Star Dancer
By...emzalbino
Chapter 26..Naiirita na si Erica dahil kanina pa niya hindi makontak si Donya Benita, kung ilang ulit na niyang tinawagan ang cell phone nito ngunit hindi sinasagot ng ginang.
"Huh! She betrayed me!" nagpupuyos na sa galit si Erica dahil sinubukan niyang tawagan ulit si Donya Benita ngunit wala parin at nananatiling nag ri ring lang ang cell phone nito.
"Ano ba ang ikinagagalit mo diyan?" puna ni don Rogelio sa anak na kanina pa palakad lakad at ni hindi mapakali sa kinaroroonan nito.
"Walang hiyang matanda na iyon! Balak pa yata akong traydurin!" galit na sagot ni Erica sa ama.
"Is it Benita?" naninigurong tanong ni Don Rogelio sa anak.
"Yes of course daddy! Usapan naming magkikita ngayon to talk about that porn girl na umagaw kay Miguel mula sa akin but now she's not answering her phone na kung ilang beses na akong tumatawag sa kanya but her phone just ringing only and she don't bother to pick it up!" sumbong nito sa ama na nakangiti kay luwang ang mga labi nito.
"Don't stress yourself to much like that hija, relax and smile because everything's alright! You can get now what you want at walang magagawa pa si Miguel kundi ang sumunod sa lahat ng aking kagustuhan" kalmadong turan ni Don Rogelio.
"What do you mean daddy?" nahihiwagaang tanong ni Erica sa ama nito.
"That porn girl is with my hands already kaya alisin mo na ang pagkakakunot ng noo mo dahil anytime ay kusa ng lalapit saiyo si Miguel at iyon na ang sandaling pinaghihitay mo anak!" ngingiti ngiting saad ni Don Rogelio.
"What!.. Are you sure daddy!?" hindi makapaniwalang turan ni Erica.
"Yes my dear! Ilang sandali nalang at mapapasakamay mo na ang iyong magiging asawa at makakasal kayo sa lalong madaling panahon!" naniniguradong saad ni don Rogelio kay Erica.
"Where is that porn girl?" maya maya ay tanong ni Erica sa ama.
"Dinala na siya sa bakanteng ware house natin at doon niya maiisip na tuluyang layuan si Miguel dahil alam kong mas matimbang parin sa kanya ang kanyang magiging anak kesa kay Miguel" nakangiting turan ni Don Rogelio na tatawa tawa pa ito.
"Good job dad!" kaylapad ng ngiting wika ni Erica sa ama nito....." Sabi ko nga ba Miguel na kung ano ang gusto ni Erica ay siyang masusunod!" nakangiting turan ng dalaga na yumakap pa sa ama nito.
.......
Samantala....
Habang binabantayan ni Miguel ang kanyang mama nito ay hindi niya maiwasan ang hindi malaglag ang luha nito dahil sa nangyayari sa kanila ngayon. Naging parang suwail siyang anak sa kanyang mama dahil sa hindi niya pagsunod sa kagustuhan nitong pakasalan si Erica dahil nga mahal na mahal niya si Aleah.
Hinagkan hagkan ni Miguel ang ulo ng kanyang ina na noon ay hindi niya napigilan pa ang pagtulo ng luha nito na siyang ikinagising ni Donya Benita."Ba-bakit ka umiiyak anak?" tanong ni donya Benita kay Miguel saka pinahid nito ng kanyang daliri ang naglandas na luha sa pisngi ng binata.
"Ma, im sorry kung naging suwail akong anak this time. Sorry kung sa pagkakataong ito ay hindi ko masusunod ang kagustuhan ninyo na pakasalan ko si Erica dahil may mahal na akong iba. Mahal na mahal ko si Aleah mama, siya ang gusto kong makasama habang buhay at hindi ko kakayaning mawalay siya sa akin at ang magiging anak namin. Alam mo ba mama na lalaki ang magiging anak namin! Magkakaroon na ako ng Junior, magkaka apo kana sa akin at madadagdagan pa iyon dahil ang gusto kong maging anak namin ni Aleah ay kahit na tatlo sana. At pag nag asawa narin si Mariel ay madadagdagang muli hanggang sa magiging maingay na ang buong mansiyon dahil sa mga apo mo, ninyo ni papa at natutuwa kayong pinagmamasdan sila na naghahabulan at nagkukulitan. Habang halos paos na nag iyong boses sa kasasaway sa makukulit mong mga apo" luhaang saad ni Miguel sa kanyang ina.
BINABASA MO ANG
Star Dancer (rated spg)......by..emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay kailangan ng patnubay ng magulang...not suitable for young audiences and be open minded... Thanks and enjoy reading......