CHAPTER 59

1.2K 36 3
                                    

(Dedicated to: ArlynAbad2)

______________

[JACK'S POINT OF VIEW]

~~~

Inabangan ko sa harap ng pinto yung magdo-doorbell. Tulog na naman si Anne kaya hindi ako natatakot na harapin si Tyson.

Ilang sandali pa, may nakita akong isang anino na akmang naglalagay ng isa na namang box sa harap ng pinto. Agad kong binuksan yung pinto at hindi nga ko nagkamali sa hinala ko.

“Tyson?”

“Jack,”

Mabilis syang tumakbo palayo sa bahay pero agad ko rin syang nahabol at tumigil kami sa isang eskinita. Hinubad nya yung hoodie nya at hinarap ako.

“Alam mo na siguro yung ginagawa ni Anne?” nakangising tanong nya.

“Kabit ka ba ni Anne? Sabihin mo yung totoo sa'kin, Tyson. Kabit ka ba nya?” seryosong tanong ko.

“Kabit? 'Di ba mag-BESTFRIENDS kami? Kasi yun yung sinabi nya 'di ba?”

“May magkaibigan bang nagsusuot ng wedding gown at barong? Ke'lan nyo pa ko niloloko?”

“Bro, chill! Hindi kita niloloko. Si Anne mismo ang nangloloko sayo,”

“Kinasal na kayo! Mag-asawa na kayo!”

“Ahuh! No! Akala ko nga din e magiging mag-asawa na kami pero alam mo ba yung ginawa nya?” inilapit ni Tyson yung mukha nya sa'kin na punong-puno ng poot at galit.

“Iniwan nya ko sa altar! Ginamit lang nya ko! Niloko nya ko!”

Naguluhan ako sa mga pinagsasabi nya dahil hindi naman yun ang inaasahan kong sagot. Taka ko syang tinapunan ng tingin. Hinawakan ko nang mahigpit yung kwelyo nya kaya itinaas nya yung dalawa nyang mga kamay.

“OopssSss! Sorry!” Pamimilosopo nya.

“What do you mean?”

Inalis nya yung mga kamay ko sa kwelyuhan nya at sinamaan ako ng tingin.

“She's using you,”

“H-huh?”

“She loves you not,”

“Niloloko mo ko!”

“Si Anne nga yung nangloloko sayo,”

“May dapat ba kong malaman sayo, Tyson? Just spread it because I really don't know what you're talking about!”

Nilagay nya yung kanang kamay nya sa bulsa nya at umiling. Narinig ko pa yung pagsinghap nya bago magsalita.

“Let me tell my story,” panimula nya.

“Anne and I, meet in the club. It happens way back 5 years ago. I was in the influence by the wine, when suddenly she came and sit in my lap. She sedvce me! At bilang nasa impluwensya ng alak, bumigay ako,”

𝘓𝘪𝘬𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘥𝘰 𝘵𝘰 𝘮𝘦...

“May nangyari sa'min. After that night, may naghatak sa'kin para hanapin sya. I don't know why but I feel like I will lose myself when I don't see her. Nagtagal yung relationship namin ng sampung buwan bago namin naisipang magpakasal. Nung araw ng kasal namin, excited na excited kaming lahat. Yung relatives ko, excited silang ma-witness yung kasal namin. Masayang-masaya yung parents ko kasi sa wakas, ikakasal na ko. Pero iniwan ako ni Anne sa altar,”

Nagulat ako sa kinwento nya. Pakiramdam ko nagsisimula na namang manlambot yung mga tuhod ko.

“Ex-fiance ka nalang pala e. Pero bakit mo ginugulo si Anne? Alam mo namang kami ah?”

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now