CHAPTER 41

1.9K 55 4
                                    

(Dedicated to: brekzmin)

______________

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

Ilang minuto na kong nakatulala sa kisame at malalim yung iniisip. Nakalagay yung dalawang mga kamay ko sa ibabaw ng tiyan ko at tahimik lang.

Naiisip ko na ilang araw na yung lumilipas pero imbis na maging masaya o bumalik yung saya ko, mas lalo lang akong nalulugmok sa kalungkutan.

“Anne,” napalingon ako sa may pinto nang tawagin ni Jack yung pangalan ko.

Umiling ako at ibinalik yung atensyon ko pagtitig sa kisame. Hinayaan ko lang syang kumatok nang kumatok at tawagin nang tawagin yung pangalan ko. Iniisip ko na wala naman syang kailangan sa'kin.

Napansin ko yung pagbukas ni Jack sa pinto ng kwarto ko at agad syang pumasok. Mabilis nyang ni-lock yung pinto ng kwarto at agad na lumapit at tumabi sa'kin sa kama.

Niyapos nya ko nang yakap sa bewang ko pero sa totoo lang, hindi ako komportable sa ginagawa nya. Naging panay yung pagdampi ng mabango nyang hininga sa batok ko.

“Anne,” hinalik-halikan na din nya yung likod ng tenga ko at mas yumapos ng yakap sa'kin.

Nagpupumiglas ako sa ginagawa nya dahil hindi talaga ako komportable.

“Anne, I really miss you,” bulong nya.

Tinanggal ko yung isang kamay nyang nakayakap sa'kin at umiwas sa paghalik nya.

“J-Jack. A-ano ba! T-tigilan mo ko dahil wala ako sa mood na makipaglambingan sayo. Masama yung pakiramdam ko kaya wag mo muna kong yayakapin,” kalmadong paki-usap ko at tuluyan ko na ngang inalis yung isa pa nyang kamay.

Agad akong tumalikod ng higa sa kanya at nagtaklob ng kumot. Naramdaman kong nalungkot sya sa ginawa ko dahil isa sa instinct nyang malungkot kapag hindi ko sya napagbibigyan sa isang bagay.

Umiling nalang ako at ipinikit na yung mga mata ko. Ramdam na ramdam ko yung presensya ng kalungkutan ni Jack at naririnig ko yung mahihinang paghikbi nya.

Alam kong nasasaktan sya sa bawat araw na nire-reject ko sya at ang mga bagay na ginagawa nya.

'Di nya naman siguro ako masisisi kung bakit ganun yung nararamdaman ko.

Masaya ako nung nasa labas pa ko at nasa bahay ni Rue, pero nung tumapak ulit ako sa bahay ni Jack, muli na namang bumalik sa alaala ko yung mga nakita ko.

Hindi ko napigilang takasan ng mga luha ko dahil sa naiisip ko. Madalas akong nai-stress sa mga bagay na hindi ko naman dapat na iniisip. Madalas rin akong umiiyak, nalulungkot, nagagalit at masama ang loob.

Pinunasan ko yung mga luha ko at pinakalma yung sarili ko. Huminga ako nang malalim at hindi nagpahalatang naiiyak ako sa mga naiisip kong mga bagay na anytime, pwedeng gawin sa'kin ni Jack.

__

Masayang-masaya ako habang naglalakad palapit sa kabinet ko. Kakaayos ko pa lang kasi ng mga damitan ko at since bagong ligo ako, mas napi-feel kong magsuot ng magandang damit.

“Hmmmm... hmmm... hmm... hm...” panay pa yung kanta ko habang hinahanap yung damit na gusto kong suotin.

Nangunot noo ako at unti-unting nilalamon ng inis at galit. Ilang minuto na kasi akong naghahalungkat sa hinahanap kong damit pero hindi ko pa rin nakikita.

Iritadong-iritado na ko dahil nagsisimula na naman akong sumabog sa inis.

“NA'SAN NA BA YUNG DAMIT NA YUN?! NA'SAN KA NA! ARGHHH! NAKAKABWISET NAMAN. ARGHHHHH!”

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now