Star Dancer
By...emzalbino
...rated spg...Pagpasok palang ni Miguel sa loob ng kwarto na bagaman nakapatay ang ilaw at tanging lamp shade lang ang nakasindi ay agad na nakuha nang kanyang tingin ang babaeng nakatalikod na alam niyang iyon ang babaeng regalo sa kanya ng kanyang mga kaibigan.
Napatitig siya sa katawan ng babae na kahit na hindi gaanong maliwanag ay naaaninag parin niya ang parang nililok na katawan nito. Ang balingkinitan nitong katawan ang bewang nito na kayliit na bumagay sa balakang nito at ang mahahabang hita ng babae.
Parang nagkaroon siya ng kuryusidad na makita ang hitsura nito dahil kung sa katawan ang pagbabasehan ay pasado ito sa kanya kaya naman dahan dahang lumapit si Miguel sa babae.
"Can you turn back and look at me?" basag ni Miguel sa katahimikan na sinunod naman ni Aleah ngunit nakayuko itong humarap kay Miguel.
"Don't be scare at me, im not a monster" mahinahong sabi ni Miguel saka dahan dahan nitong inangat ang mukha ni Aleah at ng magtama ang kanilang mga paningin ay kapwa pa sila napakurap.
Hindi makapaniwala si Miguel sa itsura ng babaeng kaharap niya ngayon dahil kahit wala itong make up ay lumilitaw talaga ang angkin nitong kagandahan. Nang hindi makuntento ay sinindihan ni Miguel ang ilaw upang makitang mabuti ang mukha ng hindi kilalang si Aleah.
"You're so beautiful!" hindi napigilang bulalas ni Miguel habang walang kakurap kurap itong nakatitig sa mga mata ni Aleah na mapupungay at binagayan pa ng malalantik nitong pilik mata.
"Sa-salamat" nahihiyang sagot ni Aleah na noon ay hindi makaimik sa harap ng lalaking pag aalayan niya ng kanyang pagkababae. Kung kanina ay kung anu anong hitsura ng lalaki ang nasa isip nito para ihalintulad ang lalaking makakasama niya sa kwarto ngunit ngayong nasa harapan na niya at titig na titig sa kanya ay lahat ng nasa isip niya ay walang tumama dahil sa tingin niya rito ay isa sa mga hollywood star na gumaganap sa mga pelikula.
Hindi alam ni Aleah kung bakit biglang parang nawala ang kanyang takot ng mga sandaling iyon. At parang gustong gusto niyang titigan ang gwapong mukha ng lalaki. Maya maya pa ay napakislot siya ng biglang dumapo ang kamay ng lalaki sa kanyang mukha at ang daliri nito ay naglakbay sa kanyang mukha at ng marating ang labi niya'y nilaro laro nito ng kanyang daliri habang magkahinang ang kanilang mga mata.
"Ang ganda mo talaga! Para kang isang diyosang at hindi nakakasawang titigan ang iying maamong mukha" mahinang sabi ni Miguel na para bang lumapit ito ng bahagya kay Aleah.
Ngumiti lang si Aleah sa sinabing iyon ni Miguel ngunit kumakabog ang kanyang dibdib sa ginawang paglapit nito at ilang sandali pa habang nagpapakiramdaman ang dalawa ay namalayan nalang ni Aleah ang paghapit ni Miguel sa kanyang bewang palapit pa sa kanya at ng tuluyan ng maglapat ang kanilang mga katawan ay parang hindi makahinga si Aleah sa sobrang lakas ng kanyang kaba na napansin naman ni Miguel.
"Natatakot kaba sa akin?" tanong ni Miguel na unti unting inilalapit ang mukha nito kay Aleah.
"Hi-hindi" iiling iling na sagot ni Aleah dahil baka ma disappoint ang lalaking ito eh mapurnada pa ang perang pang paopera ng kanyang kapatid.
Sa sinabing iyon ni Aleah ay nawala ang pag aalinlangan ni Miguel sa nakita nito kanina sa mga mata ni Aleah. Biglang lumakas ang loob nito na simulan ang namuong init sa kanyang katawan mula ng makita niya ang magandang katawan ng babae nang nakatalikod kanina at lalo pa ng magkaharap na sila.
Mas hinigpitan pa ni Miguel ang pagkakayapos nito sa bewang ni Aleah at saka nito inilapit ng husto ang mukha sa mukha ng dalaga hanggang sa magkadikit na na langhap nila pareho ang maiinit nilang mga hininga.
BINABASA MO ANG
Star Dancer (rated spg)......by..emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay kailangan ng patnubay ng magulang...not suitable for young audiences and be open minded... Thanks and enjoy reading......