Chapter 16

14.3K 343 8
                                    

Star Dancer
By...emzalbino
....rated spg....


UNIVERSAL CLUB....

Alalang alala na ang lahat  tungkol sa biglaang pagkawala ni Aleah kaya naman hindi na mapakali si Michelle at ang iba pang mga kasamahan nito sa sobrang pag aalala nila kay Aleah.


"Diyos ko Po! Ano na kaya ang nangyari sa kaibigan ko? Nasaan na kaya siya at sino iyong lalaking nagdala sa kanya kung saan?" mangiyak ngiyak na wika ni Michelle habang alumpihit sa kanyang kinauupuan at hindi mapakali.


"Oo nga eh! Pero sabi ng isang waiter kanina ay parang nakita daw niya si Aleah at nagduduwal daw sa may lababo at maya maya ay may lalaking nakatayo sa likod niya at bigla din siyang nawalan ng malay tao kaya binuhat yata siya ng lalaking nakakita sa kanya" ani Levy ang assistang manager ng club.

"Oo nga daw po ate Levy, pero sino ang lalaking iyon at saan na si Aleah? Umaga na ay wala parin siya at ni hindi natin alam kung saan na siya naroroon ngayon?" alalang turan ni Michelle.


"Hintayin muna natin ang buong maghapon na ito kung may magbigay alam kung nasaan na si Aleah at kung ano na ang sitwasyo niya ngayon!" nag aalala na ring sabi ni Levy.


"Eh ate Levy nakita ko po iyong bumuhat kay Aleah eh!" anang isang waiter na noon ay kadarating lang sa umpukan ng mga ito.


"Kilala mo ba Estong?" baling na tanong ni Levy.


"Hindi ko po kilala sa pangalan pero nakilala ko siya sa mukha. Kasama po siya ng dalawang lalaking laging nagpupunta rito at lagi ring nakikipag usap at kung minsan ay kabiruan ni mommy Dess. Tinanong nga nila kanina kung naririto na si Mommy Dess pero sabi ko ay nasa Bagiuo at kasama niya ang kanyang mga pamilya, tapos tinanong nila kung naririto na si Aleah at bumalik na mula probinsiya at sabi ko naman ay "oo" kaya sabi ng isang lalaki ay hintayin nalang daw nung lalaking bagong punta lang rito ang pagsayaw ni Aleah para masilayan  niya" pagsasadula ni Estong.


"Eh ano pa ang sinabi nila? Hindi mo ba alam ang pangalan ng mga iyon?" tanong ni Levy kay Estong.


"Hindi ko po  kilala at ang mga kasama nito na laging nagpupunta rito at hindi ko narin naitanong pa dahil bigla akong tinawag ng aking kostumer para kunin ang kanilang orders" saad pa ni Estong.

"Paano na ngayon iyan? Naiwan pa naman ni Aleah ang cellphone niya sa kanyang bag, papaano natin siya matatawagan?"nag aalalang turan ni Michelle.


"Maghintay tayo hanggang maghapon at kung wala pang update kay Aleah ay saka na tayo kumilos upang ipagbigay alam sa pulisya" wika naman ni Levy na tumango lang naman ang mga kasama nito at maging si Michelle ngunit sa loob loob nito ay sobrang pag aalala ang kanyang nararamdaman dahilan sa kalagayan ni Aleah at malakas ang kutob niyang buntis ang kaibigan nito......."Diyos ko Po, sana ay okay lang si Aleah kung saan man siya ngayon at kung sino man ang lalaking tumulong sa kanya ay ipagbigay alam niya sa amin upang hindi ako nag aalala ng ganito" piping samo ni Michelle.

.......

Kung ilang beses naman na salitang tinatawagan ni Arthur at Loyd ang cellphone ni Miguel ngunit hindi nito sinasagot kaya nagdududa na ang dalawa na baka naka silent mode na naman ito dahil nakahiligan ng kanilang kaibigan ang i silent mode ang cellphone nito lalo na kung nasa biyahe siya o kaya ay sa mga importanteng lakad.


"Huh! I'll give up na bro! How many times that I tried to call him but he doesn't pick it up! Halos napudpod na ang daliri ko sa ka da dial ng number niya pero wala talaga eh!" iiling iling na turan ni Arthur na ang kilay nito'y salubong na.


Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon