CHAPTER 33

1.9K 43 1
                                    

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

"Are you okey, Anne?" tanong ni Jack sa'kin habang nakayapos ako nang yakap sa kanya.

Nakahiga kaming dalawa ngayon ni Jack sa kama nya at kakatapos lang naming magsalo at pumailalim sa mundo.

Mahigpit yung yakap nya sa'kin kaya ramdam na ramdam ko yung nag-iinit nyang katawan. Hinalikan nya rin yung noo ko kaya medjo kinilig ako.

"Oo, bakit mo naman natanong?" tanong ko.

"Wala lang,"

Pinisil ko yung ilong ni Jack at mahina syang hinampas sa balikat nya.

"Wala lang?" nangunot-noo ako dahil sa sinabi nya.

"Yes, wala lang. Okey ka naman so, wala akong dapat ipag-alala,"

"Ikaw yata yung dapat kong tanungin ngayon, okey ka ba?" tanong ko.

Inalis nya yung kanang braso nyang nakayakap sa'kin at huminga nang malalim.

"Yeah, always―I think," sagot nya sa'kin at saka tumalikod ng higa.

Medjo nalungkot ako nang kaunti dahil sa ginawa nya. Tuwing nagla-loving-loving kaming dalawa ni Jack, hindi naman nya ko tinatalikuran―ako pa nga mismo yung tumatalikod sa kanya tapos niyayakap nya ko nang patalikod.

𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯, 𝘴𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘭𝘪𝘬𝘰𝘥 𝘴𝘢'𝘬𝘪𝘯...

Huminga ako nang malalim at sya naman yung mahigpit kong niyakap sa likod. Naramdaman ko namang hinawakan ni Jack yung mga kamay ko at ipinulupot yun sa bewang nya.

***

"Jack," bulong ko kay Jack kasabay nun ang pagtapik ko sa pisngi nya nang mahina.

Muli kong tinapik yung pisngi ni Jack para siguraduhin kung tulog na ba talaga sya o gising pa. Kiniliti ko si Jack kung saan sya may kiliti pero wala na kong naririnig pang salita o pagtili galing sa kanya.

"Jack," bulong ko ulit.

Ilang tapik at kiliti pa yung ginawa ko bago ko makumbinse yung sarili ko na tulog na talaga sya.

Dahan-dahan kong kinuha yung mga kamay kong nakayakap sa kanya at ipinalit yung unan.

Hinanap ng mga mata ko kung nasaan yung cellphone nya. Kinapa ko yung bulsa sa shorts nya, yung ilalim ng kama at sa loob ng maliit nyang kabinet―pero hindi ko nakita yung cellphone nya.

𝘐𝘤𝘩𝘦-𝘤𝘩𝘦𝘤𝘬 𝘬𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘢𝘣𝘢𝘭𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘪 𝘑𝘢𝘤𝘬...

Napadako yung tingin ko sa lamesang nasa tabi lang ni Jack. Doon ko nakita yung cellphone nya kaya dahan-dahan akong dumukwang para maabot yun.

Nang makuha ko yun, dahan-dahan rin akong bumalik sa pwesto ko nang tahimik. Naramdaman kong medjo mainit-init pa yung cellphone nya nang mahawakan ko ito.

Sumandal ako sa uluhan namin at in-open ko yung cellphone nya.

"Letche! May pa-password-password pang nalalaman 'tong Jack na 'to," bulong ko nang tuluyang magbukas yung cellphone nya at bumungad sa'kin yung seksing kong picture na nakabikini―at password.

Sinimulan kong mag-type ng maaaring maging password sa isang cellphone, pero palagi akong nagkakamali.

𝘠𝘰𝘶𝘳 𝘱𝘢𝘴𝘴𝘸𝘰𝘳𝘥 𝘪𝘴 𝘪𝘯𝘤𝘰𝘳𝘳𝘦𝘤𝘵, 𝘱𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘵𝘳𝘺 𝘢𝘨𝘢𝘪𝘯 𝘭𝘢𝘵𝘦𝘳...

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now