Chapter 7

14.4K 299 1
                                    

Star Dancer
By...emzalbino
...rated spg...

Matuling lumipas ang araw, dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng kausapin si mommy Dess nina Loyd at Arthur tungkol sa iniuungot ng mga ito na babae daw na birhen na ireregalo ng mga ito sa kaibigan nilang ikakasal.


"Hay, saan kaya ako maghahanap ng babaeng ganoon?" tanong ni mommy Dess sa sarili habang nakapangalumbaba sa kanyang mesa sa may opisina nito sa Universal Club ngunit maya't maya lang ay may kumatok sa may pinto at ng sabihin niyang pwedeng pumasok iyon ay agad ding bumukas ang pinto at iniluwa nito si Aleah.


"Oh bakit Aleah, may problema ba?" tanong ni mo my Dess kay Aleah na napatingin sa hawak hawak ng dalaga na supot.


"Eh kasi po mommy Dess itong bago kong damit eh medyo masikip sa akin at hindi ako gaanong makagalaw dito dahil para akong nasasakal" sagot ni Aleah saka nito inilabas ang damit na gagamitin sana niya sa pagsasayaw.


"Ah ganoon ba! Well, gamitin mo muna iyong dati mong ginagamit at papapalitan ko ito bukas sa binilhan ko para may magamit ka sa susunod" ani mommy Dess saka kinuha nito ang plastik bag kay Aleah.


"Okay po" tanging sagot ni Aleah ng biglang may kumatok ulit sa may pinto kaya naman nagkatinginan ang dalawa na sabay pang napatingin sa may pinto.


Agad na inalam ni mommy Dess kung sino na naman ang kumatok na iyon at ng buksan nito ang pinto ay ang isa sa mga waiter. Nang tanungin ni mommy Dess kung ano ang sadya ng waiter sa kanya ay sabi nito na hinahanap daw siya ng dalawang lalaking kustomer nito kaya nang marinig ni Mommy Dess ang sinabing iyon ng waiter ay agad itong lumabas at iniwan nalang si Aleah sa loob ng kanyang opisina.


Kibit balikat nakang si Aleah ng iwan siya ni mommy Dess na nakasunod naman ang waiter na tumawag sa kanya. Tiningnan ni Aleah ang oras at mag aalas diyes na ng gabi at alas diyes y media ay siya na ang sasayaw sa may entablado.


"Makalabas na nga at ng makapag ayos na ng sarili" bulong ni Aleah saka lumabas ng opisina ni mommy Dess at isinara nito iyon.


Habang naglalakad siya sa may makipot na daan patungo sa may dressing room ay may naulinigan siyang mga bulong sa isang sulok. Palihim niyang sinilip ito na hindi namamalayan ng mga nag uusap at nakita niya si mommy Dess na kausap ang dalawang lalaki.


"Sila din iyong mga kausap ni mommy Dess noong nakaraang linggo ah habang sumasayaw ako sa entablado!" nagtatakang wika ni Aleah sa sarili na mas lumapit pa ito sa kanyang pinagkukublihan para marinig niyang mabuti ang usapan ng mga ito.


"Ano mommy Dess mayroon na po ba kayong nahanap?" tanong ni Arthur kay Mommy Dess na noon ay kakamot kamot ng ulo.


"Naku Arthur eh wala pa nga akong nahahanap eh! At nahihirapan ako sa paghahanap kung saan ako maghahanap ng babaeng birhen at wala naman akong alam o kaya ay kakilala" sagot ni mommy Dess na ikinagulat ni Aleah ng marinig ang usapan nila.


"Babaeng birhen!" mahinang bulalas ni Aleah at bigla niyang nayakap ang sarili na para bang bigla siyang kinabahan......"Bakit naghahanap si mommy Dess ng babaeng birhen?" maya maya ay naitanong ni Aleah sa sarili.


"Eh mommy Dess, sa katapusan na po kasi ang birth day ng kaibigan namin kaya dalawang linggo nalang ang nalalabing araw na paghahanap ninyo. Eh sa mga kaibigan po ba ninyo ay wala silang alam na babaeng birhen na gustong maging regalo para sa kaibigan namin? Kaya nga po ginawa na naming kalahating milyon ang presyo dahil alam naming imposible ito but i know na mayroon din kakagat sa laki ng bayad" saad ni Loyd.


Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon