CHAPTER TWENTY-NINE

2.1K 50 0
                                    

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

[THREE WEEKS LATER]

"Anne, aalis lang ako sandali ah," pagpapaalam sa'kin ni Jack.

Kasalukuyan akong naghuhugas ng mga pinagkainan namin kaya lumapit sa'kin si Jack at mahigpit na yumakap.

Hinalikan din nya yung leeg ko kaya medjo nakiliti ako.

"Jack naman, sa'n ka ba pupunta?" tanong ko habang panay iwas sa paghalik nya sa'kin.

"Sa company lang ng pamilya," sagot nya.

"E? May company yung pamilya nyo? Yaman nyo naman talaga."

"Oo e, kailangan nila ko ro'n. Kaya aalis lang ako sandali, sandali lang naman kaya wag kang mag-alala," nakangiting ani'ya at hinalikan yung mga labi ko.

"Oo, sige na. Lumarga ka na para maaga kang makauwi,"

"Thank you, Anne. Promise, babalik agad ako."

"Oo sige na, mag-iingat ka ah," bilin ko.

Muling humalik sa mga labi ko si Jack at mahigpit na yumakap sa'kin.

"Hmmm... miss ko na agad ikaw,"

"Sige na, lalandiin mo na naman ako e," pang-aasar ko.

Natawa nalang sya at lumabas na rin sa bahay. Sinilip ko sya sa may bintana at nakita ko na syang sumakay sa sasakyan nya.

"Mag-iingat ka, Jack," bulong ko.

Hinawakan ko rin yung dibdib ko at lihim na ngumiti. Huminga ako nang malalim at pinagpatuloy na rin yung ginagawa kong paghuhugas.

***

Kasalukuyan na naman akong naglilinis ng bahay dito sa bahay ni Jack. Nakangiti pa ko habang naglilinis at nakikinig sa mga kanta ng paborito kong banda na Air supply. Pampawala ng stress at pagod habang naglilinis.

𝘐 𝘤𝘢𝘮𝘦 𝘵𝘰 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘯𝘥 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘢𝘴𝘬𝘦𝘥 𝘵𝘰𝘰 𝘮𝘶𝘤𝘩
𝘞𝘰𝘯𝘥𝘦𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘰𝘶𝘭𝘥 𝘴𝘢𝘺
𝘏𝘰𝘱𝘪𝘯𝘨 𝘺𝘰𝘶'𝘥 𝘶𝘯𝘥𝘦𝘳𝘴𝘵𝘢𝘯𝘥
𝘐𝘵'𝘴 𝘯𝘰𝘵 𝘢 𝘳𝘰𝘭𝘦 𝘐 𝘶𝘴𝘶𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘱𝘭𝘢𝘺

𝘋𝘰𝘯'𝘵 𝘴𝘱𝘦𝘢𝘬 𝘵𝘰𝘰 𝘮𝘶𝘤𝘩 𝘰𝘧 𝘸𝘩𝘢𝘵'𝘴 𝘣𝘦𝘦𝘯 𝘨𝘰𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘯
𝘛𝘩𝘦 𝘱𝘢𝘴𝘵 𝘪𝘴 𝘰𝘷𝘦𝘳 𝘢𝘯𝘥 𝘨𝘰𝘯𝘦
𝘎𝘪𝘷𝘦 𝘮𝘦 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘵𝘳𝘰𝘶𝘣𝘭𝘦𝘥 𝘮𝘪𝘯𝘥
𝘠𝘰𝘶 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘪𝘵'𝘴 𝘶𝘴𝘦𝘥
𝘐 𝘤𝘢𝘯 𝘥𝘰 𝘴𝘰 𝘮𝘶𝘤𝘩 𝘧𝘰𝘳 𝘺𝘰𝘶
𝘐 𝘸𝘢𝘯𝘵 𝘺𝘰𝘶

𝘏𝘢𝘷𝘪𝘯𝘨 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘦𝘢𝘳 𝘮𝘦, 𝘩𝘰𝘭𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘦𝘢𝘳 𝘮𝘦
𝘐 𝘸𝘢𝘯𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘵𝘰 𝘴𝘵𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘨𝘰 𝘢𝘸𝘢𝘺
𝘐𝘵'𝘴 𝘴𝘰 𝘳𝘪𝘨𝘩𝘵
𝘏𝘢𝘷𝘪𝘯𝘨 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘦𝘢𝘳 𝘮𝘦, 𝘩𝘰𝘭𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘦𝘢𝘳 𝘮𝘦
𝘐'𝘭𝘭 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘵𝘰𝘯𝘪𝘨𝘩𝘵, 𝘪𝘵 𝘧𝘦𝘦𝘭𝘴 𝘴𝘰 𝘳𝘪𝘨𝘩𝘵
𝘍𝘦𝘦𝘭𝘴 𝘴𝘰 𝘳𝘪𝘨𝘩𝘵

Sinasabayan ko pa yung pagkanta habang nagwawalis. Sinimulan ko na ring punasan yung mga dingding at pictures ni Jack―kasama yung mga relatives nya.

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now