CHAPTER FOUR

5.5K 109 3
                                    

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

Kairita naman, sinabi nya kung saan kami magkikita pero hindi naman sinabi kung anong oras. Nakakainis naman tong baklang to!

Kaya maaga palang, nandito na ko sa loob ng mall at naghihintay sa kanya. Nakakainis naman ohh...

"Anong oras na, Jack! Alas sais ako nagpunta dito, nag alas onse nalang wala ka pa. Isa pa, Jack! Isa pa talaga, aalis na ko dito..." iritadong ani ko at nag-cross arms.

Tanga ko din naman, hindi ko hiningi yung number ng baklang yun. Yan tuloy at hindi ko alam kung anong oras darating yun.

***

Halos thirty-minutes na kong naghihintay sa baklang yun pero hindi pa rin sya dumarating. Nagsisimula na kong dapuan ng inip at inis.

"Hay..." nagdekwatro ako para kahit papaano mawala yung bagot ko sa paghihintay sa kanya.

Antagal naman nun, nakakainip na...

Habang naghihintay ako at nakadekwatro, biglang pumasok sa isipan ko na baka ginagantihan nya ko sa ginawa ko sa kanya. Sa ginawa ko sa kanyang pangse-seduce.

Hindi ko tuloy maalis sa isipan ko yung naisip ko na yun. Alis nalang kaya ako? Mukhang wala namang Jack na pupunta ngayon. Baka niloloko nya lang ako at ginagantihan.

𝘈𝘵 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘵𝘰𝘵𝘰𝘰 𝘮𝘢𝘯 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘪𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘬𝘰, 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘴𝘢'𝘬𝘪𝘯 𝘵𝘰...

Ngumiwi muna ako bago tumayo at maglakad paalis sa loob ng mall. Naiinis na ko at nanghihinayang sa mga oras na nasayang. Dapat sa mga oras na to, nasa bahay na ko at nagchi-chill chill.

Palabas palang ako ng mall nang bigla kong makasalubong si Jack na halatang bagong ligo kasi naamoy ko yung pabango nya.

Sininghot-singhot ko pa yung pabango ni Jack na nakapagpawala bigla sa inis ko. Napahawak nalang ako sa noo ko nang bigla nya kong pitikin dun.

"Aray naman!" Inda ko.

"Sisinghot ka lang jan?" tanong nya.

Umirap ako at binangga sya.

"Anong oras na boy? Alas sais ako dumating, anong oras ka nagpunta dito? Alas dose na..." iritadong ani ko at naglakad na para lumayo sa kanya.

Gustong-gusto ko mang isagawa yung plano ko, pero mukang mapupurnada dahil sa baklang to.

Napatigil ako sa paglalakad ko nang bigla akong hawakan ni Jack sa braso ko at iharap sa kanya.

"Ano?" sarcastic na tanong ko.

***

"Sorry naman, it's my fault. Ililibre nalang kita, gusto mo?" tanong nya.

Nasa loob na kami ng mall at nakaupo sa isang bakanteng upuan.

Napabalik ako sa loob ng mall para puntahan si Jack. Naisip ko na may plano nga pala akong dapat na gawin.

"Wag na! Ano bang sasabihin mo sa'kin? Di ba nasabi mo na kagabi?" tanong ko sa kanya.

"Ito yung reason kaya gusto kong makipagkita sayo." Saad nya.

"Yung ano?"

"Si Xias, busy ulit sya ngayon."

"Tapos? Ano?" tanong ko.

"Alam kong busy sya sa babae nya. Samahan mo kong sundan yung boyfriend ko." ani Jack at kinuha yung cellphone ko na hawak hawak ko lang.

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now