Star Dancer
By...emzalbinoPagdating ni Aleah sa bahay na tinutuluyan niya ay saktong kararating lang din ng sasakyang magdadala sa mga babaeng nagsasayaw sa club kasama na roon si Michelle ang kanyang kaibigan na siyang tanging nagiging sandalan niya.
"Magandang hapon po mommy Dess" bati ni Aleah sa babaeng nadatnan niya ng pumasok siya sa bahay.
"Magandang hapon naman Aleah, kumusta ang lakad mo? Nakahanap ka na ba ng papasukan mo?" tanong ni mommy Dess habang inaayos nito ang buhok ng ibang alaga niyang dancers ngunit sunodsunod na iling lang ang isinagot ni Aleah.
"Bakit?" kunot noong tanong muli ni mommy Dess dahil medyo nakaramdam siya ng awa sa dalaga dahil kitang kita sa mukha nito ang pagod at ang pagkadismaya.
"Da-dahil ayaw po nila akong tanggapin, ayaw nila sa akin dahil wala akong sapat na edukasyon, na isa akong mangmang at walang alam sa mga bagay bagay kaya ayaw nila akong tanggapin sa trabaho. Pero kahit na wala naman akong sapat na pinag aralan dahil hanggang elementarya lang ako ay masipag naman ako, may dedikasyon ako sa trabaho. Pero ewan ko po dahil parang kaylupit sa akin ng pagkakataon, ni hindi man lang ako kayang bigyan ng kahit isang sandali na mapatunayan ko na kaya kung gawin ang kahit na magkuskos lang ng kubeta, na mapatunayan ko sa kanila na pwede nila akong pagkatiwalaan. Hindi na nga nila ako tinanggap ay kinutya pa nila ang aking pagkatao dahil lang sa wala akong pinag arala, na hindi man lang nakatunton o nakatapos ng secondarya. Bakit ganoon sila mommy Dess? Bakit kay lupit nila? Bakit kay damot nila sa pagkakataon? Bakit po?" lumuluhang sunod sunod na tanong ni Aleah na humihikbi pa ito kaya sa awa ni mommy Dess ay niyakap niya ang dalaga.
"Aleah iha, wag kang mawalan ng pag asa. Alam kong matapang ka at kaya mong harapin ang pagsubok sa iyong buhay" naluluha naring wika ni mommy Dess.
"Papaano po ako magkakaroon ng pag asa kung walang sinuman ang makakapagbigay sa akin ng pagkakataon para makaahon sa lugmok naming pamumuhay? Papaano ko mapag aaral at mabigyan ng sapat na edukasyon ang aking mga kapatid para hindi sila matulad sa akin kung walang magtitiwala? Papaano?" sagot ni Aleah na sisingho singhot pa dahil sa pag iyak nito.
"Aleah nandirito ako, tutulungan kita" wika naman ni Michelle saka niyakap ang kaibigan.
"Michelle salamat ngunit may sarili karing buhay, may sarili kang mundo at hindi habang buhay ay pwede mo akong tulungan. Darating ang panahon ay magkakaroon karin ng pamilya at nandiyan din si aling Myrna na nangangailangan ng iyong suporta" ani Aleah sa kaibigan na tumango naman ito dahil totoo naman ang sinabi ng kanyang kaibigan.
Ilang sabdaling nanahimik si Aleah, iniisip nito kung saan siya kukuha ng pambili ng ng mga gagamitin ng mga kapatid nito sa darating na pasukan, hindi niya alam kung saan kukuha ng maipapadala na pambili ng kakailanganin ng mga kapatid niya sa araw araw na pagkain o gastusin sa bahay. Huminga siya ng malalim, pinahid niya ang kanyang mga luha saka tiim bagang na tumingin siya sa labas ng bintana....."Patawad inay, itay pero kailngan kong gawin ito, kailangan kong magsakripisyo para sa mga kapatid ko, mahalaga sa akin ang aking dignidad pero hindi ko kayang panoorin ang aking mga kapatid na nangangalam ang kanilang tiyan dahil sa gutom, ang naiinggit sila sa kapwa nila estudiyante na pumapasok sa eskwelahan samantalang sila ay nakatambay sa bahay. Hindi ko po kaya iyon kaya patawad po at sana ay maintindihan ninyo ako" piping wika ni Aleah sa sarili saka tumayo ito ng magsi labasan na ang mga dancers na kasama niya sa bahay at isa na roon si Michelle.
"Sandali po mo my Dess, sasama po ako. Gusto ko pong pumasok sa Universal Club bilang waitress o dancer kung inyong mamarapatin mommy Dess, sana po ay pumayag kayo para man lang sa mga kapatid ko. Ayaw ko po sanang gawin ito ngunit kailangan eh, kailangan kong gawin ito para sa kanila dahil mahal ko ang mga kapatid ko dahil sila nalang ang tanging nagbibigay lakas ng loob sa akin para lumaban, para humarap sa hamon ng buhay kaya sana po ay pumayag kayo at tanggapin ninyo ako. Kakayanin ko po ang lahat, gagawin ko po ng mabuti ang aking trabaho at hinding hindo ko kayo bibigyan ng anumang problema basta bigyan niyo lang ako ng pagkakataon, bigyan niyo ako isang pagkakataon na ibangon ang aking pamilya ang bigyan ng pagkakataon ang aking mga kapatid upang magkaroon ng magandang buhay" sumasamong wika ni Joy kay mommy Dess na kahit na tutol sana ito ay wala naman siyang magagawa dahil awang awa naman siya sa dalagang parang nanlilimos ng isang pagkakataon para bumangon sa hirap ng buhay.
"Ku-kung iyan ang gusto mo ay hinding hindi kita bibiguin Aleah dahil gusto rin kitang tulungan pero mag iingat ka doon, dobleng ingat at doon ay hindi maiwasan ang malalaswang bagay kaya kailangan ay haba ng pasensiya at pakikisama sa mga kostumer para maging maganda ang pakikitungo nila sayo" paalala ni mommy Dess kay Aleah.
"Nakahanda po ako sa anumang magiging kapalaran ko doon ngunit hanggang sa pagsasayaw lang po ako" sagot ni Aleah, samantalang nakatitig lang sa kanya ang kaibigang si Michelle dahil hindi makapaniwala sa kanyang naririnig mula sa kaibigan nito.
"Aleah nagbibiro ka ba o hindi?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Michelle.
"Hindi Michelle at sana ay atin atin nalang ito, wag na wag mo g sasabihin sa mga kapatid ko o kay aling Myrna dahil ayokong malaman ng aking kapatid ito, ayokong bigyan sila ng alalahanin, ayoko Michelle, ayoko" pailing iling pang sabi ni Aleah sa kaibigan na para bang nakikiusap at tanging tango nalang ang isinagot nito kay Aleah at nagkayakapan ang magkaibigan habang pareho silang naglalandas ang mga luha sa kanilang mga mata.
...
Samantala sa mansiyon ng mga Sandejas ay gulong gulo ang isipan ni Miguel dahil siya ngayon ang tanging makakapagligtas sa nalulugi nilang kompanya na ngayon ay nakasanla ang halos kalahati nito sa kumpadre ng kanyang ama at ina at ang tanging solusyon lang ay ang pakasalan nito ang nag iisang anak ng kumpare ng kanyang papa na si Erica del Prado.
Wala siyang nobya para tumutol sa planong iyon ng kanyang mga magulang ngunit tutol ang kanyang damdamin dahil hindi naman niya iniibig ang dalaga at kahit na sabihing maganda pa ito ay hindi naman niya pwedeng turuan ang kanyang puso at piliting mahalin ang babaeng hindi nito itinitibok.
"Mama..papa, wala na po bang ibang paraan para masolusyonan ang problema nating ito na hindi ako ang gagawin niyong sandalan?" naku konsuming tanong ni Miguel sa kanyang mama at papa sa harap mismo ng hapagkainan.
"Miguel iho, this is the only way to save our company. To marry a girl like Erica is such a good blessing for you dahil sa maganda na ay nag iisang anak pa siya kaya lahat ng ari arian ng kanyang mga magulang ay mapupunta sa kanya at sayo narin pag kasal na kayo" sagot ni donya Benita.
"But mama we don't love each other" depensa ni Miguel sa sarili.
"Letseng love,love na iyan! Bakit importante pa ba iyon? Maisasalba ba ng love na iyan ang kompanya natin?" nanggagalaiting wika ni donya Benita kay Miguel...." Anyway wala namang problema diba dahil wala ka namang nobya and besides nasabi noon sa akin ni Dalia na may gusto yata sayo si Erica kaya walang magiging problema at hindi naman mahirap mahalin si Erica dahil she's the type of a woman that any man wants to be with her, at siya ang gusto ko para sayo dahil siya ang babaeng nababagay saiyo" sabi nitong muli saka tinapunan nito isang nagbabantang tingin ang asawang si don Lorenzo na noon ay tahimik lang na nakikinig dahil alam niyang hindi rin ito papayag na ipakasal ang anak bilang pantubos sa kanilang kompanya.
"I will think about it first mama" tanging sagot ni Miguel saka tumayo ito sa harap ng mesa at ng tumingin sa ama ay kitang kita nito ang pagkadismaya at lungkot sa mga mata nito kasabay ng pag iling ng ulo ng don para sabihing hindi ito sang ayon sa kagustuhan ng kanyang esposa.
"I will set a dinner date for you and Erica tonight kaya be ready iho at magpa gwapo ka ng husto" habol na wika ni Donya Benita kay Miguel ng palabas na ito sa kusina at tanging iling lang ang naging sagot ni Miguel sa kanyang ina dahil wala naman siyang magagawa para tanggihan ito para sa ganoong bagay.
Matutuloy kaya ang balak na arrange married ni donya Benita para sa anak nitong si Miguel sa anak ng kanyang kumpadre na si Erica para maisalba ang kanilang kompanya?
Ano ang magiging kahihinatnan ng buhay ni Aleah sa Universal Club?
....itutuloy.
BINABASA MO ANG
Star Dancer (rated spg)......by..emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay kailangan ng patnubay ng magulang...not suitable for young audiences and be open minded... Thanks and enjoy reading......