CHAPTER FOURTY

2.2K 62 8
                                    

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

Dahan-dahan akong umupo sa sofa bed ng sala sa bahay ni Rue at tumabi sa'kin si Jack.

Ngumiwi sa'kin si Rue at pinandilatan ako ng mga mata. Pinanlisikan din nya ng mga mata nya si Jack at inirapan.

“Ano ba 'to, Anne? Prank ba 'to? Joke lang ba 'to? Ano ba 'to, Anne? Seryoso ka ba talaga sa buhay mo?” sunod-sunod na tanong ni Rue habang naka-cross arms at masama yung titig sa'ming dalawa ni Jack.

Hinawakan ko yung kamay ni Rue at hinaplos-haplos yun.

“S-sorry na, Rue,” nakangiting ani ko.

Inirapan ako ni Rue at inalis yung kamay kong humahaplos sa mga kamay nya.

“Tsk! Alam nyo naiirita ako sa inyo, sa totoo lang. Naghiwalay na kayo 'di ba? E b-bakit parang okey na kayo ngayon? Wag mong sabihin, Anne, na kinalabit ka lang nyang si Jack, e nalaglag ka na?”

“N-naaawa kasi ako kay Jack. Na-realize kong wala namang masama sa second chance,” nagulat ako sa biglaang paghawak ni Jack sa kaliwang kamay ko.

“Ako at si Anne, mahal pa rin namin yung isa't-isa. Yeah, alam kong nagkamali ako. Pero papatunayan ko sa kanyang hindi ko na sya sasaktan pa,” sabat ni Jack.

Bahagyang natawa si Rue sa mga sinabi ni Jack at umakto pang nasusuka.

“Ehhckk! Lunukin mo nalang yang sinasabi mo, Jack.”

“Sorry na, Rue,” saad ko.

“Ewan ko sayo, Anne. Ang hirap mong intindihin!”

Lumapit ako kay Rue at niyakap sya nang mahigpit. Aayaw pa sana sya at kakalas sa pagkakayakap ko pero napilit ko sya.

“Sorry na kasi, Rue. Sorry kasi naistorbo kita. Sorry kasi marupok yung naging kaibigan mo.” Paglalambing ko.

Tumitig nang maarte sa'kin si Rue at niyakap na rin ako nang mahigpit.

“Kun'di ko lang 'to bestfriend, baka matagal ko na 'tong napatumba,”

“Sorry na,”

“Oo na!” Humarap si Rue kay Jack at itinapat yung mukha sa kanya.

“S-sorry, Rue. My bad,” saad ni Jack.

“Wag mo kong ma-my bad-my bad jan! Babalaan na kita. Oras na pumunta ulit rito sa bahay ko si Anne na UMIIYAK dahil sayo, kung ayaw mang putulin ni Anne yung kaligayahan mo. Sorry ka kasi ako na ang puputol nyan para sa kanya kahit wala tayong kahit ano. Tandaan mo 'tong mga sasabihin ko sayo. Oras na saktan mo pa ulit ang kaibigan ko, sisiguraduhin kong magsisisi ka,” rinig kong ani Rue at inirapan si Jack.

Napakamot sa ulo nya si Jack dahil sa pagbabanta ni Rue sa kanya.

“Rue naman, tinatakot mo,” saad ko.

“Aba malamang! Para matuto nang hindi nai-stock yung isip,”

Hinawakan ni Jack yung mga kamay ko at nagbigay nang magaang halik sa'kin. Nakita ko sa itsura ni Rue na parang nandidiri sya sa nakikita nya.

“Chuu! Lumayas na kayo rito! Naiirita ako sa pagchu-churbahan nyo jan. Sa harapan ko pa talaga kayo naglalampvngan,” naiiritang ani Rue habang panay lang sa pag-aktong nasusuka.

***

“Are you okey, Anne?” tanong ni Jack sa'kin habang nagmamaneho sya sa sasakyan nya.

Pilit na ngiti lang yung naging sagot ko at hindi na nagsalita pa.

Habang nagmamaneho si Jack, panay yung lingon nya sa'kin. Nakaupo ako sa backseat ng sasakyan nya at hindi sa tabi ng driver's seat.

Panay yung lingon nya sa rearview mirror na nasa harapan nya habang nagda-drive sya. Naging panay din yung lingon ko sa kanya sa salamin.

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now