CHAPTER 77

1.3K 30 5
                                    

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

[2 YEARS LATER]

[ON CALL]

[Rue, aasahan ka namin sa linggo ni Jack ah?]

[𝘏𝘢𝘭𝘢! 2 𝘥𝘢𝘺𝘴 𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘔𝘳𝘴. 𝘕𝘢𝘳𝘷𝘢𝘦𝘻 𝘬𝘢 𝘯𝘢]

[𝘊𝘰𝘯𝘨𝘳𝘢𝘵𝘴 𝘯𝘢 𝘢𝘨𝘢𝘥]

[Hoy, Rue ah! Sumipot ka naman sa kasal ko]

[Totoo na 'to at hindi na ko mang-iiwan sa ere]

[Pumunta ka ah?]

[𝘚𝘺𝘦𝘮𝘱𝘳𝘦 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯. 𝘉𝘦𝘴𝘵𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥 𝘬𝘰 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘪𝘬𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭 𝘦]

[𝘈𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢. 𝘚𝘪𝘴𝘪𝘱𝘰𝘵 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭 𝘯𝘺𝘰]

[𝘗𝘳𝘰𝘮𝘪𝘴𝘦]

[Salamat talaga, Rue]

[END OF CALL]

Matapos kong mapatay yung tawag, humarap ako kay Jack at nginitian sya.

“Two days nalang, magiging Mrs. Narvaez ka na, Anne,” nakangiting saad nya.

“Kinakabahan ako pero natutuwa rin kasi sa wakas, ikakasal na ko sa isang lalaking sineryoso ko,” nakangiti ring saad ko.

Hinawakan ni Jack yung mga kamay ko at saka yun hinalikan. Mas lalo akong nakaramdam ng kilig at saya dahil sa ginawa nya. Medjo kabado din ako kasi dalawang araw nalang, officially Mrs. Narvaez na ko.

𝘏𝘢𝘺...

______________

[ON WEDDING DAY]

Kabado ako habang papalapit nang papalapit sa simbahan yung sinasakyan kong kotse. Hindi pa ko nakakababa sa sasakyan pero nararamdaman ko nang sasabog na yung emosyon ko.

Nakita kong nagsisimula na yung selebrasyon sa kasal namin ni Jack. Naunang pumasok si Jack kasama sila papa at mama.

Sumunod naman sila Arriane at Jheane, Hazel at Arnel, Angeline at Jagtar, Janine at Amiel, Julia at Angelo, Rue at Xias na mga best mans and brides maid namin ni Jack.

Kitang-kita ko pa sa mukha ni Rue yung sobrang pagkailang kay Xias na hindi ko naman maintindihan kung bakit nya nararamdaman.

Sumunod na pumasok sa simbahan ang kambal naming sila Asher at Arthur habang nasa unahan naman nila ang flower girl naming si Baby Ava. Inaalalayan sya ng kanyang dalawang kuya na maghagis ng mga bulaklak kaya medjo napangiti ako.

“Hay... yung kambal ko,” bulong ko.

Kinalabit ako ni papa at binulungan.

“Anak, handa ka na ba?” tanong nya sa'kin.

Kahit kabadong-kabado ako, nakuha ko pa ring tumango at sagutin sya sa tanong nya.

“Opo, papa. Handang-handa na ko,” nakangiting sagot ko.

Nagsimula na kaming maglakad ni papa palapit sa pinto ng simbahan. Nakahawak ako sa braso ni papa habang walang kupas sa pagngiti. Alam kong ako nalang yung hinihintay ng lahat kaya mas dumodoble yung kaba ko.

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now