CHAPTER 37

2.1K 65 6
                                    

A/N📜: Una po sa lahat, pasensya npo sa sobrang tagal nang paga-update ko s wattpad at mging sa facebook. Nagkaroon po kc kmi ng family problem. Ung papa ko ay naospital at mukang na-confine kc magtatagal dw cla sa ospital. Kailangan n kailangan po nmin ng pera para may maipangdagdag kya gumagawa rn ako ng paraan pra makatulong s knila. Pagpasensyahan nyo npo kung mapapatagal ung paga-update ko. Kailangan ko po kcng mag-focus sa pangangailangan nmin at massbi ko tlgang nd ako makapag-focus sa pagsusulat ko.

Again, I'm really sorry po sa pagiging matagal ng paga-update ko. Sna po ay maintindihan nyo kmi^_^

Maraming slamat po, sleepwelluntilurest❤

__

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

*𝘋𝘪𝘯𝘨 *𝘋𝘰𝘯𝘨 *𝘋𝘪𝘯𝘨 *𝘋𝘰𝘯𝘨

Ilang beses pa kong nagpaulit-ulit na mag-doorbell bago ako pagbuksan ng pinto ni Rue at iluwa sya nun.

Panay pa rin yung singhot at pagbagsak ng mga luha ko kaya nangunot-noo sya at nagtanong.

“A-Anne? An'yare sayo?”

Suminghot ulit ako nang sipon bago magsalita.

“S-si J-Jack, Rue. S-si Jack,” pautal-utal na pagsusumbong ko na parang bata.

Nilakihan nya yung pagbukas sa pinto at agad akong pinapasok sa loob. Isinara na nya yung pinto at pinaupo ako sa sofa.

“Ano bang nangyari? A-anong meron kay Jack at bakit parang umiiyak ka?” nagtatakang tanong nya.

Tumabi sya sa tabi ko at hinaplos yung buhok ko.

“S-si Jack, Rue. S-si J-Jack,”

“A-ano ngang meron sa kanya?”

“N-niloko nya ko, Rue. M-may ibang babae sya,” hindi ko na napigilang humagulhol ng iyak sa sobrang sakit nang nararamdaman ko at dahil sa hindi ko matanggap yung nangyayari sa'kin ngayon.

Bahagyang nagbago yung ekspresyon ng mukha ni Rue at agad akong niyakap nang mahigpit. Sa mga balikat nya paulit-ulit kong binuhos yung iyak ko.

Hinagod nya yung likuran ko at hinayaan nya lang akong ipunas yung uhog ko sa manggas ng suot nyang damit.

“S-si Jack? N-nambabae?” hindi makapaniwalang tanong nya.

Tumango ako at muli na namang napahagulhol ng iyak.

“Y-yu-yung baklang yun? N-nambabae? T-totoo ba yan? N-nambabae t-talaga sya?”

“'Di mo in-expect no? 'D-di ko rin inasahan yun, a-ang sakit pala, Rue.”

Kumalas sya sa pagkakayakap sa'kin at umaktong kukurutin yung singit ko kaya napadaing ako.

“R-Rue, naman,” inda ko.

Tinuro nya yung ulo ko at mahinang tinapik yun.

“'Di ba sinabi ko sayo na oras na saktan ka ng baklang yan e wag kang magpupunta sa bahay ko nang umiiyak? Aba, bakit ngayon e nandito ka?” taas-kilay na tanong nya.

“S-sorry, Rue, kung hindi ako nakinig sayo noon. S-sorry kasi hindi kita pinakinggan nung gabing yun. S-sorry kasi nagkamali ako. S-sorry, a-akala ko kasi hindi mahuhulog yung loob ko sa kanya, n-nagkamali pala ko. A-a-ang sakit, Rue,” napahagulhol na naman ako nang iyak dahil sa sinabi ko.

𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘢𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘢𝘢𝘣𝘰𝘵 𝘴𝘢 𝘨𝘢𝘯'𝘵𝘰 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢...

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now