CHAPTER 68

1.3K 35 0
                                    

[XIAS POINT OF VIEW]

~~~

"Ehhhhhhhh!" Biglang naduwal sa hindi ko maintindihang dahilan si Anne.

Dali-dali syang nagpunta sa lababo para sumuka. Magtataka pa sana ako kung bakit pero bigla kong naalala na buntis pala sya. Napailing nalang ako.

Pinuntahan ko sya kung nasaan sya at hinagod sa likuran.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko.

Nagmumug sya ng tubig at tumango.

"Oo, a-ayos lang ako―" muli syang sumuka kaya nagpasya na kong ipinusod yung buhok nya.

"Are you sure?"

"Nahihilo ako, Xias. U-umiikot yung paligid ko. Pakiramdam ko hindi ko kaya. Ang baho kasi ng dinala mong peanut butter kaya bigla akong naduwal,"

"Yung peanut butter? Mabaho?" natatawang tanong ko.

"Oo,"

"Magpa-doktor kaya tayo?"

"Wag na,"

Nauna na syang pumunta sa sala para umupo. Napailing nalang ako at lihim na napangiti. Alam na alam ko kung bakit sya nagkakaganyan.

Tinabihan ko sya at inalok ng hawak kong pandesal na may palaman na peanut butter. Pero agad nya yung tinanggihan.

"Salamat, Xias, pero ayoko," saad nya.

"Are you sure, Anne?"

"Oo, Xias. Sobrang sama talaga kasi ng pakiramdam ko. Hindi ko kayang kumain nyan,"

"Dalhin nalang kita sa ospital?"

"Wag na sabi, Xias. Kaya ko naman yung sarili ko," seryosong saad nya.

"Oh! Sinisigawan mo yata ako, Andeng?" natatawang tanong ko.

Nanatiling seryoso yung mukha ni Anne kaya nakuha ko ng tumigil sa pagtawa. Nagsimula syang humawak sa tiyan nya at uminda.

Agad akong nag-alala dahil sa ikinikilos nya kaya paulit-ulit ko syang tinanong.

"Ayos ka lang ba?"

"Nagugutom ako, Xias. Parang gusto kong kumain ng peanut butter na hinaluan ng hot sauce. Hmmm... ang sarap nun," napanganga ako dahil sa sinabi nya.

Napansin kong naglalaway na si Anne dahil takam na takam sa naiisip nya. Panay yung kagat nya sa ibabang labi at panay dila sa mga labi nya.

"Peanut butter na hinaluan ng hot sauce? Anong klaseng putahe yan? Pwede namang ito nalang yung hawak ko,"

Kumunot-noo sya at umiling.

"E gusto ko ng peanut butter at hot sauce. May magagawa ka ba?" seryosong tanong nya.

Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi nya. Kanina lang takam na takam sya, ngayon seryoso na naman.

𝘎𝘢𝘯'𝘵𝘰 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘣𝘶𝘯𝘵𝘪𝘴?

𝘞𝘦𝘪𝘳𝘥 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘩𝘢𝘪𝘯?

𝘒𝘢𝘬𝘢𝘪𝘣𝘢 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘪𝘯𝘪𝘯?

Hindi naman gan'to ka-grabe si Anne nung mga nakaraang araw pero masasabi kong kakaiba 'tong araw na 'to.

"Hindi masarap kapag pinagsama yung peanut butter at hot sauce,"

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now