Star Dancer
By...emzalbino
....rated spg...Pumayag si Miguel at nagkasundo sila ni Erica sa layunin na maisalba niya ang kanilang kompanya at makuha rin ni Erica ang kanyang mana. At ng ilang araw ang nakalipas ay pinag usapan ng dalawang panig ang napipinto nilang kasal.
"So, paano kumpadre, kumare este mga balae pala eh kailan natin idadaos ang kanilang kasal?" wika ni don Rogelio del Prado ang daddy ni Erica.
"Hmm mas mabuti siguro balae kung silang dalawa ang tanungin natin para makapag adjust silang mabuti at hindi iyong naaapura sila" suhestiyon naman ni don Lorenzo Sandejas.
"Well tama nga naman si balaeng Lorenzo, tutal eh payag na naman silang dalawa eh mas mabuti sigurong mabigyan muna sila ng pagkakataon na kilalanin at maging malapit sa isa't isa para hindi sila nagkakahiyaan pag sila ay kasal na" singit na saad ni donya Dalia.
"For me, okay na iyong five months na paghahanda para sa aming kasal" ani Erica saka napatingin kay Miguel na tahimik lang.
"How about you Miguel?" baling na tanong ni donya Benita sa kanyang binata.
"I agree what Erica says mama" tanging sagot ni Miguel saka tumingin sa dalaga na nakangiti at ngumiti rin siya ngunit ito ay isang palabas lamang, ngiting nakikiayon sa takbo ng laro, laro ng buhay na kailangan niyang sayawan upang maging matagumpay niyang maisalba ang pinaghirapang kompanya ng kanyang ama.
"Kung gayon ay walang magiging problema sa pag pe prepara ng kanilang kasal. At sa mga kukuning ninang at ninong ay kukuha kami sa mga kaibigan at iba pa naming ka kilala at kayo narin balaeng Lorenzo at balaeng Benita ay kunin rin ninyo ang mga gusto niyong maging ninong at ninang sa kasal ng ating mga anak at mga kaibigan pa ninyong nais na imbitahan" saad ni don Rogelio sa mag asawa.
"It's okay balaeng Rogelio and everything will going smoothly kaya wag kang mag alala dahil gagawin naman namin talaga ang sinabi mo eh" masayang sagot ni donya Benita saka nilingon ang asawa na tumango lang bilang pagsang ayon.
Ilang mga balitaktakan pa ang pinalipas ng dalawang pamilya bago nagpaalam ang mommy at daddy ni Erica sa pamilya Sandejas.
"Oh anak are you not going home together with us?" tanong ni Donya Dalia kay Erica na noon ay naka de kwatro parin ng upo sa may sofa.
"No mommy, Miguel will send me home" sagot naman ni Erica sa ina sabay lingon kay Miguel at ngumiti ito na ang ngiti niya'y may ibig ipakahulugan.
"O-opo tita, ihahatid ko po si Erica" sang ayon na wika ni Miguel na nakatingin sa dalagang kay tamis ng ngiti nito sa kanya dahil ayaw naman niya itong mapahiya.
"That's great iho! Tama nga iyang ginagawa mo para unti unting magkalapit ang inyong kalooban"sabay naman ni Donya Benita na kitang kita sa mukha nito ang sobrang galak.
"And one more thing iho, you should be aware to call us mommy and daddy dahil soon naman eh doon din mapupunta ang lahat" dagdag na sabi ni Donya Dalia.
"O-okay po mommy, daddy" naiilang na sagot ni Miguel sa mga magulang ni Erica at napangiti naman ang dalaga.
"Let's go then, Miguel! Please send me home now because i want to rest already at medyo napagod ako kanina sa pag sa shopping" wika ni Erica na hinila pa ang braso ni Miguel upang lumarga na....." Anyway, aalis na po muna kami mama, papa at ng makapagpahinga ako dahil sumasakit kasi ang aking ulo sanhi ng migraine kung hindi ako nakaka idlip sa tuwing napapagod ako" paliwanag ni Erica sa mga magulang ni Miguel ngunit ng tumingin siya sa binata ay iba ang ngiti nito na parang may pagka pilya at kuhang kuha naman ni Miguel ang ibig sabihin ng mga ngiti na iyon ni Erica.

BINABASA MO ANG
Star Dancer (rated spg)......by..emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay kailangan ng patnubay ng magulang...not suitable for young audiences and be open minded... Thanks and enjoy reading......