan niya ang oras ay alas tres palang ng hapon. Agad niyang nilapitan si Miguel na noon ay ka bababa palang niya sa kotse at may dala dala itong bag at iba pang mga gamit na nasa plastic bags na alm niyang mga groceries.
"Mahal kay aga mo yata ngayon? Ano ba iyang mga dala dala mo at may bag ka pang napakalaki?" tanong ni Aleah habang papalapit kay Miguel at ng makalapit na ay saka yumakap sa binata at humalik sa labi nito.
"My things that i took from my parents house"......ani Miguel saka niyakap ng mahigpit si Aleah......."Mahal ko, alam na nila mama at papa at maging si Erica ang tungkol sa atin at sinabi ko na sa kanila na hinding hindi na ako pakakasal kay Erica dahil mayroon na akong babaeng minamahal." saad ni Miguel kay Aleah.
"Ta-talaga mahal ko?" hindi makapaniwalang tanong ni Aleah na tumango naman si Miguel at hinagkan nito ang dalaga......" Eh ano ang sabi nila? Si Erica,hindi ba siya nagalit? Okay lang ba sa kanya ang lahat, na hindi na matutuloy ang kasal ninyo?"sunod sunod na tanong ni Aleah na ang dibdib nito ay kumakabog sa kaba.
"Honestly mahal ko, they are both annoyed ng malaman ang katotohanan, they wanted me to continue the wedding. Ngunit sinabi ko sa kanila na buntis kana kaya kailangang ikaw ang pakasalan ko dahil ikaw ang mahal ko at magiging ina ng aking anak. Pero gaya ng aking pakiramdam ay nagkatotoo ito, they want both to continue the wedding pero tumanggi ako at nagbanta sila mama at Erica para makapaghigante sa ginawa kong pag urong sa kasal. But don't worry mahal ko dahil hinding hindi kita pababayaan at hinding hindi kita iiwan kayo ng ating baby at kahit na ikamatay ko pa ay hindi ako papayag na magtagumpay sila sa pagpapahiwalay sa atin dahil mahal na mahal kita at hindi ko kakayanin na mawala ka sa akin, kayo ng ating anak dahil kayo nalang ang pinakamahalagang bagay na meron ako sa mundo" madamdaming pahayag ni Miguel.
"Miguel mahal na mahal kita pero natatakot ako na baka kung anong mangyari sa iyo o kaya ay sa akin o kaya ay sa baby natin. Natatakot akong mawala ka sa buhay ko dahil ikaw nalang ng nagbibigay sigla at buhay sa akin, kayo ng magiging anak natin at malulungkot ako kung sakaling magkakalayo tayong dalawa, baka hindi ko kayanin Miguel ang lahat ng iyon kung sakaling mawala ka" paulit ulit na wika ni Aleah na kay higpit ang yakap nito kay Aleah.
"No mahal ko, wag kang matakot. Hinding hindi nila tayo mapaghihiwalay, promise hinding hindi sila magtatagumpay" ani Miguel.
"I love you Miguel,pinakamamahal kita" maluha luhang wika ni Aleah.
"I love you more Aleah, ikaw ang buhay ko" sagot ni Miguel at saka naghinang ang kanilang mga labi.
Matapos ang madamdaming pahayag ng dalawa sa isa't isa ay tumuloy sila sa loob ng bahay at tinulungan ni Aleah si Miguel sa pag aasikaso ng mga gamit nito at pagkatapos ay saka nagyayaan ang dalawa na manuod ng tv.
Habang nanunuod sila ay nakasandal naman si Aleah sa dibdib ni Miguel habang yakap siya nito at hinahaplos haplos ni Miguel ang namumukol ng tiyan ni Aleah.
"Mahal ko, medyo halata na ang tiyan ko" nakangiting turan ni Aleah sabay tingala kay Miguel.
"Oo nga mahal ko, ilang buwan nalang ay lalabas na siya at im so excited na nakita ang ating anak" masayang sagot ni Miguel habang walang tigil ang paghagod nito sa tiyan ni Aleah.
"Ako din mahal ko, hindi na ako makapaghintay na lumabas ang ating anak at gaya mo ay nasasabik narin akong tawaging mommy. At nangangako ako saiyo mahal ko na kahit hindi ako isang edukadong ina ay gagampanan kong mabuti ang aking papel para sa anak natin at saiyo " mangiyak ngiyak na sabi ni Aleah.
"Aleah mahal ko, hinding hindi ko kailanman sinasalamin ang aking nararamdaman para sa iyo at hindi ko rin kinikwestiyon ang iyong nakaraan. Dahil ang importante sa akin ay ang pagmamahal mong wagas , at kahit na hindi ka pa nakapag aral ay hindi iyon magiging balakid sa ating pagmamahalan dahil ang pag ibig ay wala education limit. Ang batayan ng isang pagmamahal o pag ibig ay ang katapatan sa isa't isa, kung gaano ninyo kamahal ang iyong sinisinta." paliwanag ni Miguel kay Aleah na siyang ikinaiyak nito.
"Isa akong mangmang na babae ngunit kay swerte ko dahil nakamit ko ang pagmamahal mo Miguel, kaya mas lalo pa akong napapamahal saiyo dahil sa nakikita kong pagiging tapat mo sa akin. Kaya bawat minuto at segundong nagdaraan sa buhay ko,nating dalawa ay napaka importante sa akin dahil walang kasing saya ang mkapiling ka sa tuwina" walang alinlangang sani ni Aleah.
"Me too mahal ko" sagot naman ni Miguel saka nito inangkin ang labi ni Aleah at tumagal ng ilang sandali ang kanilang halikan na punong puno ng pagmamahal ngunit bigla nalang silang nagulantang sa biglaang pagbukas ng main door at ng mapatingin si Aleah sa harap ng pinto ay napalaki ang mga mata nito at ikinurap kurap ng ilang beses.
"Si-sino siya Miguel? Ba-bakit kamukha mo siya? Kilala mo ba ang taong iyan?" sunid sunod na tanong ni Aleah na ang mukha nito ay parang nahihiwagaan sa kanyang nakikita ngunit si Miguel ay napangiti nalang ito sabay tayo upang salubungin ang taong dumating.
Sino ang taong bigla nalang bumukas ng pinto ng bahay na kinaroroonan ni Miguel at Aleah?
At ano ang nakatagong sekreto sa buhay ni Don Lorenzo?
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Star Dancer (rated spg)......by..emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay kailangan ng patnubay ng magulang...not suitable for young audiences and be open minded... Thanks and enjoy reading......