Star Dancer
By...emzalbinoMasayang nasa biyahe sina Miguel at Aleah pabalik ng bahay na kanilang tinutuluyan. Halos hindi mailarawan ang kasiyahan sa mukha at mga ngiti ni Miguel ng mga sandaling iyon ng malamang lalaki ang ipinagbubuntis ni Aleah.
"Mahal ko, ang saya saya ko at dininig ni Lord ang panalangin ko na sana ay boy ang first baby natin but im still happy kung babae man ito. Nasasabik na tuloy ako sa kanyang paglabas!" kaylapad ng ngiting turan ni Miguel sabay haplos sa tiyan ni Aleah....."Baby, alam mo miss na miss kana namin at hinihintay kana namin sa iyong paglabas. Daddy and mommy loves you so much at hindi ka namin pababayaan" masuyong hinaplos haplos ni Miguel ang tiyan ni Aleah na nakaplaster ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi, ngiti ng isang ama na nasasabik makita at masilayan ang isang anak na labis niyang inasam asam.
"Walang kasing saya ang aking nararamdaman mahal ko dahil sa nakikita kong masaya at ramdam ko ang pagmamahal mong tunay sa akin at sa baby natin. Wala man akong sapat na kaalaman sa mga ibang mga bagay dito sa mundo ngunit gagawin ko ang lahat para maging karapat dapat na maging isang ulirang ina ng ating mga magiging anak at maging karapat dapat sa pagmamahal mo dahil mahal na mahal kita at ikaw ang ating baby ang siyang lahat sa akin" nakangiting turan ni Aleah saka ipinatong nito ang kamay niya sa kamay ni Miguel na nasa kanyang tiyan.
"Alam ko iyon mahal ko kaya ipinaglalaban kita sa lahat ng nais sumira ng ating relasyon dahil alam kong ikaw ang babaeng nakalaan para sa akin at hindi ako papayag na mapaghiwalay nila tayo kahit na ikamatay ko pa".ani Miguel.
"Papaano kung talagang gusto nila tayong paghiwalayin? Papaano kung gagawin nila ang lahat upang maikasal ka lang kay Erica?" biglang tanong ni Aleah.
"Kahit tutukan pa nila ako ng baril para papermahin ay hindi sila magtatagumpay dahil tanging saiyo lang ako magpapakasal, saiyo lang Aleah kaya wag na wag kang mag iisip ng kung ano pa mang bagay na makakasama sa pagbubuntis mo at ang isipin mo ay ang ating baby,ako at ikaw ay isang pamilya na ating bubuuin at sa tamang panahon ay magpapakasal tayo at magsasama tayo habang buhay" pahayag ni Miguel.
"May tiwala ako sa iyo mahal ko ngunit kung minsan ay hindi ko maiwasan ang hindi mag isip ng mga ganito dahil natatakot ako na baka mawala ka sa akin. Natatakot akong mag isa, natatakot akong makuha ka ng tuluyan ni Erica at hundi ko na mararamdaman ang mga yakap mo dahil nasa ibang piling kana" naluluhang saad ni Aleah.
Hinagkan ni Miguel ang labi ni Aleah saka nito pinahid ang luha nitong naglandas sa kanyang pisngi......"Don't think like that mahal ko dahil iyong iyo ako at akin ka lamang. I'll stay with you and our baby, kahit na si Erica o si mama ay hindi nila tayo mapaghihiwalay kaya akisin mo na iyan sa isip mo at ang mga sinabi ko ang siyang itanim mo sa isip mo na mahal kita at hinding hindi kita iiwan, hindi ko kayo iiwan ng baby natin" nakangiting sagot ni Miguel saka muling siniil ng halik ang labi ni Aleah at napatango nalang ito sa sinabing iyon ng kanyang mahal.
......
Habang nasa daan ang dalawang magsing irog ay hindi nila alam na may isang nilalang na nakasunod sa kanilang pag uwi. Halos lumiyab na ang galit ni donya Benita habang nakasunod sa kotse ni Miguel at nagtaka ito ng papasok sa New Manila subdibisyon.
"Walang hiya ka talaga Lauro! Ikaw ang tumutulong kay Miguel para suwayin niya ang aking mga plano! Makikita mo at hinding hindi ka magtatagumpay sa pagsasabutahe mo sa akin!" gigil na sabi ni Donya Benita.
Nang maipasok na ni Miguel ang kanyang kotse sa may garahe ay isasara na sana niya ang gate ng biglang natigagal ito dahil sa kanyang nakita.
"Ma-Mama!" gimbal na bulalas ni Miguel na halos mamutla na ito at napatingin kay Aleah na noon ay naghihintay sa kanya sa may pinto.
BINABASA MO ANG
Star Dancer (rated spg)......by..emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay kailangan ng patnubay ng magulang...not suitable for young audiences and be open minded... Thanks and enjoy reading......