Chaoter 25..

11.4K 252 1
                                    

Star Dancer
By...emzalbino
Chapter 25..

Kinabukasan ay dapat sana magkikita sina Donya Benita at Erica gaya ng kanialng pinag usapan ngunit biglang sumama ang pakiramdam ng donya kaya hindi na niya nasipot pa ang dalaga.

"Benita, are you okay?" alalang tanong ni Don Lorenzo ng makitang parang nanginginig ang katawan ng asawa.

"Masama ang aking pakiramdam, giniginaw ako na parang nanlalambot ang aking kalamnan" sagot ni donya Benita sa mahinang boses nito.

"Dadalhin kita sa ospital o kaya ay magpapatawag ako ng doctor!" tarantang sabi ni Don Lorenzo sabay hipo nito ng noo ni donya Benita at mainit nga ito.

"Nilalagnat ka nga! Sandali at tatawagan ko si kuya para matingnan ka niya!" nagmamadaling dinampot ni Don Lorenzo ang kanynag cellphone para matawagan si don Lauro ngunit.

"Wag Lorenzo!" mariing tanggi ni donya Benita....."Wag si Lauro, sa ibang doctor ka nalang tumawag at hindi kay Lauro, please!" nagmamakaawang wika nito sa asawa.

"Bakit ayaw mo kay kuya?" maya maya ay tanong ni Lorenzo.

"Wala lang! Basta wag kay Lauro, ayoko ko kay Lauro" tanging sagot ni donya Benita saka tumagilid ito ng higa patalikod sa kanyang asawa at noon din ay bumalong ang kanyang luha......."Hindi ko kayang hingin ang tulong niya dahil naririto parin ang sugat sa puso ko" bulong nito sa sarili.

Napabuntong hininga nalang si don Lorenzo habang tinitingnan nito ang asawang nakatalikod sa kanya. Alam niyang mayroong pinagdadaanang mabigat ito ngunit nananatiling malihim ang Donya at sinasarili niya kung anuman ang kanyang sinasaloob. Lumabas siya ng kwarto at dinukot niya ang kanyang cellphone ngunit imbis na tatawag sana siya ng doktor ay si Miguel ang tinawagan nito.

"Hello papa, good morning po" ani Miguel ng sagutin niya ang tawag ni Don Lorenzo.

"Good morning too iho, napatawag ako dahil ang mama mo ay nilalagnat. Mainit siya at ang sabi niya ay nanlalambot daw ang kanyang kalamnan kaya hayun at nakahiga siya sa kama at sabi ko nga sa kanya na dalhin ko siya sa osoital ngunit ang sabi niya ay magpatawag nalang ako ng doctor para matingnan siya" saad ni Don Lorenzo.

"What!" gulat at hindi makapaniwalang bulalas ni Miguel...." No papa! You have to bring in the hospital!" alalang sabi ni Miguel.

"Ayaw nga niya iho at sabi ko nga sa kanya na tawagan ko si Kuya Lauro upang matingnan siya ngunit tumanggi ang mama mo dahil alam mo namang hindi sila gaanong magkasundo" buntong hininga ni Don Lorenzo.

"I'll come over there papa at dadalhin natin siya sa ospital kahit na tumanggi pa si mama!" nag aalalang turan ni Miguel.

"Salamat anak!" ani Lorenzo.

"Okay papa magpapaalam lang ako sandali kay Aleah at ng makapunta na ako diyan!" natatarantang wika ni Miguel dahil kahit na nagalit siya ng todo sa kanyang ina ay mahal parin niya ito bilang isang ina, at gaya ng pagmamahal niya kay Aleah bilang isang asawa at magiging ina ng kanyang anak.

"O siya sige anak at hihitayin kita rito, tell to Aleah na wag na wag siyang aalis ng bahay hangga't wala ka at i lock niyang mabuti ang mga pinto" pagpapaalala ni Don Lorenzo kay Miguel.

"Okay papa, sige po at magbibihis na po ako!" muling paalam ni Miguel kay Don Lorenzo.

Matapos ang pag uusap ng dalawa ay agad na pinuntahan ni Miguel si Aleah na naglilinis ng kusina. Niyakap niya ito ng mahigpit at hinagkan hagkan ang batok ni Aleah.

Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon