CHAPTER FIFTEEN

3.6K 70 0
                                    

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

“Another day, another landian na naman,” bulong ko nang makita sila Xias at Jack na naglalandian sa kusina.

Simula nang maging mag-boyfriend silang dalawa, palagi na silang clingy sa isa't-isa. Minsan nga nakikita ko pang naghahalikan o kahit pa sa harapan ko, may nagaganap na landian.

Gaya nang palagi kong nakikita, nakayapos nang yakap si Xias kay Jack habang nagluluto ito. Kasalukuyan kasing nagluluto si Jack nang tanghalian namin ngayon.

Minsan nao-awkwardan ako sa set-up na to. Minsan naa-out of place ako kasi palagi silang magkasama. I mean, wala naman akong karapatang umangal, pero nakakamiss palang mang-asar sa baklang to?

𝘉𝘢𝘬𝘭𝘢𝘯𝘨-𝘣𝘢𝘬𝘭𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢!

“Hoy! Yung landian nyo, itigil nyo nga yan. Nakakaasiwa saka baka masunog tong bahay,” saway ko sa kanila.

Humarap sa'kin si Jack na nakaipit pa nang ponytail at umirap.

𝘈𝘬𝘢𝘭𝘢 𝘮𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘣𝘢 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘰𝘬. 𝘒𝘢𝘣𝘶𝘩𝘰𝘬 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘣𝘷𝘭𝘣𝘷𝘭 𝘯𝘺𝘢..

𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘤𝘶𝘵𝘦 𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘨𝘯𝘢𝘯...

“Kung wala ka pong magandang sasabihin, pwede ka na pong humimlay,” saad nya na ikinakunot ng noo ko at ikinainis.

“Anong humimlay? Gusto mo bang mamat4y na ngayon?” gigil na tanong ko.

𝘉𝘢'𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘺𝘢𝘵𝘢 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘢𝘴𝘢𝘳?

“Chill lang, Anne. Jack is kidding. Inaasar ka lang nya, wag mo nang isaulo pa,” natatawang saad ni Xias na nananatiling nakayakap kay Jack.

Akmang susuntukin at sasabunutan ko na sana si Jack kung hindi lang pumagitna si Xias.

Kumagat pa ko sa ibabang labi ko, naaasar kasi ako sa baklang to.

***

Pumalakpak ako nang makita kung ano yung kanina'y niluluto ni Jack. Abodong sitaw!

𝘠𝘶𝘮! 𝘠𝘶𝘮𝘮! 𝘠𝘶𝘮𝘮𝘮...

Sumandok ako nang ulam at naglagay sa mangkok ko. Kumuha na rin ako nang kanin at naglagay na rin sa plato ko.

𝘞𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢-𝘳𝘶𝘭𝘦𝘴 𝘳𝘶𝘭𝘦𝘴 𝘮𝘰, 𝘉𝘢𝘬𝘭𝘢!

Susubo na sana ako nang kanin na may bahog na sabay ng sitaw, nang bigla akong matigilan. Napanganga ako nang makita yung dalawa sa harapan ko na naglalandian.

Nagsusubuan pa silang dalawa sa harapan ko at makikita mo talagang sweet sa isa't-isa.

Gusto ko nalang maglaho sa harapan nila dahil sa ka-sweet-an. Napakagat pa ko sa ibabang labi ko dahil sa pangigigil.

“Ilugar nyo naman yang landian nyo. Nasa harap po kayo ng pagkain,”

Dumila sa'kin si Jack na akala mo bata. Umakto ako na parang susuntok dahil sa ginawa nya.

“Batang bakla!” Pang-aasar ko.

“Babaeng maarte!” Asar nya rin.

“Baklang iyakin!”

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now