CHAPTER 55

1.3K 34 2
                                    

(Dedicated to: NFSCJDR)

______________

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

*𝘋𝘪𝘯𝘨 *𝘥𝘰𝘯𝘨 *𝘋𝘪𝘯𝘨 *𝘥𝘰𝘯𝘨

Agad akong nagtungo sa harap ng pinto para pagbuksan yung nagdo-doorbell sa labas. Napahikab pa ko bago tuluyang buksan yung pinto.

Pagbukas ko ng pinto, wala naman akong nakitang tao pero ine-expect ko na, na may isang bagay na iiwan sa'kin si Tyson.

Tumingin ako sa lapag at hindi nga ko nagkamali nang makita ko dun yung isang maliit na box. Kinuha ko yun at binuksan. Nagpalinga-linga pa ko bago ko tuluyang buksan yung maliit na kahon.

Muli na naman akong nilukob ng takot at kaba nang makita ko yung laman ng maliit na box. Picture naming dalawa ni Tyson sa altar.

Pakiramdam ko kakapusin na ko nang hininga dahil sa sunod-sunod na mga pagpapadala nya sa'kin ng mga picture naming dalawa na madalas nakalagay sa maliit na kahon.

May nakasipit sa box na isang papel. Kinuha ko yun at binasa.

𝘊𝘢𝘯 𝘸𝘦 𝘮𝘦𝘦𝘵?

𝘚𝘢 𝘥𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘨𝘱𝘶𝘢𝘯...

Huminga ako nang malalim at ibinalik yung papel sa loob ng box. Mabilis kong isinara yung pinto at umiiling-iling na bumalik sa kwarto ko.

Itinago ko sa loob ng kabinet ko yung maliit na kahon na yun para maiwasang makita ni Jack. Ibinagsak ko yung katawan ko sa malambot kong kama at matamang nag-isip.

𝘈𝘯𝘰 𝘱𝘢 𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘢𝘱𝘢𝘮𝘶𝘬𝘩𝘢 𝘯𝘺𝘢 𝘴𝘢'𝘬𝘪𝘯?

𝘓𝘢𝘭𝘢𝘪𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘪𝘪𝘯𝘴𝘶𝘭𝘵𝘶𝘩𝘪𝘯 𝘯𝘺𝘢 𝘣𝘢 𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯𝘢𝘭?

𝘗𝘢𝘨𝘵𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘶𝘭𝘪𝘵-𝘶𝘭𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘪𝘴𝘶𝘴𝘶𝘮𝘱𝘢?

𝘒𝘢𝘬𝘢𝘶𝘴𝘢𝘱𝘪𝘯 𝘯𝘺𝘢 𝘣𝘢 𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘪𝘯𝘴𝘪𝘯𝘢𝘯?

𝘖 𝘣𝘢𝘬𝘢, 𝘰 𝘣𝘢𝘬𝘢 𝘪𝘣𝘶𝘣𝘶𝘯𝘺𝘢𝘨 𝘯𝘺𝘢 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘵𝘰𝘵𝘰𝘰 𝘬𝘢𝘺 𝘑𝘢𝘤𝘬?

Mabilis akong napabangon sa pagkakahiga ko sa kama dahil sa biglaang pumasok sa isipan ko. Bumalot na naman sa pagkatao ko yung takot at kaba dahil sa naisip ko.

***

Isinukbit ko sa balikat ko yung dala-dala kong maliit na bag at ipinusod yung buhok ko.

"Jack, sasamahan ko lang si Rue na mamasyal ha?" pagpapaalam ko kay Jack kahit yung totoo, makikipagkita ako kay Tyson.

Hindi ko alam yung intensyon nya pero gusto kong maliwanagan sa mga ginagawa nya sa'kin.

Humarap sa'kin si Jack at nangunot-noo.

"Kayo ng kaibigan mo? Sa'n naman kayo mamamasyal?" nakangiting tanong nya.

𝘗𝘢𝘵𝘢𝘺! 𝘈𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘬𝘰?

"Ah.. ah sa ano... 'd-'di ko alam kay Rue pero sasamahan ko lang naman sya. Promise," pagsisinungaling ko.

Lumapit sa'kin si Jack at mahigpit akong niyakap. Napayakap din ako sa kanya nang mahigpit na mahigpit.

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now