CHAPTER 71

1.5K 35 1
                                    

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

"Balita ko, kambal daw yung baby nyo, Jack?" nakangiting tanong ni Xias habang isa-isang inilalagay yung mga binili nyang pagkain sa lamesa.

Ngumiti si Jack at tumango. Kitang-kita ko sa mga mata nya yung sobrang saya at tuwa. Napatingin ako sa tiyan ko kasabay nang paghimas ko dun.

"We we're having a twins. Sobrang sarap pala sa pakiramdam yung ganitong malaman mong magkakaanak ka na. At sa unang beses, kambal pa," sagot ni Jack.

"'Di na ko magugulat kung kambal yung magiging anak nyo, e nasa lahi namin yan. Nasa lahi namin yung pagkakaroon ng kambal,"

"E ba't wala kang kakambal?" natatawang pang-aasar ni Jack.

"Malay ko! Saka kung may kakambal ako, baka nagpatayan na kami pagdating kay Anne," lumingon sa'kin si Xias at ngumiti.

Kinunutan ko sya ng noo at pinandilatan ng mata.

"Ha? Ba't ako?"

"Gulat ka pa? Kung nagkaroon nga ko ng kakambal tapos hindi ka namin pinsan ng kakambal ko, magkaribal kami! Gets?"

Bumaling yung tingin ni Xias kay Jack na ngayon ay masama ang tingin sa kanya. Bigla akong natawa dahil sa biglaang pagtikom ng bibig ni Xias.

"Buti nga at wala kang kakambal at buti nga magpinsan kayo ni Anne,"

"Grabe ha!"

*𝘛𝘰𝘬 *𝘵𝘰𝘬 *𝘵𝘰𝘬

Napatigil kami sa pagtawa at napalingon kaming tatlo sa pinto nang biglang may kumatok.

"Hello, excuse me po, sir. Iche-check ko lang po si mam kung stable ba yung lagay nya," pagpapaalam ng nurse.

"Sige," tumango si Jack at bahagyang lumipat sa kaliwang tabi ko.

Chi-neck nung nurse yung pulso, puso, paghinga, blood sugar at mismo ako. Habang chine-check ako ng nurse, nakahawak lang sa mga kamay ko si Jack.

"Ano, nurse? Kamusta sya?" tanong ni Jack.

"Stable naman po lahat sa kanya. Ang sabi po ni dok, pwede na raw syang ilabas agad. Maya-maya po ay pupunta si Dok dito para i-check ulit si mam at para na rin maibigay yung mga needs ni mam,"

"Okey, sige. Salamat,"

"Salamat din po," tumango yung nurse pagkatapos ay lumabas na 'to sa kwarto.

Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko may masamang nangyari sa'kin. Hindi pa rin inaalis ni Jack yung pagkakahawak ng mahigpit sa kamay ko. Nabigla pa ko nang bigla nyang hawakan yung tiyan ko at himasin.

"I can feel their heartbeats," nakangiting saad ni Jack.

Inilagay nya yung tenga nya sa tiyan ko na para bang pinapakinggan nya yung pagtibok ng puso ng mga batang nasa tiyan ko. Hindi ko na napigilang mapangiti dahil sa ginagawa nya.

"Now, I can hear them," dagdag nya.

Natatawa kong hinawakan yung ulo nya at mahina syang hinampas sa kamay.

"Sira! Gutom lang ako no," biro ko.

Bigla syang nag-angat ng tingin sa'kin at kinunutan ako ng noo.

"Gutom ka?"

"O-oo, kanina pa nga e,"

Mabilis na tumayo si Jack at naupo sa tabi ko. Paulit-ulit nya kong hinalikan sa sintinido ko kaya medjo nakikiliti ako.

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now