Star Dancer
By...emzalbino
...rated spg...Nagmamadaling binuksan ni Miguel ang kanyang kotse at saka isinakay ang walang malay na si Aleah. Agad niyang pinatakbo ang kanyang kotse para dalhin sa pagamutan si Aleah ngunit maya maya lang ay biglang nagbago ang kanyang isip at bigla niyang iniliko ang kanyang sasakyan patungo sa ibang direksiyon.
"No, hindi kailangang sa publikong ospital dalhin si Aleah dahil halos alam ng sambayan na ako ay ikakasal kay Erica at kilala ang kanilang pamilya at lipunan kaya hindi pu pwedeng sa basta bastang ospital dalhin si Aleah!" ani Miguel habang palingon lingon sa dalagang walang malay.
Ilang sandali pa ay nasa tapat na si Miguel ng isang malaking bahay at doon ay bumubusina. Nang makilala ng guardiya ang kanyang kotse ay agad ding binuksan nito ang malaking gate kaya nakapasok ang kanyang kotse sa loob ng bakuran ng mansiyon.
"Mang Egme andiyan ba si Uncle?" agad na tanong ni Miguel sa matandang guardiya.
"Ah Oo Miguel, kararating lang niya galing ng trabaho" sagot ng matanda saka muli nitong isinara ang gate.
"Asan siya?" muling tanong ni Miguel sa matanda.
"Bakit iho anong kailangan mo at gabing gabi na ay napasugod ka pa?" kapagkuwa'y sabat ng dumadagundong na boses sa may pinto ng mansiyin kaya naman napatingin si Miguel doon at napangiti ng makilala ang nakatayo roon.
"I need your help uncle Lauro!" ani Miguel saka nito binuksan ang kabilang pinto ng kotse at binuhat nito si Aleah.
"Who is she?!" kunot noong tanong ni don Lauro.
"I'll tell you everything uncle but now please help her, she need your help badly" may pagmamakaawang turan ni Miguel habang papasok ng mansiyon.
"Okay bring her to my clinic!" agad namang utos ng don kay Miguel na agad namang tumalima ang binata habang karga karga nito ang walang malay pang si Aleah.
Nang maibaba na ni Miguel si Aleah sa kama ay agad namang sinuri ni don Lauro ang pasyenteng dala dala ni Miguel habang tahimik na nakamasid ang binata.
Ilang sandali ang lumipas matapos ang pagsusuri ng doktor na si don Lauro Sandejas, ang kapatid na matandang binata ng papa ni Miguel na si don Lorenzo.Hindi ito nakapag asawa dahil iginugol nito ang panahon niya sa pagta trabaho hanggang maging isang ganap na beteranong doktor.
"Uncle how is she? Is she's pregnant?" may pag aalalang tanong ni Miguel sa kanyang tiyuhing doktor.
"Yes, going to five weeks already at medyo maselan ang kanyang pagbubuntis dahil mas malakas ang bata sa kanyang sinapupunan kesa sa kanya. Kailangan niya ng kaunting pahinga upang magkaroon siya ng sapat na lakas" sagot ni don Lauro sa pamangkin.
"Sabi ko na nga ba eh!" nakangiting turan ni Miguel na nababanaag sa kanyang mga mata ang kasiyahan.
"Iho, ikaw ba ang ama ng bata sa sinapupunan ng babaeng ito?" may pagdududang tanong ni don Lauro.
"Opo, ako po uncle" masayang sagot ni Miguel saka nilapitan niya si Aleah at ginagap nito ang kamay ng dalaga na kasalukuyang nasa kasarapan pa ng tulog.
"Gulo ang pinasok mo iho!"....iiling iling na sabi ni Don Lauro....."Ikakasal kana bakit gumawa ka pa ng ganitong milagro? You know your mama right! Alam kong hinding hindi niya hahayaang may hahadlang sa lahat ng mga plano niya diba?!" may pag alalang saad ng matandang binatang doktor.

BINABASA MO ANG
Star Dancer (rated spg)......by..emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay kailangan ng patnubay ng magulang...not suitable for young audiences and be open minded... Thanks and enjoy reading......