Star Dancer
By...emzalbino
Chapter 27.."Oh Lord, please wag mo Pong pahintulutang may mangyaring masama sa mag ina ko! Hindi ko kakayanin kung mawala sila sa akin, please Lord save them, help me please Lord!" nagsusumamong sabi ni Miguel na napaluhid pa sa lupa na yakap yakap ang cellphone ni Aleah na nakita niya na ang mga mata nito'y hindi maampat ampat ang pagtulo ng kanyang luha.
Halos tumagal ng sampong minutong nakaluhod siya sa lupa at maya maya ay biglang tinungo ang kanyang kotse at sumakay roon. Habang nagpapatakbo siya ng kotse ay binubuksan nito ang secret compartment ng kanyang kotse at doon ay kinuha niya ang pinakatago tagong baril saka isinukbit nito sa kanyang tagiliran at mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo ng kotse.
Halos paliparin niya ang kanyang sasakyan upang makarating kang siya sa kanyang patutunguhan. Agad na inakyat niyang muli ang kwartong kinaroroonan ng kanyang mama. Nang makatapat sa pinto ay hindi na niya nagawang kumatok at deritso nalang siya sa loob at nadatnan niya roon ang kanyang papa na halos kadarating lang naman.
"Mama, where is Aleah! Saan niyo tinago ang babaeng pinakamamahal ko!" dumadagundong na sigaw ni Miguel kaya naman nagulat sina Don Lorenzo at donya Benita dahil halos lumuwa na ng apoy ang mga mata ni Miguel sa tindi ng galit nito.
"Mi-Miguel anak, ano bang pinagsasabi mo?" napabangon sa higaan si Donya Benita at akmang tatayo ito ng pigilan siya ni Don Lorenzo.
"Anong Ibig mong sabihin ha Miguel?" naguguluhang tanong ni Don Lorenzo ngunit kinakabahan ito.
"Umuwi ako ng bahay dahil nakita ko sa cellphone ko na nakailang missed call at text messages si Aleah ngunit dahil sa hindi ko makontak ang kanyang cell phone ay umuwi ako dahil bigla akong kinabahan. Pagdating ko sa bahay ay nakabukas ang gate, hinanap ko sa buong bahay si Aleah ngunit wala siya at nakita ko nalang itong cell phone niya sa may hardin. Kaya please mama, tell me kung saan ninyo dinala ang mag ina ko! Nasaan si Aleah!?" lumuluhang sigaw ni Miguel na lumapit sa sa ina nito na hinawakan ang magkabilang balikat ng ina at unti unting lumuhod sa paanan nito.
"A-anak, wala akong alam sa pagkawala ni Aleah. Oo, pinagbantaan ko siya, nasampal ko siya dahil sa tindi ng galit ko sa pag uring mo sa kasal ninyo ni Erica ngunit ang pagbabanta kong iyon sa kanya ay upang takutin lang siya at ng tuluyan ka niyang iwan. May usapan kami dapat ni Erica na magkikita ngayon ngunit hindi ko siya nasipot dahil sa nagkasakit ako but the truth anak ay wala akong kinalaman sa kanyang pagkawala dahil natakot din ako sa banta mo sa akin, natakot ako na baka itakwil mo akong bilang ina mo" yugyog ang balikat ni Donya Benita habang nakamata sa. Anak na luhaan at walang humpay ang pagdaloy ng luha sa mga mata nito.
"Mama, papa kung may mangyaring masama sa mag ina ko ay mas mamarapatin ko pa ang mamatay para kahit sa kabilang buhay ay magkakasama parin kami" ani Miguel.
"Wag anak,wag kang ganyan! Naririto pa kami para saiyo!" hagulgol na sabinni Donya Benita at kitang kita niya ang sakit sa mga mata ng kanyang anak.
"Wala ng saysay pa ang buhay ko kung mawawala sila sa akin, mahal na mahal ko ang mag ina ko at kung sino man ang may kagagawan nito ay pagsisihan niya! Humanda ka Erica dahil magtutuos tayo, kahit buhay ko ang katumbas sa kaligtasan nga king mag ina ay gagawin ko basta maisalba ko lang sila sa kapahamakan!" maya maya ay sabi ni Miguel na agad na itong tumayo.
"Miguel saan ka pupunta!?" alalang tanong ni don Lorenzo ngunit hindi sumagot si Miguel at deritso ng pinto ng makasalubong niya si Don Lauro.
"Why, what's happen Miguel?" agad na tanong ni Don Lauro ng makita ang ekspresyon ng binata na luhaan at galit ang nasa mukha nito.
"U-Uncle si Aleah po nawawala siya,Nawawala ang mahal ko!" sagot ni Miguel na napaiyak na namang muli at hindi na niya napigilan pa ang sarili at napayakap sa Don.
BINABASA MO ANG
Star Dancer (rated spg)......by..emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay kailangan ng patnubay ng magulang...not suitable for young audiences and be open minded... Thanks and enjoy reading......