CHAPTER 73

1.3K 39 11
                                    

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

*𝘛𝘰𝘬 *𝘵𝘰𝘬 *𝘵𝘰𝘬

Agad kong pinagbuksan yung katok nang katok sa labas ng bahay ni Jack. Bahagyang nanlaki yung mga mata ko at kinabahan ako nang sobra nang bumungad sa'kin ang nakayukong si Rue.

"R-Rue?" banggit ko sa pangalan nya.

Iniangat nya yung ulo nya at bahagya ring nanlaki yung mga mata nya dahil sa nakita nya. Gumuhit sa mga labi nya yung ngiti at mabilis na lumapit para yumakap sa'kin nang mahigpit.

"A-Anne, I-I'm sorry," humihikbing ani'ya at mas lalong hinigpitan ang yakap nya.

"Bakit ka ba umiiyak, Rue?" natatawang tanong ko.

Kumalas sya sa pagkakayakap sa'kin at binaling yung tingin nya sa tiyan ko. Napatakip sya ng bibig nya at muling napayakap sa'kin.

"I'm really really really sorry, Anne,"

"B-bakit ka ba nagso-sorry, Rue?"

"I made a mistake," bulong nya.

Hinawakan ni Jack yung balikat ko at hinaplos-haplos yun.

"Papasukin mo muna sa loob si Rue," sabat nya.

Tumango ako at mas yumakap sa kaibigan ko.

***

"Pa'no mo nalaman na nandito na sa bahay si Anne?" tanong ni Jack.

"Kutob ko lang,"

Lumingon sa'kin si Rue kasabay nun ang agad na pag-iwas nya nang tingin sa'kin. Nanatili syang nakayuko habang umiiyak.

Hinawakan ko yung mga kamay nya at nag-aalalang tinanong sya.

"May problema ba, Rue?"

"A-Anne,"

Huminga ako nang malalim at umiling. Hinawakan ko yung tiyan ko at hinimas-himas yun.

"Sabihin mo sa'kin, Rue, may problema ka ba?"

"A-Anne, s-sorry. S-sorry sa nagawa ko," nagsimula na namang lumandas yung mga luha nya pababa sa pisngi nya.

Nangunot-noo ako dahil hindi ko maintindihan yung gusto nyang iparating.

"Bakit? M-may nagawa ka bang masama?"

"A-Anne,"

Hinawakan ko ulit yung mga kamay nya para kahit papaano, mapagaan ko ang loob nya.

"Sige, Rue, sabihin mo lang, makikinig ako,"

Huminga muna sya nang malalim bago mag-angat ng ulo nya. Seryosong yung mga mata nya nang titigan nya ko na talagang ikinakaba ko nang todo.

"I betray you, Anne. I-I'm really sorry," nauutal na ani'ya.

Mas humigpit yung pagkakahawak ko sa mga kamay ni Rue dahil sa sinabi nya. Maging si Jack nagulat sa sinabi ni Rue.

"A-ano? P-pinagtaksilan mo ko? P-pa'no? B-bakit?"

"I'm sorry," umiling sya at muling yumuko.

"K-kalma, Rue. S-sabihin mo kung pa'no at b-bakit mo ginawa yun? A-ano bang pwedeng maging dahilan?"

"Y-yung nasa mall tayo, Anne. Yung nasa mall tayo at nag-uusap, n-ni-record ko yung pag-uusap natin. S-sorry,"

Kumagat ako sa ibabang labi ko at hinawakan sa magkabilang braso nya si Rue.

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now