Chapter 28

9.8K 231 6
                                    

Star Dancer
By...emzalbino
Chapter 28...

Habang nagmamaneho ng kanyang kotse si Miguel ay litong lito ito dahil sa kalagayan ni Aleah. Tinungo niya ang sariling bahay ni Erica ngunit nakailang door bell at sigaw na siya ay walang sumasagot o lumalabas ng pinto na ibig sabihin ay walang tao. Muli siyang sumakay ng kanyang kotse at muli niyang pinasibat ang sasakyan na animo ay lumilipad ito sa bilis.

"Calm down Miguel! Baka mas lalo tayong mapahamak sa pagiging tuso mo!" nagpapaalalang turan ni Don Lauro dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito ng kotse.

"Uncle, i need to hurry dahil baka kung mapaano pa ang mag ina ko!" alalang sagot ni Miguel na sunod sunod ang malalalim nitong paghinga dahil pakiramdam niya ay sasabog na sa sobrang galit ang kanyang dibdib.

"Do you know where to find Aleah?" alalang tanong ni Don Lauro.

Biglang natahimik sandali si Miguel dahil sa tanong na iyon ni Don Lauro. Sandali niyang itinigil ang kanyang kotse sa gilid ng kalsada at idinayal niya nag numero ni Erica dahil siya lang ang alam niyang may kagagawan ng biglaang pagkawala ni Aleah.

Kriiinngggg.....Krinnnngg....kriinnnggg....

Sunod sunod na ring ng cell phone ni Erica ngunit walang sagot mula sa dalaga kaya naman muli niyang idinayal ang numero ni Erica at naka apat na ring cell phone nito bago niya narinig ang isang tinig.

"Erica! Saan mo dinala si Aleah? Saan mo siya dinala!" labas ang litid ni Miguel sa pagsigaw nito na puning puno ng galit sa kanyang boses.

"Calm dowm Miguel! Wag na wag kang mag alala dahil makakausap mo rin siya. Hmm gusto mong makausap ang babaeng puta huh!" nagbabantang wika ni Erica at maya maya pa ay narinig nito ang boses ni Aleah na para bang nakikiusap at ramdam niyang nasasaktan ito.

"Damn you Erica! Wag na wag mong sasaktan si Aleah dahil mapapatay kita!" nanggagalaiting sigaw ni  Miguel na halos napaluha na ito sa sobrang galit.

"Relax ka lang Miguel dahil hindi ko pa nauumpisahan ang pagpapahirap sa kanya at ang ginawa ko sa kanya kani kanina lang ay try out lang iyon at mas matindi pa ang gagawin ko sa kanya dahil gusto kong maranasan niya ang ginawa niya sa akin! Nang dahil sa kanya ay biglang nawala na parang bula ang  mga pangarap kong matagal ko ng gustong mapasaakin, ngunit dahil sa babaeng ito kaya naman hindi na mangyayari pa ang mga pinapangarap kong makamit!" gigil na sabi ni Erica sabay hila nito sa buhok ni Aleah kaya napahiyaw siya sa sakit.

"Stop it Erica! Wag mong idamay si Aleah sa galit mo sa akin dahil wala siyang kasalanan! Buntis si Aleah kaya wag na wag mo siyang sasaktan dahil mananagot ka kung may mangyaring masama sa kanya!" halos maluha na sa sobrang galit si Miguel lalo pa ng marinig niya ang paghiyaw ni Aleah na alam niyang nasasaktan sa ginagawa ni Erica.

"Bakit Miguel may magagawa ka ba para iligtas ang babaeng ito? Kaya mo bang magpaka hero hmm?" ani Erica sabay pinanggigilang pinisil nito ang magkabilang panga ni Aleah at maya maya ay dinakma nito ang leeg ni Aleah.

"E-Erica hi-hindi ako makahinga" nagpupumiglas na sabi ni Aleah na dinig na dinig ni Miguel.

"Erica anong ginagawa mo sa kanya?! Tigilan mo si Aleah, please wag mong udamay ang mag ina ko!" luhaan ng sigaw ni Miguel dahil naririnig niya na parang nakikipaglaban si Aleah at dinig na dinig nito ang paghihirap ng kanyang mahal.

"Miguel tu-tulungan mo ako! I-iligtas mo kami ni ba-baby!" pautal utal na sigaw ni Aleah habang nakadiin ang mga kamay ni Erica at ni hindi man lang siya makalaban dahil nga nakagapos ang mga kamay niya at paa.

Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon