CHAPTER 44

1.8K 48 2
                                    

(Dedicated to: JeahMaeEngcong)

______________

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

“Wear this dress,” utos sa'kin ni Jack.

Taka ko syang tiningnan dahil sa inutos nya. Kinuha ko yung dress na inaabot nya at tiningnan.

“H-ha? B-bakit ko naman susuotin 'to?”

Bumuga nang hangin sa katawan nya si Jack at nginitian ako. Kinuha nya yung kanang kamay ko at hinila ako papasok sa cr.

“B-bakit?”

“I have a meeting with our one clients,” kalmadong saad nya.

“Ano namang gagawin ko at bakit mo ko pinagsusuot ng dress?”

Hinawakan nya yung pinto at inakmang isasara pero agad ko yung pinigilan.

“Ano?”

“Sasama ka sa'kin. I know na mag-iisip ka na naman nang kung ano-ano jan. Baka mag-overthink ka pa,” sagot nya.

Tuluyan na nga nyang isinara yung pinto ng cr kaya tuluyan rin akong napapasok sa loob.

“Ano namang gagawin ko dun? Halo! Wala akong kaalam-alam sa pagma-manage ng ganyan,” reklamo ko.

“Kapag naging mag-asawa na tayo, isa ka na rin sa tutulong sa'kin sa kumpanya namin. Kaya kumilos ka na jan kasi male-late na tayo.” Nakangiting ani'ya at nagbigay sa'kin ng flying kiss.

Inirapan ko sya at sinamaan ng tingin.

“Kainis ka pa nga,”

Pinakita nya sa'kin yung relo nya at nakatapat yun sa alas sais y medya.

“It's already 6:30 am, bilisan mo na dahil mga 7 am dapat nasa building na tayo,”

Wala na kong nagawa kun'di ay sumunod sa sinasabi nya. Napag-isip-isip ko rin na mababantayan ko sya sa mga nakakasalamuha nya.

Kahit napipilitan akong suotin yung dress na binigay nya, sinuot ko pa rin. Medjo naasar din ako kasi dress na naman yung pinapasuot nya.

Nang isuot ko yung dress, hindi ko napigilang mapamvra.

“G4go ka talaga, Jack!”

“Suotin mo nalang, bagay naman sayo yan,” natatawang pang-aasar nya.

Makalipas yung ilang minuto, kunot-noo akong lumabas sa cr ng naka-dress na asul. Asar akong lumapit kay Jack at bahagya syang kinurot sa tagiliran nya.

“Ouch! Anne, why?” inda nya.

Umakto ako nang parang susuntukin sya at kumagat sa ibabang labi ko.

“Upakan kaya kita dito? Tingnan mo yung suot ko, bang ano! Girlfriend mo, pinagsuot mo ng dress na kitang-kita yung cleveage. Susuntukin talaga kita,”

“It's okey. Sexy ka nga sa suot mo e,” natatawang pang-aasar nya.

“Hmpt! Hay naku,”

Bahagya pang natawa ulit si Jack at niyakap ako nang mahigpit. Nanlambot na yung puso ko kaya napayakap na rin ako pabalik.

“I love you,” bulong nya.

“I love you too, bakla!” Pang-aasar ko naman.

__

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now