Star Dancer
By...emzalbino
...rated spg...Hindi na nagdalawang isip pa si Aleah ng maalala nito ang narinig niyang pinag uusapan noon ni Mommy Dess at ang dalawang lalaki na kausap nito. Alam niyang mali iyon ngunit wala na siyang ibang paraan pa para makahanap ng malaking halaga na gagamitin sa operasyon ni Gina......"Sana ay hindi pa sila nakahanap" dalangin ni Aleah habang nasa biyahe siya pabalik ng Maynila.
Dahil sa sobrang pagod at dami ng alalahanin ay hindi namalayan ni Aleah na nakaidlip na siya at nagising lang siya ng maramdaman niyang may yumuyugyog sa kanya.
"Miss naririto na tayo sa Maynila at nasa terminal na po tayo" anang koduktor kay Aleah.
"Huh! Nakatulog pala ako!" hindi mapaniwalang bulalas nito.
"Oo miss at kanina pa nga kita ginigising eh dahil kayo nalang po ang natitira sa loob ng bus at gagarahe po sandali kami kaya kailangang makababa na po kayo dahil lilinisin ko pa ang loob ng sasakyan" anang konduktor kay Aleah.
"Naku pasensiya na kasi ilang araw kasi na wala akong katulog tulog kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako" hinging paumanhin ni Aleah.
"Okay lang po iyon" sagot ng lalaki.
"Sige. Salamat muli at ba baba na ako" paalam muli ni Aleah sa lalaki at bumaba na nga ito ng bus. Saktong sumisikat na si haring Araw ng makarating ng Maynila. Sumakay siya ng taxi saka nagpahatid sa lugar na pupuntahan niya.
Pagkababa ni Aleah ng taxi ay ilang ulit siyang huminga ng napakalalim upang palakasin at patatagain ang loob nito. Pinindot niya ng ilang ulit ang door bell ng gate bago lumabas ng pinto ang katulong ng may ari ng bahay.
"Oh Aleah kay aga aga napasugod ka? Kumusta na ang kapatid mo, magaling na ba?" sunod sunod na tanong ni aling Esing ang katulong ni mommy Dess habang binubuksan nito ang pinto.
"Hindi pa okay ang lagay bg kapatid aling Esing. Si mommy Dess po ba nakauwi na po ba?" ani Aleah sabay tanong sa matanda kung naroroon na ang taong sadya niya.
"Ah! Oo, nasa loob siya at kausap niya si Michelle." sagot ng matanda.
"Naririto si Michelle?" gulat na tanong ni Aleah.
"Oo, kasi tinuturuan niya si Michelle kanina ng mga bagong steps para yata sa group dance nila sa club para sa ganoon daw eh si Michelle nalang ang bahala na magturo sa mga kasamahan ninyo" paliwanag ni alibg Esing kay Aleah na napatango lang ang dalaga habang nakasunod ito papasok ng bahay.
Nanlaki ang mga mata ni mommy Dess at Michelle ng makita nila si Aleah. Agad na napatayo si mommy Dess na noon ay kauupo lang nito sa sofa dahil sa sobrang pagod ng ginawa nilang pagsasanay ng mga steps ng sayaw.
"Aleah! Bakit napasugod ka, Anong nangyari sa kapatid mo?" alalang tanong ni Mommy Dess sabay lapit kay Aleah at ng humagulgol na nag dalaga ay agad niya itong niyakap maging si Michelle ay napayakap na rin sa kaibigan.
"Kumusta na si Gina?" lumuluhang tanong ni Michelle.
"Hindi siya okay. Kailangan niyang maoperahan dahil kung hindi ay mapipilitan ang mga doktor na putulin ang binti niya. Ayokong mangyari iyon! Ayokong maging inutil ang kapatid ko! Ayoko, dahil marami akong pangarap para sa kanila. Kung may mangyaring masama sa kanila na hindi ako nakagawa ng paraan ay habang buhay kong sisisihin ang aking sarili kaya mommy Dess nagmamakaawa ako saiyo" lumuluhang pahayag ni Aleah.
"Nagmamakaawa na ano Aleah?" nagtatakang tanong ni mommy Dess....."Kung pera ang kailangan mo ay mapapahiram kita ngunit hindi kalakihan dahil marami naman akong pinagkakagastusan" malungkot na wika pa ni mommy Dess.
![](https://img.wattpad.com/cover/39932702-288-k741357.jpg)
BINABASA MO ANG
Star Dancer (rated spg)......by..emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay kailangan ng patnubay ng magulang...not suitable for young audiences and be open minded... Thanks and enjoy reading......