Chapter 3

17.2K 342 5
                                    

Star Dancer
By..emzalbino
Rated SPG..

Habang nasa biyahe sina Aleah at Michelle ay hindi mapigilan ni Aleah ang pagdaloy ng mga luha nito, kaybigat ng kanyang dibdib ng iwan niya ang kanyang mga kapatid. Hindi niya minsan inisip na iwan ang mga ito ngunit ngayong papasok na sa high school ang dalawa niyang kapatid at sabay pa kaya kailangan niyang maging matatag, maging mas palaban pa para matupad niya ang kanyang pangarap na mapatapos sina Gina at Memi.

"Ano kaba Aleah kanina ka pa ngawa ng ngawa riyan ah! Kung ganyan ka ng ganyan eh baka hindi ka makatagal sa Maynila! sermon ni Michelle sa kaibigang katabi.

"Michelle pasensiya kana kasi kaybigat lang ng dibdib ko na iwan ko sina Memi at Gina. Hindi kasi ako sanay na mawalay sa mga kapatid ko" hinging paumanhin ni Aleah sabay pahid ng mga luha nito.

"Alam ko iyan Aleah pero kailangan mong magpakatatag at maging palaban dahil isipin mo nalang na ikaw lang ang tanging pag asa ng mga kapatid mo diba? Ikaw nalang ang siyang nagsisilbing magulang nila na gagabay at pupuno sa mga pangarap nila sa buhay" ani Michelle na pilit na nilalabanan ang sarili para hindi mapaiyak sa awa nito sa kaibigan dahil baka mas lalo pa itong panghinaan ng loob kung ipapakita niya ang simpatya sa kaibigan.

"Tama ka Michelle ngunit pabayaan mo nalang muna akong ilabas ko ang bigat sa aking dibdib para naman gumaan ito kahit papaano" halos nagmamakaawang pakiusap ni Aleah sa kaibigan dahil kahit na anong pigil niya sa sarili na hindi mapaluha ay hindi niya talaga kaya.

Walang nagawa nga si Michelle kundi ang pabayaan muna si Aleah na ilabas nito ang dinadalang bigat sa kanyang dibdib.

...

Nagkikislapang mga ilaw na iba't ibang kulay ang nakikita ni Aleah ng makarating na sila sa Maynila. Naglalakihang gusali at mga ingay ng sasakyang naglipana ang unang bumulaga kay Aleah sa Kamaynilaan.

Alam niyang sa hitsura palang ng lugar ay maraming mga iba't ibang klase ng taong naglipana sa kung saang dako ng lugar. Ngunit alam niyang hindi lahat ng nilalang ay puro masasama, mayroon din namang may puso at ang iba ay sadyang nabubulag lang ng mga nakikita nila sa paligid.

"Maganda ang Maynila, ang mga nagkikislapang iba't ibang kulay ng ilaw sa paligid. Ang mga naglalaking mga buildings, mga magagarang mga bahay at mga sasakyang kay ga gara ay ilan lang sa mga makikita mo rito sa Maynila Aleah. Ngunit sa likod ng mga iyan ay may mga panganib na nakaabang sayo. Ang kailangan mo lang ay alam mong dumiskarte sa buhay, marunong kang makibagay sa iyong paligid upang hindi ka mapahamak at higit sa lahat ay wag na wag kang paloloko sa kahit na kanino dahil iba ang buhay rito kumpara sa probinsiya" paalala ni Michelle habang lulan sila ng taksi patungo sa tinutuluyan ni Michelle.

"Salamat sa paalala Michelle, wag kang mag alala dahil lagi kong tatandaan ang lahat ng mga sinabi mo" pilit ang ngiting wika ni Aleah.

"Mamang driver, para po sa tabi! agad na sabi ni Michelle sa taksi driver ng mapatapat na sila sa isang bahay na at saka bumaba ang dalaga kaya naman sumunod naring bumaba si Aleah na bitbit nito ang kanyang mga dala dalahan.

Palinga linga sa paligid si Aleah habang nakasunod ito kay Michelle na papasok sa loob ng bahay. Pagbukas ni Michelle ng pinto ay bumulaga sa kanya ang mga kababaihang nakaupo sa kung saan at abala sa kanilang mga ginagawa, ang iba ay nakabulagta lang sa kung saan basta makatulog lang ang mga ito, at ang ilan naman ay abala sa pagpapaganda ng sarili,sa paglilinis ng kuko o ano pa mang kulerete sa mukha.

"Mga girls, siya si Aleah ang sinasabi ko sa inyo na kaibigan ko na nasa probinsiya. Makikituloy muna siya rito dahil wala siyang mapupuntahan, but don't worry dahil ako muna ang sasagot sa kanyang mga pagkain at mga kakailanganin habang hindi oa siya nakakahanap ng trabaho" pahayag ni Michelle sa mga kababaihan.

Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon