Star Dancer
By...emzalbino
Chapter 31...Masakit para sa lahat ng mga naiwan ni Don Lorenzo ang kanyang biglaang pagpanaw. Halos hindi matanggap ng lahat lalo na si Miguel na sa buong akala niya ay tunay niya itong ama ngunit kung kailan mawawala na ang kinagisnan niyang ama ay saka pa nabunyag ang tunay niyang pagkatao.
Nanahimik muna si Miguel sa nalamang iyon dahil nais nitong igalang ang huling sandali ng kanyang papa Lorenzo. Hinayaan muna niyang maging normal ang lahat at nakapukos din ang atensiyon niya kay Aleah na noon ay nakalabas narin ng ospital ngunit sadyang nagpapalakas pa.
Dumating ang araw ng paghahatid sa huling hantungan ni Don Lorenzo. Halos panawan ng ulirat si Mariel ng mga sandaling iyon. Hindi niya matanggap sa sarili na hindi man lang niya nakausap o nakita ang ama bago ito pumanaw.
"Pa-papa!.. Ang daya daya mo!... Sabi mo na ikaw ang maghahatid sa aking graduation ngunit iniwan mo naman ako!... Papa, ma mimiss ko ang pag cha chat natin sa phone, sa webcam at wala ng magpapaalala sa akin ng mga dapat kong gawin sa araw araw!.. Papa, ma mi miss ko ang pag se send mo ng text messages sa araw araw upang batiin lang ako ng GOOD MORNING, GOOD AFTERNOON/EVENING , and GOOD NIGHT. Papa, i love you so much papa!...Papa i love youu!"....sumisigaw sa iyak si Mariel sa harap ng puntod ng kanyang ama at ng hindi maawat ni Donya Benita sa pagwawala ay bigla itong niyakap ni Don Lauro ang pamangkin.
"Shh tama na iha, masakit sa ating lahat ang kanyang biglaang pagpanaw ngunit kailangan nating magpakatatag at tanggapin ang katotohanan na iniwan na niya tayo at hanggang doon nalang ang talagang oras na nakalaan sa kanya. Just be happy nalang na alam na nating nasa piling na siya ni Lord. Wag na wag kang magtatampo sa kanya kung bakit ka niya iniwan dahil hindi lang naman ikaw ang nawalan dahil maging kami rin, tayong lahat dahil naging parte rin siya ang aming buhay but we have to accept the fact na wala na talaga ang kapatid ko na papa mo/ninyo. Time will heal this, and that time ay mapapatunayan mo sa sarili mo na matatag kana at kaya mo ng tumayo sa satili mong paa dahil nalagpasan mo ang pinakamabigat na pagsubok sa iyong buhay. Alam kong mahirap itong tanggapin ngunit kailangan nating ipagpatuloy ang ating buhay dahil wala pa tayo sa takdang oras, hindi pa natin nagagawa ang mga bagay na kailangan nating gawin kaya maiiwan muna tayo at ang iyong papa ay nagawa na niya ang kanyang tungkulin kaya mas nauna siyang umalis. Be strong iha because im just here if you need my support. Don't be hesitate to come over me if you need me, if you miss your papa. Pwede mo naman akong maging papa mo dahil hindi naman tayo magkaiba, magkadugo naman tayo at mahal naman kita,mahal ko kayo" pigil ang luhang pahayag ni Don Lauro kay Mariel na noon ay medyo huminahon sa kanyang pagwawala.
"Thank you uncle Lauro and i love you too!" humihikbing sagot ni Mariel saka yumakap ng mahigpit sa tiyuhin.
Parang sinaksak ang puso ni Miguel sa mga sinabing iyon ni Don Lauro. Dahil pakiramdam niya ay parang namamalimos ang sarili nitong ama ng pagmamahal ng anak. Nitong mga nagdaang araw matapos ang pagkakabunyag sa kanya ng katotohanan sa kanyang pagkato ay parang naging balisa siya. Gusto man niyang komprontahin ang tunay niyang ama na noon ay biglang naging tahimik at gayundin ang mama nito ngunit ipinagwalang bahala muna niya dahil nais niyang ituon muna ang atensiyon sa mga nalalabing araw ng kinagisnan nitong ama.
Kitang kita ni Miguel ang pangingilid ng luha ni Don Lauro ng matapos itong magsalita at niyakap ng mahigpit ni Mariel kaya ang ginawa niya ay niyakap niya ng mahigpit si Aleah at ibinaling sa ibang direksiyon ang mga mata nito upang hindi niya makita ang reaksiyon sa mga mata ni Don Lauro ang tunay niyang ama na siyang naging kanlungan niya sa tuwing nagigipit siya. Ang laging unang pumapasok sa isip niya sa tuwing siya ay may mabibigat na suliranin, sa tuwing nalulungkot siya ay si Don Lauro abg unang una na pumapasok sa isip niya upang lapitan ito at ngayon ay nasagot na sa kanyang isipan ang mga katanungang iyon, ang pagkakahawig nila at higit sa lahat ay ang napakagaan niyang pakiramdam sa tuwing nasa tabi niya ito na para bang pakiramdam niya ay ligtas na ligtas siya sa kapahamakan dahil ito pala ang tunay na nagmamay ari sa kanya, at ang nararamdaman niyang iyon ay dahil sa LUKSO NG DUGO.
BINABASA MO ANG
Star Dancer (rated spg)......by..emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay kailangan ng patnubay ng magulang...not suitable for young audiences and be open minded... Thanks and enjoy reading......