CHAPTER 48

1.7K 54 3
                                    

(Dedicated to: yancy1102)

______________

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

"Have a nice date at late night, mam and sir," nakangiting bati sa'min nung babaeng isa sa mga staffs.

Kinunutan ko ng noo si Jack at nagtanong.

"Date at late night?"

Inakbayan nya ko at magaang hinalikan sa sintinido ko.

"Wheel of fate," bulong nya.

Napanganga ako sa sinabi nya at medjo tinamaan ng kilig. Hindi ko rin mapigilang mapangiti nang malapad dahil dun.

Hinawakan ko yung kamay nyang naka-akbay sa'kin at hinalikan yun.

Nang makarating kami sa rides na sinasabi nya, namangha ako sa sobrang ganda.

Naunang umapak sa loob si Jack at inalok yung kamay nya sa'kin. Niluhod nya pa yung kaliwang tuhod nya habang inaalok yung kamay nya sa'kin.

Agad kong hinawakan yung kamay nya at mahina syang hinampas sa braso nya.

"Para namang ano 'to," natatawang saad ko.

Inihakbang ko yung magkabila kong mga paa para makapasok sa loob.

"Syempre, kunwari gentleman ako para hindi halatang magaling sa kam―" pinutol ko agad yung balak nyang sabihin.

"Shhh... 'di kita pagbibigyan jan e," nakangiting ani ko kasabay nun ang pagbitaw sa braso nya.

Inalalayan nya kong makaupo at pagkatapos nun ay naupo na din sya.

Pag-upo ko, agad na tumambad sa'kin yung mga masasarap na pagkain. Nasabi kong masasarap kasi sa amoy pa lang, natitikman ko na.

"Have a nice date, mam and sir," pag-uulit ng babaeng staff at umalis na sya sa harapan namin.

Nagsimula na ring umangat yung sinasakyan namin kaya naman agad akong napakapit kay Jack.

"Be careful, Anne," paalala nya.

"Oo, alam ko. Pero ang ganda pala dito? Yung view o, para na silang mga star," nakangiting ani ko habang tinuturo yung mga ilaw sa ibaba namin.

Iniangat ko yung tingin ko at nakita ko yung magagandang mga bituin. Tinuro ko yung mga yun at nilingon si Jack na nakita kong nakangiti sa'kin.

"Jack! Tingnan mo yung mga bituin, pakiramdam ko kaya ko na silang mahawakan. Tingnan mo o, 'bang lapit na nila,"

"Ang ganda mo talaga, Anne," rinig kong saad ni Jack.

Nilingon ko sya ulit at kinunutan ng noo. Hinawakan ko yung kamay nya at nginitian.

"Syempre naman, ako pa ba?"

"Makita lang kitang masaya, kinikilig ako," saad nya.

"Sus! Palagi naman akong masaya. So, kapag malungkot ako malungkot ka rin, ganun?"

Tumango sya at ngumiti.

"Yeah, I think."

"Ikaw talaga. Salamat dito sa pa-wheel of fate mo. Salamat talaga, Jack, kasi―pa'no ko ba 'to sasabihin. Ano kasi, kanina pa ko kinikilig, tinatago ko lang."

Hinawakan nya yung pisngi ko at hinaplos yun.

"Sabi ko na, kinikilig din ang my love ko,"

"Thank you, Jack. Kasi kahit gan'to ako, minahal mo pa rin ako. 9 month's ago, naaalala ko na si-neduce lang kita tapos ngayon, nandito na ko kasama ka. Alam mo yun, yung hindi mo ie-expect na mangyayari 'to. Kinikilig talaga ako,"

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now