Chapter 29..

10.5K 250 5
                                    

Star Dancer
By...emzalbino
Chapter 29....

Agad na naagaw ni Don Rogelio ang baril na hawak ni Erica ng saktong ipuputok na sana ito kaya naman sa ibang direksiyon naiputok ang baril at si Aleah ay halos mawalan ng lakas dahil sa akala niya ay magiging katapusan na niya ng mga sandaling iyon.

"Daddy why you did it!" may galit na sabi ni Erica sa ama nito.

"Pag pinatay mo na siya ay hinding hindi ko na makukuha pa ang gusto ko kay Miguel! Gamitin mo ang utak mo at wag mong pairalin ang iyong panibigho!"galit na sagot ni Don Rogelio sa anak nito.

"Why daddy, don't you see what she had done to me?!" anito sa ama saka iniladlad ang brasong halos mangitim sa pagkaka kagat ni Aleah at ng bibigwasan na naman sana niya si Aleah ay pinigilan na siya ng kanyang ama.

"I told you to hold your temper! Wag kang magpapadalos dalos para hindi mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko!" muling sigaw nito kay Erica dahil medyo pikon na sa kanyang anak.

"Okay!" inis na sagot nito kay Don Rogelio saka nakahalukipkip na nakatayo sa isang tabi.

"Kalagan niyo ang paa niya!" maya maya ay utos ng Don sa mga tauhan nito ngunit ang kamay ni Aleah at nananatiling nakagapos parin.

Nang makalagan ang mga paa ni Aleah at parang nakahinga siya ng maayos dahil hindi na siya namamaluktot sa pagkakaupo.

"Salamat po" pilit ang ngiting turan ni Aleah dahil kahit papaano ay naiunat na niya ng maigi ang nangalay niyang mga paa.

Hindi na pinansin ni Don Rogelio ang sinabing iyon ni Aleah at tinapunan lang niya ito ng tingin saka muling tiningnan ang oras sa kanyang relos.

.....

Hindi na makapag konsentrasyon si Miguel sa pagmamaneho dahil sa narinig na iyon. Pakiramdam niya ay tinakasan na siya ng lakas dahil sa mga putok ng baril na narinig niya kasabay ng pagsigaw ni Aleah.

"Oh Diyos ko, ang mag ina ko!" muling hagulgol ni Miguel na isinubsob nito ang ulo sa may manibela.

"Miguel, himinahon ka iho. Malakas ang kutob kong hindi nila pinatay ang mag ina mo. Tinatakot ka alng ni Rogelio kaya siya nagpaputok ng baril" pagpapakalma ni Don Lauro at maya maya ay dinampot niya ang cell phone ni Miguel at idinayal ang numero ni Don Lorenzo at naka dalawang ring palang ay nasagot na agad ang tawag nito.

"Ku-kuya ano ng nangyari? Nasaan na kayo? Si Miguel, kumusta na siya?" kung ilang beses na tanong ni Don Lorenzo dala ng matinding tensiyon at pag aalala.

"We're still on our way sa may lumang bodega ni Rogelio sa may Marikina. Nasa peligro si Aleah at ngayon ay iyak ng iyak si Miguel dahil habang kausap niya si Aleah ay nakarinig siya ng dalawang magkasunod na putok at ang pagsigaw nito then after that ay biglang naputol ang linya kaya heto siya at labis na nag aalala sa kanyang mag ina". salaysay ni Don Lauro.

"Oh my goodness no!"napasigaw na sabi ni Don Lorenzo ng malaman niya ang nangyari......"I'll call police right away!" biglang pasya nito.

"Okay at hintayin nalang namin kayo doon at heto mga five minutes nalang at naroroon na kami!" nagmamadaling sabi pa ni Don Lauro sa kapatid.

"Okay kuya ingat kayo diyan at sana nga ay hindi magkatotoo ang hinala kay Aleah na siya ay patay na!"

Nang matapos ang pag uusap ni Don Lorenzo at Don Lauro ay binalingan ni Don Lorenzo ang asawa sa kanyang tabi na mababanaag ang pag aalala sa mukha nito.

"Miguel is so depressed dahil habang nag uusap sila ni Aleah ay bigla nalang daw nakarinig ang putok si Miguel at kasabay ng pagsigaw ni Aleah at ang pagkaputol ng linya kaya hayun ang anak natin na humahagulgol sa iyak!" nangingilid ang luhang turan ni Don Lorenzo habang nagmamaneho ito......"Tumawag ka ng pulis right now!" nagmamadaling utos ni Don Lorenzo saka binigay nito ang aparato kay Donya Benita at agad namang tumalima ito.

Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon