Star Dancer
By...emzalbinoMaging si senyor Modesto ay gimbal na gimbal din sa nakikita nito sa may tv. Kung ilang beses niyang ikinurap ang mga mata upang sabihing namamalikmata lang siya ngunit tama ang kanyang esposa na kamukhang kamukha nga ng babaeng nakayakap sa lalaki ang kanilang unica hija na matagal na nilang hinanap mula ng ito ay nakipagtanan sa kanilang driver at sa tulong narin ng kanilang tagapag alaga ng nag iisa nilang anak na si nanay Ramona at ang asawa nitong si Tatay Estong ay hindi na nila natunton pa dahil sila ang tumulong upang maitago ang kanilang anak at si Antonio.
At dahil sa galit nila ay itinakwil nila si Janna sa ginawa nitong pagsama kay Antonio. Lahat ay ginawa nila para lang bumalik ang kanilang anak sa piling nila dahil alam nilang hindi ito sanay sa hirap at hindi makapagtatagal sa buhay na wala ang mga nakasanayan niyang luho o kagamitan ngunit nagkamali sila dahil hindi na bumalik pa si Janna.
Naghintay sila ng ilang buwan, taon hanggang sa sila narin ang sumuko at ipinahanap nila ito. Ginamit nila ang kanilang pera upang matunton ang kinaroroonan ng kanilang anak. Ipinahanap nila ang probinsiya nila tatay Estong at nanay Ramona ngunit hindi nila nahanap dahil ng matunton ang probinsiya ng mag asawa ay wala naman daw doon ang mga ito.
Hindi tumigil ang mag asawang senyor Modesto at senyora Josefa para lang makita nila sina Antonio na noon ay natanggap narin nila sa kanilang mga sarili bilang napupusuan ni Janna ngunit nabigo sila hanggang sa lumipas pa ang mahigit na sampong taon saka nila tinanggap na wala na nga ang kanilang anak.
"Ka-kamukha nga niya si Janna!.. Hawig na hawig siya sa ating anak na si Janna" hindi makapaniwalang bulalas ni Senyor Modesto saka nilingon ang asawa na siyang kamukha rin ng kanilang anak na si Janna.
"Modesto, kailangang makausap natin siya! Kailangang mapuntahan natin ang kinaroroonan ng babaeng iyan dahil malakas ang kutob kong anak siya ni Janna!" nangingilid ang luhang turan ni Senyora Josefa.
"Kailangang malaman natin kung saang lugar siya nakatira para alam natin kung saan natin siya matutunton" sagot naman ni Senyor Modesto na na atat ding makaharap ang babaeng nasa tv.
Gaya ng sinabi ng Senyor at Senyora ay mataman nilang pinakinggan ang balita at napaluha ang mga ito ng tuluyan ng mapakinggan ng buo ang iniulat na balita.
"A-Aleah Garcia ang kanyang pangalan. Pa-pareho sila ng apelyido ni Antonio at kamukhang kamukha ni Janna, kaya Modesto siya na ang ating apo! Anak siya ni Janna at Antonio!" hindi mapigil pigil ang luhang naglalandas sa mga mata ng senyora at maging ang esposo nito ay napaluha narin dahil hindi nila inakala na sa tagal tagal ng panahon ay muling magbabalik ang ala ala ng kanilang anak na pinaniwalaan nila sa kanilang mga sarili na patay na ang kanilang si Janna.
"Pupuntahan natin siya bukas sa mansiyon ng mga Sandejas. Anak pala ni Doctor Lauro Sandejas ang lalaking nakayakap sa kanya na Miguel Sandejas ang kanyang pangalan. Isa sa kilalang doctor dito sa Pilipinas si Don Lauro Sandejas at ang may ari ng SANDEJAS GENERAL HOSPITAL. Alam ko ang back ground ng taong iyon, mabuti siyang tao at magaling na doctor" pagsasadula ni Senyor Modesto.
"Wag na nating ipagpabukas pa Modesto, ngayon din ay pupuntahan na natin ang mansiyon ng mga Sandejas para makita ko na si Aleah at malaman ko kung sino talaga siya at kung sino ang kanyang mga magulang dahil malakas ang kutob ko na apo natin siya!" nagmamadaling turan ni Senyora Josefa.
Tiningnan ni Senyor Modesto ang oras at mag aalas otso na ng gabi kaya umiling ng sunid sunud ang senyor....." Ipagpabukas nalang natin Josefa dahil gabi na at kailangan din nilang magpahinga. Mas maganda kung bukas nalang para magkaroon tayo ng mahabang oras sa pakikipag usap sa kanila" ani Senyor Modesta at napatango nalang si Senyora Josefa dahil naisip niyang tama nga ang kanyang asawa, kaya ang ginawa nalang niya ay pumikit at huminga ng malalim at muli niyang inalala ang mga nakaraan na kasama ang kaisa isa nilang anak na pinagdamutan nila ng kaligayahan hanggang sa tuluyang umalis sa kanilang poder.
BINABASA MO ANG
Star Dancer (rated spg)......by..emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay kailangan ng patnubay ng magulang...not suitable for young audiences and be open minded... Thanks and enjoy reading......