CHAPTER TWENTY-EIGHT

2.2K 48 0
                                    

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

"Kwentuhan mo naman kami, Aning," panimula ni Angeline.

Nangunot-noo ako at lumingon kay Angeline.

"Ano namang ikwe-kwento ko sa inyo? Cinderella story? Sleeping beauty? Rapunzel? Ariel o baka naman, Snow white?" natatawang tanong ko.

Nangalumbaba si Angeline at ngumiti sa'kin.

"Sira! Dati yan yung pinapa-kwento namin sayo noon, pero ngayon iba na. Kwento ka naman kung pa'no kayo nagkakilala ni Jack. Kung pa'no yung first impressions nyo tapos yung first me't," suhestiyon ni Angeline.

"Ayy! Oo nga, kwento ka naman, Antot," gatong ni July.

"Kwento mo sa'min pa'no kayo nagkakilala ng jowa mo, Anne," sabat din ni Arrianne.

Isa-isa na rin silang nagsiusisa kung paano kami nagkakilala ni Jack. Bahagya pa kong napatakip ng bibig ko dahil sa mga pangungulit nila.

𝘓𝘢𝘨𝘰𝘵!

𝘚𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘬𝘰? 𝘚𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘬𝘰, 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘪 𝘑𝘢𝘤𝘬 𝘦 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘪-𝘯𝘦𝘥𝘶𝘤𝘦 𝘬𝘰 𝘴𝘺𝘢?

Kiniliti ni Angel yung tagiliran ko kaya nagsigayahan na sila. Para na kong bulate sa pag-iwas sa pangingiliti nila sa'kin.

"Hoy! Parang mga ano," nakikiliti na parang kinikilig na saad ko.

"Yieee kwento ka naman, magkwe-kwento na yan," pangungulit ni Ariel.

"Magkwe-kwento na yan, yieeee..." gatong pa ni Ariela.

"Oo na, magkwe-kwento na," ngumiti silang lahat at tumigil na sa pangingiliti at pangungulit sa'kin.

"Kwento ka na, dali!" Pangungulit pa rin ni Arrianne.

Iniayos ko yung suot kong white tank na parang croptop at umayos din nang upo. Umayos din sila nang pagkaka-upo nila sa harapan ko at umaktong nakikinig.

Medjo natawa pa ko sa mga itsura nilang seryosong-seryoso.

"First meet, haha..." hindi ko na napigilang matawa dahil sa mga itsura nila.

Pinaghahampas ko yung balikat ni Arrianne kaya nakitawa sya sa'kin kahit wala namang nakakatawa.

"Haha―kwento mo na. Excited na kaming makinig," natatawang ani Arrianne.

"Seryoso na kasi, Anne," nakabusangot na reklamo ni Angel.

Tumigil na ko sa kakatawa at sumeryoso nang tingin sa kanila.

"Nagkakilala kami ni Jack sa isang―isang bar. Magkasama kami ni Rue dun, nagja-jamming-jamming at nag e-enjoy. Nakita ko si Jack na tahimik lang na umiinom ng―" naputol yung sasabihin ko dahil sumabat si Arrianne.

"Margarita?" tanong nya.

"Mimosa?" sabat ni Angeline.

"Beer?" sabat din ni Angel.

"Wine?" sabat din ni Ariel.

"Lambouringe?" sabat din ni Ariela.

"Ginebra?" sabat din ni July.

"Red horse?"

"Gin?"

"Grapes?"

Natawa ako sa mga pinagsasabi nila at umiling.

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now