CHAPTER FIVE

4.9K 110 4
                                    

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

"Tama nga yung pakiramdam ko. He's with another girl!" Seryoso at galit na saad ni Jack habang tinatanaw namin ang kotse ng boyfriend nya na papalayo, may kasama itong babae sa loob.

Hinawakan ko yung balikat ni Jack at hinaplos yun. Namasa na yung mga mata nya hanggang sa may tumulo ng mga luha galing dun.

"Jack, it's okey..." pagpapakalma ko sa kanya.

"I-I can't believe he's doing this to me! I-I can't believe..." umiiyak na ani Jack at sinimulan nang mag-drive ng sasakyan nya.

Habang nasa biyahe kami, hindi ko mapigilang haplosin ang balikat nya at patahanin sa pag-iyak si Jack. Bukod sa ayokong may nakikitang umiiyak lalo pa't nonsense naman yung iniiyakan, ayoko ding maaksidente kami. Nagda-drive pa naman sya..

"Tahan na, Jack.." pagpapatahan ko.

Hindi nya pinansin yung sinabi ko at panay lang sya punas ng mga luha nya habang nagda-drive.

__

"A-and you know what's funny, Anne? He cheat on me! Alam naman nyang may boyfriend sya tapos lumandi pa sya sa babae? Fvck that girl!" Napangiwi ako dahil sa mga pinagsasabi nya.

"Jackie, parang ang oa mo naman. Mas masahol ka pang mag wild kesa sa mga babaeng niloko. Parehas naman kayong may bayagra." Natatawang ani ko sabay lagok sa tubig.

"You don't understand me! Y-you don't understand me! Ang dami kong pinagdaanang sakit bago naging kami. Ang daming masasakit na salita ang natanggap ko bago maging kami. Tapos ganto lang yung gagawin nya sa'kin? Alam ko namang hindi ko maibibigay sa kanya yung nais nyang mangyari, yung magkaanak. Pero kaya ko naman syang pasayahin sa ibang paraan!" Galit na saad ni Jack at nilagok yung alak na kanina pa nya iniinom.

𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘺𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘣𝘰𝘺𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥 𝘯𝘺𝘢...

𝘋𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘣𝘢 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘰𝘯𝘴𝘦𝘯𝘴𝘺𝘢 𝘢𝘨𝘢𝘥?

Kinuha ko yung dalawang boteng natitira at itinago sa ilalim ng lamesa. Mahirap na at baka malasing to dito, ayoko pa namang magbuhat ng lasing―na bakla.

"Daig mo pa talaga yung mga babae kung magwala!"

"Nasaan yung alak? Gusto ko pang mag inom!"

"Wala na, binasag ko na..." pagsisinungaling ko.

Kinunutan ako ng noo ni Jack at tinitigan nang matagal kaya't tinitigan ko rin sya sa mga mata nya.

Ramdam na ramdam kong nagdidilim na yung paningin nya. Alam na alam ko kasi yung mga tinginang ganyan, isa lang ibig sabihin nyan, wala na sya sa sarili nya.

Napalunok ako ng sunod-sunod nang ilapit nya sa akin yung mukha nya. Inaasahan ko nang hahalikan nya ko pero hindi ko alam kung bakit pa ko nagulat sa paghalik nya sa'kin.

Hinalikan nya ko, mariin at mapusok. Mas tumagal ang mga paghalik na ginawa nya sa'kin hanggang sa bumaba yun sa leeg ko. Hindi ko gustong mangyari to ngayon dahil wala ako sa mood pero naaakit ako sa kanya.

Huhubarin na sana nya yung suot ko nang bigla ko syang tabigin at itulak palayo sa'kin. Biglang pumasok sa isipan ko na, nasa loob pa pala kami ng Bar. At ayokong may ibang makakita sa aking nakikipaglampvngan in public.

Hinawakan ni Jack yung kanang kamay ko nang mahigpit.

"A-Anne?" sambit nya sa pangalan ko.

"Umuwi na tayo sa bahay ni Xias. Sa ayaw at sa gusto mo!"

Muling humagulhol ng iyak si Jack at yumakap sya sa akin. Mahigpit na yakap na kahit kelan hindi ko naramdam kahit kanino.

"J-Jack,"

"Wag mo kong dadalhin sa g4gong yun!" Paki-usap nya.

"But you need to sleep na..." saad ko.

"W-wag mo kong d-dalhin sa bahay nya...."

Unti-unting nanghina yung mga tuhod nya at kinalauna'y nakatulog na sya agad-agad. Sana lang talaga hindi nya ko masukahan.

Kakasabi ko lang na ayokong bumitbit ng lasing na bakla, heto ako at bitbit tong si Jack. Binitbit ko si Jack hanggang sa makarating kami sa kotse nya. Ipinasok ko sya sa backseat at ako na yung nag-drive.

Nagulat pa ko nang bigla kong mapindot yung busina kaya nakagawa ito ng malakas na ingay. Napangiwi nalang ako at nagpatuloy na sa ginagawa ko. Iniayos ko yung pag-upo ko at mahigpit na hinawakan yung manibela.

__

𝘋𝘪𝘯𝘨* 𝘋𝘰𝘯𝘨*

Nag-doorbell ako sa labas ng bahay ni Xias. Nakailang doorbell rin siguro ako bago magbukas yung pinto at iluwa nito yung naka-topless na si Xias.

𝘗𝘰𝘨𝘪 𝘯𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘬𝘢 𝘩𝘰𝘵...

"What's happen to hi―" bago pa sya matapos sa sasabihin nya, itinulak ko na sa kanya si Jack.

𝘈𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘨𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘺𝘢...

"Wag dito," mahinang ungol ni Jack.

"Nakainom yang boyfriend mo. Dalhin mo na sa kwarto nyo at patulugin mo na. Ang bigat-bigat!" Saad ko.

Binuhat nya muna si Jack bago ako harapin.

"Ahh, what's your name?" tanong nya.

"I'm Anne.." pakilala ko.

"Bakit naglasing tong si Jack?" tanong nya ulit.

"Ewan ko, tanong mo sa kanya bukas..." pagsisinungaling ko.

Umirap ako kay Xias at maglalakad na sana paalis nang bigla nya kong sitsitan kaya napalingon ako.

"Thanks sa paghatid sa boyfriend ko, Anne..." pagpapasalamat nya at may diin sa pagkasabi nya sa pangalan ko.

Ngumisi sya sa akin at isinara na yung pinto. Napailing nalang ako at natawa sa pangpa-plastik nitong boyfriend nya.

"Cheater..." bulong ko at nagpatuloy na ko sa paglalakad.

⚠︎⚠︎⚠︎

[XIAS POINT OF VIEW]

~~~

Inalalayan kong makahiga sa kama si Jack at iniayos sya. Iniayos ko rin yung kumot nya at pinakiramdam kung mainit ba sya.

Hinaplos ko yung pisngi ni Jack at hinalikan sya sa labi nya. Gusto kong magsisi sa mga nagawa ko sa kanya at sa mga balak ko pang gawin sa kanya. I really love Jack, mahal na mahal ko sya.

Huminga ako nang malalim at niyakap sya nang mahigpit na mahigpit. Hinalikan ko muna sya ulit bago ako lumabas ng kwarto.

Nagtungo ako sa sala, kumuha ako ng alak at uminom ng kaunti. Nakasalumbaba ako habang umiinom ng alak. Hindi mawala sa isipan ko yung mukha ng babaeng naghatid kay Jack.

𝘚𝘪 𝘈𝘯𝘯𝘦...

Nung una ko syang nakita, iba na agad yung naging tama nya sa'kin. Yung mga mata nya, yung ilong, mga pisngi at ang labi nya. Perpektong-perpekto sa pagkakahulma.

𝘗𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘬𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘴𝘢𝘯𝘥𝘢𝘭𝘪 𝘭𝘢𝘯𝘨...

Kung paano nya ko tingnan kanina, ganun ko din kagustong makita sya ng matagal.

𝘚𝘢𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘶𝘭𝘪𝘵 𝘬𝘢𝘮𝘪...

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now