CHAPTER 46

1.9K 59 3
                                    

(Dedicated to: AlenaMaligro)

______________

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

“Anne, anak,” muling nagkuyom yung mga kamao ko dahil sa pagbanggit nya sa pangalan ko.

Nakaupo sa tabi ko si Jack at nasa harapan namin ang walanghiya kong ama.

Balak pa sanang hawakan ni papa yung mga kamay ko pero agad ko yung iniiwas sa kanya.

“A-anak, p-patawarin mo sana ako sa mga nagawa ko sayo at lalong-lalo na sa mama mo,” nagsimula nang magbagsakan yung mga luha ni papa.

Sobrang sama ng loob ko ngayon at ayokong-ayoko na maapektuhan sa paiyak-iyak nya. Pakiramdam ko unti-unti nang lumalambot yung puso ko pero pinipigilan ko yun.

“Pwede ba, Jack. Kung wala namang kailangan 'to dito, paalisin mo na,” walang ekspresyon na utos ko kay Jack.

Nilingon ko si Jack at umiling lang 'to sa sinabi ko. Ilang segundo lang akong napatingin kay papa at nakita ko yung lungkot at pagsisisi sa kanya.

“A-anak, p-patawarin mo ko. A-alam kong kasalanan ko ang lahat kaya namatay ang mama mo. Kasalanan ko kaya ka nagkakaganyan sa'kin ngayon. Pero sana, sana, anak, mapatawad mo na ko. Ilang taon ko nang pinagsisihan yung nagawa ko sa mama mo. Na-realize kong nagkamali ako, anak. Pinagsisisihan ko ang nagawa ko sa kanya, p-patawad,” hindi napigilang mapayuko ni papa at umiyak.

Hindi ko na rin napigilang takasan ng mga luha ko. Agad ko yung pinunasan at pinakitang hindi ako naaapektuhan sa mga sinasabi nya.

“Sana hindi ka nalang nakalabas sa kulungan, o nagpakita sa'kin. Okey na ko e! Pilit ko nang kinakalimutan yung nangyari noon pero bakit ka pa nagbalik? Wala na bang tumanggap sayo kaya ka nagbabalik sa buhay ko?”

“S-sorry, Anne. P-patawad, anak, k-kasalanan ko.”

“Talagang kasalanan mo! Kasi kung hindi mo ginawa yun kay mama, sana buhay pa sya ngayon. Kung hindi mo lang sya minaltrato noon, sana magagagandang alaala yung naaalala ko sa tuwing nakikita kita. Pero hindi, PA! Hindi magandang memories yung naaalala ko dahil nagpakita ka ulit. Bumalik yung sakit, pa. Gabi-gabi, araw-araw akong binabagabag ng konsensya ko na sana may nagawa ako para tulungan sya. Pero alam mo yung masakit? Namatay sya dahil sayo! Na sarili ko pang ama yung kumitil sa buhay ng nanay ko. Sobrang sakit nun, pa! Sobrang sakit!” Panunumbat ko.

Tuloy-tuloy na naglandas yung mga luha sa pisngi ko dahil sa tensyong nararamdaman ko. Pakiramdam ko hindi na ko makakahinga pa nang maayos dahil sa sakit.

Muling nagkuyom ng kamao ko at nakita yun ni Jack. Hinawakan nya yung kaliwang kamay ko na nakakuyom at pinigilan ako sa balak kong gawin.

“P-patawad, anak. S-sana mapatawad mo si papa. A-alam kong masyado nang huli para pagsisihan at ibalik ko ang lahat―” napatigil sya sa pagsasalita nya nang bigla akong sumabat.

“Yun na nga e. HINDI MO NA MAIBABALIK ANG LAHAT SA DATI!”

Tumango si papa at muling yumuko. Pinunasan nya yung mga luhang pumapatak sa pisngi nya gamit yung hinlalaki nya.

“Patawad, anak. Alam ko namang hindi ko na maibabalik pa ang buhay ng mama mo. Alam ko na hindi ko na maibabalik pa ang tiwala mo at alam ko na ring hindi mo na ko tatanggapin at papasukin ulit sa buhay mo. Pero sana, sana napatawad mo na ko, anak,” humihikbing saad nya.

Pilit kong iniiwas yung tingin ko sa kanya dahil nasasaktan pa rin ako. At mas lalo ko lang naramdamang masaktan nang todo-todo nang makita ko syang umiiyak.

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now