CHAPTER 56

1.2K 34 7
                                    

(Dedicated to: MaeMaguddayao5)

______________

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

"A-ano ba, Tyson? Bitawan mo nga ko," pagpupumiglas ko sa pagkakahawak nya sa kanang braso ko.

Kalalabas ko lang ng bahay para magtapon ng basura, nang makita ko si Tyson na nakaabang sa gate. Masama yung titig nya sa'kin dahil alam kong may poot at galit sa pagkatao nya.

"Hindi ka pa rin ba aamin?" mariin na ani'ya at mas hinigpitan yung pagkakahawak sa braso ko.

Naramdaman ko yung pagbaon ng matutulis nyang kuko sa balat ko kaya mas naramdaman ko yung hapdi at sakit sa pagkakahawak nya sa'kin.

"B-bitawan mo ko kasi kung hindi, tatawag ako ng pulis at ipapakulong kita!" Banta ko.

Ngumisi sya sa'kin at mas lalong hinigpitan yung pagkakahawak sa braso ko.

"Ipapakulong mo ko? SIGE! Sige at ipakulong mo ko! Hinding-hindi ako matatakot sayo," gigil na ani'ya.

Nagpupumilit akong magpumiglas sa pagkakahawak nya sa'kin pero may pwersa na pumipigil sa pagpupumiglas ko.

"Sisigaw ako dito!"

"Sumigaw ka, wala akong pakielam!"

Ilang beses na kong nagpupumilit na kumawala sa pagkakahawak nya pero ayaw nya pa rin akong bitawan. Agad kong pinadapo sa kaliwang pisngi nya yung mabagsik kong kamay para tigilan na nya ko.

Agad syang napabitaw sa pagkakahawak sa braso ko at napahawak sa pisngi nya. Masama na naman syang tumitig sa'kin na ikinakaba ko.

"S-sorry. Sorry! Ikaw kasi, s-sinabi ko nang bitawan mo na ko,"

Nanlaki yung mga mata ko nang bigla nya kong akmaan ng malakas na sampal. Naramdaman ko nalang na humapdi yung parte ng pisngi ko kung saan nya ko sinampal.

"Sorry? Hindi sapat yung sorry, Anne. Ano yun? Sorry lang pagkatapos nang lahat-lahat? Tang4 ka ba?" pang-iinsulto nya.

Paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko na sana, sana hindi nalang kami nagtagpong muling dalawa.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari dahil oras na malaman ni Jack yung totoo, hindi ko alam yung mga sasabihi't gagawin ko.

𝘒𝘢𝘳𝘮𝘢 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘣𝘢 '𝘵𝘰?

𝘗𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘮𝘢 𝘯𝘢 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘯𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘬𝘰...

𝘓𝘰𝘳𝘥, 𝘵𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘢 𝘱𝘰...

"'Di ka ba makaintindi, Tyson? Matagal nang walang tayo at wala na kong pakielam sayo!"

"Wala na din naman akong pakielam sayo pero alam mo, galit na galit ako sayo. Haha! T4nga! Sino bang taong hindi makakalimot kung sa araw mismo ng kasal nila, tinakbuhan sya nang inakala nyang makakasama nya sa habangbuhay. Useless ka, Anne,"

"Tigilan mo na ko, Tyson. Nananahimik na ko!"

"Bakit? Bakit kita titigilan? Pinatahimik mo ba yung buhay ko simula nung iwan mo ko? Haha! Mas lalong gumulo yung buhay ko dahil sayo!"

"Kaya nga ko nagso-sorry sayo e. Kaya ako humihingi ng sorry sayo dahil sa nagawa ko sayo noon. 'Di mo ba ko naiintindihan, Tyson?" gigil na tanong ko.

Nakita kong nagkuyom yung kamao ni Tyson. Agad nya kong nilapitan at hinawakan sa panga. Ramdam na ramdam ko yung sobrang galit sa pagkatao nya.

"A-aray, Tyson! Nasasaktan ako!"

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now