Chapter 30

12.2K 287 10
                                    

Star Dancer
By...emzalbino

Halos magkasunod lang na naisugid sa pinakamalapit na ospital sina Don Lorenzo, Don Lauro at si Aleah. Hindi malaman ni Miguel ang kanyang gagawin kung sino ang ang kanyang pupuntahan. Pabalik balik siya sa bawat pinto ng mga kwarto ng mga pasyente, tuliro ang kanyang isip at gulong gulo dahil sa sobrang takot. Higit na ang nangyari kay Aleah na nanganganib ang kanilang magiging baby at ang kondisyon ng kanyang papa na alam niyang napuruhan ito.

"Oh Lord, please help us to be strong! Iligtas Mo Po sila Panginoon ko! Iligtas mo ang mag ina ko at ang mga mahal ko sa buhay!" sumasamong dalangin ni Miguel habang naglalandas ang kanyang mga luha sa pisngi nito na nasa may harapan ng ICU na kinaroroonan ni Aleah at maya maya pa ay palapit sa kanya ang kanyang mama na luhaan din.

"Mama, how's papa?" salubong na tanong niya sa kanyang mama.

"His in danger anak! I don't know kung malalabanan niya itong kalagayan niya, and the doctor says that it's a miracle kung sakaling makaligtas siya dahil maraming dugo ang nawala sa kanya at ang tama niya na umabot sa kanyang dibdib ay siyang nagpalala ng kanyang kondisyon" salaysay ni Donya Benita saka niyakap si Miguel...

"Mama!" tanging usal ni Miguel na yumakap din sa ina upang pakalmahin ito ngunit maging siya ay parang pinanghihinaan na ng loob dahil sa kinakaharap nilang pagsubok.

"It's my fault! Sana kung hindi ako nagpadala sa pangbubugaw ng mag asawang iyon sa akin sa lahat ng mga natutunan kong mga katarantaduhan ay hindi sana nangyari ito. Sana ay hindi tayo nalagay sa ganitong sitwasyon. Sana...sana!" hindi matuloy tuloy ni Donya Benita ang sasabihin dahil sa kanyang paghagulgol.

"Mama, i don't know what to do? Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang aking atensiyon! Si papa, si Aleah at ang baby namin na ngayon ay nasa alanganing sitwasyon at ang ikinakatakot ko ay baka mawala siya sa amin" luhaang saad ni Miguel.

"Anak, im so sorry! Im very sorry" ani Donya Benita na tinitigan nito ang balisang mukha ng anak habang naglalandas ang mga luha sa kanyang pisngi.

Puro iyak at hagulgol nalang ang ginawa ni Miguel ng mga sandaling iyon habang sumasamo sa Panginoon para sa kaligtasan ng kanyang mga mahal sa buhay. At dahil sa kalituhan ng kanyang isipan ay nakaligtaan narin niya ang mga nasabi ni Don Rogelio kanina sa may bodega.

.....

Matapos maagapan ang daplis sa balikat ni Don Lauro ay bigla itong tumayo dahil hindi siya mapalagay sa kanyang kamang kinaroroonan dahil nasa isip niya ang kanyang kapatid na nasa bingit ng kamatayan.

Bigla itong bumangon at bumaba sa kama....."Sir hindi po kayo pwedeng maglakad dahil baka magdugo ang sugat ninyo!" pigil ng nurse na saktong kapapasok sa kanyang kwarto.

"Nope! I have to see my brother. Kailangan ako ng kapatid ko kaya kailangan ko siyang puntahan dahil nasa panganib ang kanyang buhay!" determinadong sagot ni Don Lauro saka tinungo ang pinto.

"Pero sir ang sugat niyo baka mapwersa kayo!" alalang sabi ng nurse.

"Miss daplis lang ito at kayang kaya ko ang sarili ko! Malayo ito sa bituka kaya wag kang mag alala dahil doctor din ako!" may inis na sagot ni Don Lauro dahil sa kakulitan ng nurse.

"Kung iyon po ang gusto niyo ay wala po akong magagawa" anang nurse na medyo napahiya pa ito.

"Im sorry if I disappointed you, im just worried sa kapatid ko dahil malala ang tama niya. Nasa bingit siya ngayon ng kamatayan at alam kong baka hindi niya maligtasan ang kanyang kalagayan" malungkot na saad ni Don Lauro.

Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon