Star Dancer
By...emzalbino
....rated spgHindi na mapalagay si Miguel sa kanyang nararamdaman sa tuwina dahil laging laman ng kanyang isipan ang babaeng minsan niya nakaniig sa magdamag.
"Excuse me sir, may kliyente po kayong naghihintay sa inyo" anang secretarya ni Miguel ngunit parang hindi narinig ng binata dahil nakatulala ito sa may harap ng computer.
"Sir excuse me! Iyong kliyente po ninyo naghihintay na!" muling sabi ng secretarya ni Miguel na medyo kinatok pa ang pinto kaya doon natauhan ang binata.
"Huh! Ah okay im coming now" gulat na sagot ni Miguel at saka sumunod na lumabas sa kanyang opisina........"So weird huh! I need to find you Aleah" aniya habang naglalakad sa pasilyo.
.....
Lumipas pang muli ang isang linggo at mas lalong nababagabag si Miguel sa kanyang pagnanais na makita si Aleah. Isang hapon pagkagaling niya ng trabaho ay sinadya nito ang kanyang kaibigan na si Arthur sa pad nito at nagkataong naroroon naman si Loyd kaya nagkayayaan na uminom ang tatlo.
Nang makainom na ng tatlong shots na whisky ay parang lumakas na ang loob ni Miguel na sabihin ang pakay nito sa kanyang kaibigan.
"Mga bro's, i want to ask you something?" Walang paligoy ligoy na sabi ni Miguel saka muli itong itinungga ang laman ng kanyang baso.
"What is it?" sabay pang sagot ng dalawa.
"Where did you found her?" muling tanong ni Miguel na palipat lipat ang tingin sa dalawa niyang kaibigan na napakunot ang noo ng mga ito dahil sa hindi nila nakuha ang ibig niyang sabihin.
"Who?" takang tanong ni Arthur.
"The woman that you gave for me?" sagot ni Miguel.
"Ah!" muling sabay na bulalas ni Loyd at Arthur.
"Why bro, hindi mo ba nagustuhan? Or pangit ba siya?" parang nanunudyong tanong ni Arthur.
"It's not that! But it's because of this!" alibay ni Miguel sabay dukot nito ang sulat ni Aleah na inuwan niya bago ito umalis, ngunit ang talagang rason kung bakit gusto niyang alamin kung saan galing ang dalaga ay dahil iyon ang udyok ng kanyang damdamin.
"Huh!" sabay na bulalas ni Loyd at Arthur matapos nilang mabasa ang munting mensahe ng dalaga. Parang natameme sila na nagkatinginan pa ang dalawa.
"I felt guilt after i read this letter na iniwan lang niya matapos ang nangyaring iyon sa amin. Ipinagbili niya ang kanyang dangal for the sake of her sister" buntong hiningang turan ni Miguel.
"B-bro, hindi namin alam kung saan nakuha ni mommy Dess ang babaeng iyan, i mean si Aleah" ani Arthur ng makita nito sa ibaba ng sulat ang pangalan ng dalaga.
"Is she's beautiful?" tanong naman ni Loyd.
"Yes she is but i'm just concerned about her situation na papaano kung iyong namagitan sa amin ay magbunga at mabuntis siya" may pag aalalang turan ni Miguel dahil sumagi narin sa isip niya iyon, na baka nga mabuntis si Aleah at hindi niya alam kung nasaan ito kaya hindi na niya makikita pa ang magiging anak niya sa dalaga kung sakali ngang magdalang tao siya.
"You have to ask mommy Dess bro para alam mo kung saan hahanapin si Aleah!" Arthur's suggestion to Miguel.
"But I don't know where to find that mommy Dess" sagot ni Miguel.
"Hanapin mo sa Universal Club at makikita mo siya doon dahil siya ang may ari ng bar na iyon at siya rin ang nakakaalam kung saan mo makikita ang babaeng hinahanap mo" ani ni Loyd.
BINABASA MO ANG
Star Dancer (rated spg)......by..emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay kailangan ng patnubay ng magulang...not suitable for young audiences and be open minded... Thanks and enjoy reading......