CHAPTER 65

1.5K 46 6
                                    

[JACK'S POINT OF VIEW]

~~~

[FLASHBACK]

Kinuha ko yung walis tambong nakasabit sa likod ng pintuan ng kwarto ko at nagsimulang linisin yung mga kalat na ako lang rin yung may gawa.

Winalis ko na lahat ng kalat na pwede kong kainisan. Lahat ng nakikita kong kalat, mapa-papel, plastik o kahit ano pa, winalis ko na.

Naisipan ko na ring maglinis ng bahay dahil magi-isang buwan na kong gising-ligo-kain-tulog lang. Hindi ko na magawang maglinis ng bahay dahil sa nangyari. Until now, nasasaktan pa rin ako lalo na sa tuwing naaalala ko yung record ng pag-uusap nila Anne at Rue.

May parte rin sa pagkatao ko yung nagsasabing nami-miss ko na yung presensya ni Anne. Aminado naman akong miss ko na sya, pero kailangan kong ipakitang hindi ako apektado sa nararamdaman ko.

𝘐𝘧 𝘐 𝘨𝘰𝘵 𝘭𝘰𝘤𝘬𝘦𝘥 𝘢𝘸𝘢𝘺🎶

𝘈𝘯𝘥 𝘸𝘦 𝘭𝘰𝘴𝘵 𝘪𝘵 𝘢𝘭𝘭 𝘵𝘰𝘥𝘢𝘺🎶

𝘛𝘦𝘭𝘭 𝘮𝘦 𝘩𝘰𝘯𝘦𝘴𝘵𝘭𝘺, 𝘸𝘰𝘶𝘭𝘥 𝘺𝘰𝘶 𝘴𝘵𝘪𝘭𝘭 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘮𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘢𝘮𝘦?🎶

𝘐𝘧 𝘐 𝘴𝘩𝘰𝘸𝘦𝘥 𝘺𝘰𝘶 𝘮𝘺 𝘧𝘭𝘢𝘸𝘴🎶

𝘐𝘧 𝘐 𝘤𝘰𝘶𝘭𝘥𝘯'𝘵 𝘣𝘦 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨🎶

𝘛𝘦𝘭𝘭 𝘮𝘦 𝘩𝘰𝘯𝘦𝘴𝘵𝘭𝘺, 𝘸𝘰𝘶𝘭𝘥 𝘺𝘰𝘶 𝘴𝘵𝘪𝘭𝘭 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘮𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘢𝘮𝘦?🎶

Nagulat ako sa biglaang pag-play ng music sa cellphone ko. Kinuha ko yung cellphone sa ibabaw ng lamesa para patayin yung music, kaso bigla akong natigilan dahil sa nakita ko.

Nag-pop up sa screen ng cellphone ko yung picture namin ni Anne na magkasama. May nakalagay sa taas nung 𝘏𝘢𝘱𝘱𝘺 6𝘵𝘩 𝘮𝘰𝘯𝘵𝘩𝘴𝘢𝘳𝘳𝘺. Bigla akong kinabahan dahil sa nakita't nabasa ko.

Pinagmasdan ko lang yung picture namin ni Anne. Malapad yung ngiti nya at kitang-kita ko sa mga mata't labi nya yung saya. Hindi ko napigilang mapangiti, pero agad ko ring binawi yung ngiti ko ng maalalang hindi ko pala sya kasama.

Pinatay ko nalang yung music at ibinaba yung cellphone ko.

Pagkatapos kong magwalis-walis, dumiretso na agad ako sa cr. Isa rin 'to sa kailangan kong linisin dahil nasisiguro ko ng hindi na maganda ang amoy sa loob.

Una kong kinalikot yung baul at bathtub. Muntik pa kong masuka dahil sa amoy. Sinimulan ko ng linisin ang buong cr para maging maaliwalas ng tingnan.

Pagkatapos kong maglinis sa banyo, inayos ko na yung basurahan. Balak ko na sanang ibuhol yung trash bag, pero bigla nalang akong natigilan dahil sa nakita ko.

𝘗𝘳𝘦𝘨𝘯𝘢𝘯𝘤𝘺 𝘵𝘦𝘴𝘵...

Nakataob yung pregnancy test na nakita ko. Kahit nandidiri ako, pinilit kong kunin yun. Pag-angat ng kamay ko, agad kong tiningnan yung resulta.

Bahagyang nanlaki yung mga mata ko at bigla akong kinabahan. Bumilis ng bumilos yung pagtibok ng puso ko dahil sa nakikita ko. Hindi ko na namalayan na naluha na pala ako dahil sa sobrang saya.

𝘗-𝘱𝘰𝘴𝘪𝘵𝘪𝘷𝘦...

“B-buntis si Anne,” nanginginig yung mga labi ko habang nagsasalita.

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now