CHAPTER SIX

4.8K 101 3
                                    

[JACK'S POINT OF VIEW]

~~~

[𝘜𝘯𝘬𝘯𝘰𝘸𝘯 𝘮𝘦𝘴𝘴𝘢𝘨𝘦]

Nagising ako sa pagtunog ng cellphone ko sa bulsa, kinapa ko yun at tiningnan kung sino yung nag-text.

𝘍𝘳𝘰𝘮: 𝘜𝘯𝘬𝘯𝘰𝘸𝘯

: 𝘑𝘢𝘤𝘬𝘪𝘦, 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘵𝘪𝘥 𝘯 𝘬𝘵𝘢 𝘫𝘯 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘺. 𝘜𝘮𝘶𝘸𝘪 𝘯𝘬𝘰 𝘬𝘨𝘢𝘣𝘪 𝘱𝘢. 𝘈𝘯𝘯𝘦 𝘵𝘰𝘩...

Pagkabasa ko ng message, agad kong si-nave sa contacts ko yung number ni Anne.

Ibinaba ko sa kama yung cellphone ko at nilibot ng paningin ko ang buong kwarto.

𝘕𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰?

Biglang nag sink-in sa isipan ko na kwarto ito ng manloloko kong boyfriend na si Xias. Sinilip ko yung ilalim ng kama para makasigurado at nang makita ko yung tsinelas nya, nangigigil agad ako.

"Bakit dito mo ko dinala, Anne?" gigil na tanong ko sa sarili habang hindi magkamayaw sa pag-alis palayo sa kama.

Kinuha ko yung cellphone ko at inilagay yun sa bulsa ko. Pilit kong kinakalma yung sarili ko para hindi makahalata si Xias na alam ko na yung sikreto nya.

Kalmado akong lumabas ng kwarto, nakasalubong ko si Xias na mukang magpupunta sa kwarto.

"Oh, Babe! Good morning! Drink this coffee, sigurado akong may hang-over ka pa.." bati ni Xias sabay abot sa'kin ng isang tasa na may lamang kape.

𝘋𝘳𝘪𝘯𝘬 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘤𝘰𝘧𝘧𝘦𝘦 𝘢𝘭𝘰𝘯𝘦!

Hindi ko pinansin yung sinabi ni Xias at binangga ko yung balikat nya. Sa kaloob-looban ko, gustong-gusto ko na syang pagsasabunutan.

Habang naglalakad ako palayo sa kanya, biglang hinawakan ni Xias ang kamay ko at hinarap ako.

"B-Babe, anong problema mo? M-may hang-over ka pa," saad nya.

Ngumisi ako at kumalas sa pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Uuwi na ko, ayoko munang makita ka ngayon," ani ko at muli kong binangga yung balikat nya at naglakad palabas ng bahay nya.

"J-Jack..." tawag nya.

Hindi ko na pinansin yung pagtawag nya sa pangalan ko at agad akong sumakay sa kotse ko kahit pa ramdam kong may hang-over pa nga ko.

Tinawagan ko si Anne para magpasama sa kanya ngayon sa bahay ko. Gusto kong may makausap tungkol sa nararamdaman ko ngayon at alam kong sya lang ang makakatulong sa'kin at makakausap ko.

𝘊𝘢𝘭𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘈𝘯𝘯𝘦...

"Hello? Bakla999?" bungad ni Anne sa kabilang linya.

"Stupid!" Mura ko sa kanya.

"Stupid ka din! Bakit ka ba tumawag? May hang-over ka pa ngayon ah?" tanong nya.

"Samahan mo ko sa bahay ko, gusto kong ilabas yung nararamdaman ko ngayon," sagot ko.

"Ha? Samahan? Wag mong sasabihing mag-iinom ka na naman? Hoy! Hindi na ko pupunta kung may inuman jan!" Pananalak nya.

"Nope, gusto ko lang talagang ilabas yung sakit. Iinom lang tayo―ng tubig.."

"Oo na! Text mo nalang sa'kin address ng bahay mo. Ingat ka, may hang-over ka pa..." saad pa nya.

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now