Chapter 24...

10.7K 253 3
                                    

Star Dancer
By...emzalbino
Chapter 24...

Hindi makapaniwala si Donya Benita sa mga natuklasan sa inililihim niyang pagkatao ni Miguel kay Don Lorenzo at lalo na kay Don Lauro. Ang inaakala niyang walang nakakaalam maliban sa kanya ay mayroon pala at ang dalawang lalaki pang kanyang pinakaiingatang paglihiman.

Tahimik siyang pumanhik sa kanilang kwarto ng kanyang asawa, isinarado niya ito at saka dumiretsong naupo sa kama. Muli niyang ginunita ang mga nakaraan sa kanyang buhay.

FLASHED BACK....

Gulat na gulat noon si Benita Madrigal ng graduation day niya sa college sa kursong management samantalang ang nobyong si Lauro Sandejas na mas matanda sa kanya ng tatlong taon ay tatlong taon pa ang ibubuno nito sa pag aaral sa kursong pagiging doctor. Napatigagal si Benita ng biglang lumuhod sa kanyang harapan ng kanyang nobyo.

"A-anong ginagawa mo diyan tumayo ka nga!" sita ni Benita kay Lauro sabay hila nito ang kamay ng nobyo ngunit ginagap lang ito ni Lauro at saka hinagkan ng paulit ulit ang kamay ng nobya habang nakaluhod ito sa harapan niya.

Dahil sa pinagtitinginan sila ng mga tao sa may mismong graduation hall nila kung saan ay kasama niya roon ang kanyang mga kaibigan na parang kinikilig sa gesture ng dalawa......."Hon, tumayo ka nga riyan at nakakahiya sa mga tao!" nakakunot na ang noong sabi ni Benita ngunit mas lalo pang nagulat ang dalaga ng biglang inilahad ni Lauro ang maliit na kahita sa harapan niya.

"I'll just stand up from here if you will accept this ring!" sagot ni Lauro saka binuksan nito ang kahitang hawak hawak niya at tumambad ang isang kumikislap na white gold diamond ring....."It's been a time na kailangan ko ng magkaroon ng makakasama sa buhay. Tatlong taon nalang ang ibubuno ko sa aking pag aaral at magiging isang ganap na doctor na ako, i'd promised you before that i will give you a special gift to your graduation day and the time is up, so i giving this to you. Please accept my gift for you to be mine forever. Hon, marry me and be my wife, be my partner in the rest of our life and stay with me until my last breath" madamdaming pahayag ni Lauro habang nakatitig sa namumulang mga mata ni Benita.

"La-Lauro my honey, i do marry you!" luhaang sagot ni Benita at ng marinig ni Lauro ang kanyang sagot ay hinagkan niya ng paulit ulit ang kamay ng dalaga saka nito dahan dahang isinuot ang singsing sa daliri nito.

Halos mabingi ang dalawa sa hiyawan ng mga kaibigan nila at maging ng mga taong nakasaksi sa ginawang proposal ni Lauro kay Benita. Mababakas ang kasiyahan sa mga mata ng dalawang magkasintahan. Higit na lalo si Benita dahil kay tagal niyang inasam ang sandaling ito na alayan siya ni Lauro ng singsing at alukin siya nitong magpakasal.


Naging maligaya ang dalawang nagmamahalan kahit na tatlong taon pa ang napag usapan nilang ipaghihintay bago makasal dahil nais munang tapusin ni Lauro ang kanyang pag aaral bago ang ikasal sila ni Benita at pumayag naman ang dalaga dahil ang mahalaga sa kanya ay nasa kanya na ang patunay na siya na nga ang babaeng pakakasalan ni Lauro.

Matuling lumipas ang panahon at dumating ang isang nakakagimbal na trahedyang nangyari sa buhay ni Lauro. Tatlong buwan na lamang bago ang kanyang graduation ay pauwi na ng Pilipinas ang kanyang mga magulang ng biglang maaksidente ang sinasakyang kotse ng kanyang mama at papa sa States kung saan ay patungo sana sila sa airport para sa kanilang flight pabalik ng Pilipinas para sa pagdalo ng kanyang graduation at sa pagpapakasal sana nila ni Benita.

Parang gumuhong bigla ang mundo ni Lauro bg mga sandaling iyon ng malaman nito ang nangyari sa kanyang mga magulang. Sa sobrang sakit ng  kanyang dibdib dahil hindi niya matanggap ang nangyari ay minabuti niyang uminom ng alak upang doon daanin ang bangungot na kanyang pinagdaraanan ng mga sandaling iyon.


Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon