Chapter 23...,

10.6K 276 3
                                    

Star Dancer
By...emzalbino
Chapter 23...

Nang makaalis na ng mansiyon ni Don Lauro si Donya Benita ay agad itong pumasok sa kanyang kwarto at agad na idinayal ang kanyang telepono.

"Hello Dencio, kumusta na ang mga pinapagawa ko saiyo?" agad na tanong ni Don Lauro sa kabilang linya.

"Naipasa ko na po Don Lauro sa inyong email ang kopya ng mga dokumento ni Aleah at ang tungkol sa mga kapatid niya'y mga tatlong ar pa siguro ay tapos na lahat lahat" sagot naman ni Dencio.

"Ah ganoon ba? Hindi ko pa kasi  binubuksan ang email ko, anyway thank you so much at ihanda mo ang lahat diyan pagkatapos kong kausapin si Attorney Luz Mendoza dahil papauwiin ko na diyan sina Miguel at Aleah dahil delikado na ang lagay ng dalawa rito lalo pa at natunton na ni Benita ang kanilang kinaroroonan at alam niyang ako ang kumukupkop sa dalawa!" saad ni Don Lauro na ang boses nito ay may pagmamadali.

"Masusunod po Don Lauro at wag kayong mag alala dahil mayroon akong itinalagang magmanman sa magkapatid rito" kalmadong turan ni Dencio.

"Salamat Dencio!" anang don kay Dencio.

"Wala pong anuman Don Lauro at kung kakailanganin ninyo ang aking tuling ay sabihan niyo lang po ako at lagi po akong naririto uoang suportahan kayo!" saad pa ng katiwala ng don.

"Maraming salamat muli Dencio at magpapaalam na ako dahil tatawagan ko pa si Attorney Mendoza" paalam ng don Kay Dencio na sinang ayunan naman nito.

Pagkababa ng Don ng telepono ay agad niyang hinarap ang kanyang computer at doon nga ay nakita niya ang punadalang kopya ng documents ni Dencio sa kanya. Agad din niyang prininta ito saka tinawagan si Don Lorenzo ang kanyang bunsong kapatid.

"Lorenzo, kailangan ko ang kopya ng kapanganakan ni Miguel! Patawad ngunit kailangan kong gawin ito dahil nalaman na ni Benita na ako ang tumutulong sa dalawa at alam narin niya ang kinaroroonan ni Miguel at Aleah kaya kailangan ko ng kumilos agad upang mapigilan siya sa kanyang mga balak dahil alam kong sasabihin niya sa pamilya Del Prado ang lahat lahat ng natuklasan niya at baka puntahan nila doon ang dalawa at mapahamak pa ang dinadala ni Aleah!" nag aalalang turan ni Don Lauro.

"So, what do you mean kuya? Ipapakasal mo ba sila?" alalang tanong ni Don Lorenzo sa kapatid.

"I have no choice! But I know this is the best way para mapigilan sila. Dahil kapag kasal na ang dalawa ay wala na silang magiging habol pa kahit na maglupasay pa sila sa lupa!" sagot ni Don Lauro.

"If you think that is the good idea? I'll support you kuya and just wait for  a few minutes and i will send it to you" ani Don Lorenzo.

"Okay I'm waiting" sagot ni Don Lauro habang nakatuon ang mga mata nito sa kanyang computer at ilang minuto nga lang ang ipinaghintay niya at dumating na ang kanyang hinihiling sa kapatid........"Alam kong nasasaktan ka Lorenzo dahil mahal na mahal mo si Miguel pero dapat ko ring isa alang alang ang kanyang kaligtasan at kaligayahan upang kahit na sa ganitong paraan man lang ay magampanan ko ang tungkulin ko sa kanya na hindi ko nagawa mula pa ng maging tao siya. Ayaw ko sanang pangunahan ka kapatid ko ngunit hinihingi ng panahon ang aking tungkulin, hinihingi ng pagkakaton na gawin ko ang dapat na ginawa ko na noon pa ngunit dahil ayaw kong magkaroon pa ng malaking gulo ay nanahimik nalang ako dahil alam ko naman na hindi mo siya pababayaan at nakikita ko ang pagmamahal mo sa kanya na kahit na may Mariel kana ay hindi parin nagbago ang turing mo kay Miguel bagkus ay mas lalo mo pang minahal at pinahalagahan at nakita ko sa kanyang mga mata ang kaligayahan na mayroong buong pamilya at iyon ang hindi ko kayang ibigay sa kanya, ang buong masayang pamilya" napabuntong hiningang turan ni Don Lauro na para bang kausap nito ang kapatid ngunit mag isa lang naman siya sa kanyang kwarto at nakaharap sa aparato.

Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon