Chapter 8

14.1K 296 6
                                    

Star Dancer
By...emzalbino
....rated spg...

"Michelle,please sabihin mo kung anong nangyari sa kapatid ko?" nagmamakaawang samo ni Aleah na noon ay nagsisimula nang mangilid ang luha nito.

"A-Aleah, si Gi-Gina ay nabundol ng sasakyan at ang nakabundol sa kanya ay nakatakas at hindi man lang nakuha ang plate number ng sasakyan" lumuluhang sagot ni Michelle saka yumakap kay Aleah na noon ay biglang napasalampak sa sahig at humihikbi ito hanggang sa tuluyan ng napahagulgol.


"Oh Diyos ko Po! Iligtas Niyo po ang kapatid ko" parang nanghihinang samo ni Aleah na hindi halos makapagsasalita dahil sa halo halong emosyon.


"Katatawag lang ni Tiyang Myrna at iyon nga ang sabi niya. Na habang papunta sa paaralan si Gina at patawid siya sa kalsada ay biglang dumating ang sasakyang nakabundol kay Gina at ni walang nakakuha ng numero ng kotse dahil sa pagkataranta narin ng mga sumaklolo sa kapatid mo. At ang malaking problema ay kailangan niyang sumailalim sa isang operasyon dahil napuruhan ang kanyang binti at kung mamalasin at mapabayaan ito ay baka daw putulin ang kanyang isang paa kung hindi maaagapan" salaysay ni Michelle.


"Oh Diyos ko, wag Mo Pong ipahintulot na mangyari iyon hu hu hu!" luhaang turan ni Aleah saka isinubsob nito ang mukha sa dibdib ng kaibigan....."Michelle, uuwi ako ngayon din sa amin at pakisabi nalang kay mommy Dess na kailangan kong makita ang kalagayan ng aking kapatid dahil kailangan niya ako ngayon" maya maya ay wika ni Aleah.


"Sige Aleah at ako na ang bahalang magpaliwanag kay mommy Dess" sang ayon na wika ni Michelle sa kaibigan at muli silang nagyakap at nagkaiyakan.

.....

Alalang alala si aling Myrna sa labas ng ICU at hindi mapakali na lakad dito,lakad doon ang kanyang ginagawa upang pahupain ang kanyang niyerbiyos dahil sa kalagayan ni Gina.

"Diyos ko! sana po ay tulungan ninyo si Gina, iligtas Niyo Po siya" maluha luhang samo ni Aling Myrna na nanlalamig ang mga kamay sa takot at pangamba na baka kung ano na ang nangyari sa kapatid na bunso ni Aleah.


"Aling Myrna, kumusta na kaya si Gina?" halos magang maga narin ang mga mata ni Memi dahil sa kaiiyak nito na hindi rin mapalagay sa nangyaring iyon sa kanilang kapatid.

"Eh hindi ko nga alam Memi! Huling nakausap lang natin iyong doctor ng sinabi nito ang kalagayan ni Gina na kailangan niyang sumailalim sa operasyon ngunit pagkatapos nun ay wala na akong balita sa kondisyon ng kapatid mo" alalang sagot ni aling Myrna.


"Kawawa naman ang kapatid ko" lumuluhang turan ni Memi.


"May awa ang Panginoon kaya manalangin lang tayo at wag mawalan ng pag asa dahil tutulungan tayo ng Diyos at gagaling din agad si Gina" pahayag ni aling Myrna saka niyakap nito si Memi.


"Opo aling Myrna" sang ayon na wika ni Memi saka pinahid nito ang mga luha sa kanyang pisngi.

....

Samantala sa biyahe ay walang tigil ang pag iyak ni Aleah dahil sa hindi malaman kung ano na ang kondisyon ng kanyang bunsong kapatid. Nang tawagan niya kanina si aling Myrna habang papasakay siya ng bus ay sabi ng matanda na wala pang update tungkol sa kalagayan ni Gina pagkatapos sabihin ng doktor na kailangang maoperahan sa binti kaya naman labis labis ang pag aalala ni Aleah at ni hindi niya magawang umidlip man lang kahit na wala pa siyang katulog tulog.


"Oh Diyos ko! Sana po ay hindi gaanong grabe ang aking kapatid at sana ay gumaling din siya agad" nagsusumamong bulong ni Aleah sa sarili.


Magtatakip silim na ng marating ni Aleah ang kanilang probinsiya (Isabela). Agad niyang pinuntahan ang ospital na kinaroroonan ni Gina at doon ay nadatnan niya ang kanyang kapatid na si Memi at aling Myrna na may kinakausap sa may information area.


Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon