CHAPTER 52

1.6K 46 3
                                    

(Dedicated to: Guinsod01)

______________

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

Mahigpit na humawak sa mga kamay ko si Jack habang nakaakbay sya sa'kin. Nasa tabi namin si Tyson na nananatiling seryosong nakatitig sa'min.

“Are you okey, Anne?” nag-aalalang tanong ni Jack.

Tumango ako at ngumiti.

“Oo naman, bakit?”

“Akala ko may sasakit na naman sayo,”

Mahina ko syang hinampas sa braso nya at inirapan.

“Kanina lang yun no saka okey na ko ngayon,”

Nilingon ni Jack si Tyson at kinunutan ng noo.

“Sasabay ka ba sa'min ni Anne?”

Tumango si Tyson at nginitian si Jack.

𝘠𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘨𝘪𝘵𝘪 𝘯𝘺𝘢...

𝘗𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘴𝘰𝘮𝘦𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨...

“Yeah, kung papayag si Anne,” ani Tyson at lumingon sa'kin.

Napalingon din sa'kin si Jack at tinaasan ako ng kilay. Ngumiti sya sa'kin at agad na hinaplos yung buhok ko.

“Kaibigan mo, nagde-demand sayo. Pagbigyan mo na,”

“H-ha? N-nagde-demand?” kunot-noo na tanong ko.

“Si Tyson, Anne. Bestfriend mo pero parang ilag ka. Ba't ka ba nagkakaganyan?”

Umiling nalang ako at tumango. Nilingon ko si Tyson na seryoso lang yung titig sa'kin.

“A-ah k-kasi―” saglit akong tumigil sa pagsasalita ko para isipin yung isasagot ko sa kanya.

𝘒𝘢𝘴𝘪 𝘥𝘢𝘵𝘪 𝘬𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘯?

𝘒𝘢𝘴𝘪 𝘥𝘢𝘵𝘪 𝘬𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘴𝘺𝘰𝘵𝘢?

𝘒𝘢𝘴𝘪 𝘥𝘢𝘵𝘪 𝘬𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘵𝘳𝘢𝘯𝘨𝘦𝘳𝘴 𝘵𝘰 𝘭𝘰𝘷𝘦𝘳𝘴?

𝘒𝘢𝘴𝘪 𝘥𝘢𝘵𝘪 𝘬𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘧𝘪𝘢𝘯𝘤𝘦?

𝘖 𝘣𝘢𝘬𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘥𝘢𝘵𝘪 𝘯𝘺𝘢 𝘬𝘰 𝘮𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘰𝘣𝘳𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘰 𝘪𝘯𝘪𝘸𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘴𝘺𝘢?

“Kasi?”

“Kasi dati kaming magkaibigan. 'Di ba kapag old friends, bihira nalang mag-usap. So, oo, ilag ako,” pagpapalusot ko.

Kinuha ni Jack yung tubig na nasa harapan nya at nilagok yun. Kinuha nya pa yung tissue na nasa harapan ko naman at pinunas sa bibig nya.

“So, pwede na ba tayong umalis?” tanong ko.

Kumuha ulit ng tissue si Jack at pinunas naman sa pawisan kong noo.

“Oo naman, naka-take out naman yung mga in-order natin kaya pwede na tayong umalis.”

Ngumiti ako at kinuha kay Jack yung tissue na pinupunas nya sa'kin at ako na yung nagtuloy na magpunas sa noo ko.

Naiilang akong lumingon kay Tyson na ngayon ay nakangisi sa'kin. Bigla akong nilukuban ng takot at kaba dahil sa pagngisi nya.

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now